wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Edukasyon Sa Pagpapakatao 2 Quiz No. 2(Second Quarter)

Total questions: 10

Worksheet time: 30mins

Name
Class
Date
1.

1. Isang umaga, nakasalubong mo ang iyong guro. Ano ang iyong sasabihin?

a)

A. Magandang hapon po.

b)

B. Magandang gabi po.

c)

C. Magandang umaga po.

2.

2. Kinumusta ka ng kaibigan ng iyong nanay minsang magkita kayo sa daan. Ano ang iyong itutugon?

a)

A. Mabuti naman po.

b)

B. Pakialam mo po.

c)

C. Wala akong paki.

3.

3. Paalis na ang iyong tatay patungo sa opisina. Paano mo siya babatiin?

a)

A. Mag-ingat po tatay.

b)

B. Magandang gabi po tatay.

c)

C. Pasalubong po tatay.

4.

4. Alin sa mga pahayag ang nagsasaad ng paggalang?

a)

A. Pinagtatawanan ang bagong kaklase dahil kulot ang buhok.

b)

B. Masayang tinutulungan ang batang bagong lipat sa paaralan.

c)

C. Iniiwasang makalaro ang bagong kaklase.

5.

5. Alin sa mga pangungusap ang nagpapahayag ng may paggalang?

a)

A. Anong sinabi mo Mang Tomas?

b)

B. Paalam na po. Papasok na po ako.

c)

C. Aalis na ako Nanay.

6.

6. Isang hapon binisita mo si Dr. Cruz sa kanyang klinika.

Anong sasambitin mo?

a)

A. Dr. Cruz magpapagamot ako.

b)

B. Kamusta ka?

c)

C. Magandang hapon po, Dr. Cruz.

7.

7. Dadaan ka sa gitna ng dalawang nag-uusap. Ano ang dapat mong sabihin?

a)

A. Padaan!

b)

B. Makikiraan po.

c)

C. Makadaan nga.

8.

8. Ang batang __________ay kinalulugdan, Sa salita at gawa

ay kapita-pitagan.

a)

magalang

b)

masalita

c)

matakaw

9.

9. Ang po at opo mga susing ginto na siyang pinagbubukas ng pinto ng __________.

a)

A. bintana

b)

B. bahay

c)

C. puso

10.

10. Hirap na hirap ang kaibigan mong pilay sa kanyang pagtawid sa kalsada ,ano ang gagawin mo?

a)

A. Hahayaan siyang mahirapan tumawid.

b)

B. Sigawan siya na bilisan ang pagtawid.

c)

C. Tulungan siyang makatawid sa kalsada.