wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

MTB 2 Q4 WEEK 4

Total questions: 10

Worksheet time: 10mins

Name
Class
Date
1.

Si Aling Martha ay masinop. Hindi siya bumibili ng mga bagay na hindi naman mahalaga. Ano ang kasingkahulugan ng salitang masinop?

a)

masipag

b)

matipid

c)

mabait

d)

marikit

2.

Maalinsangan ang panahon ngayon kaya marami ang naghahanap ng malamig na inumin. Ano ang kasingkahulugan ng salitang maalinsangan?

a)

maulan

b)

maulap

c)

madilim

d)

mainit

3.

Mataas ang mga pangarap ni Joshua kaya naman masigasig siya sa kaniyang pag-aaral. Ano ang kasingkahulugan ng salitang masigasig?

a)

masipag

b)

malawak

c)

matiyaga

d)

masinop

4.

Makipot ang dinadaanan ni Dino palabas ng kanilang bahay kaya maingat siya sa paglalakad. Ano ang kasalungat ng salitang makipot?

a)

malawak

b)

mahaba

c)

maikli

d)

madulas

5.

Ang probinsiya namin ay masagana sa mga sariwang pagkain. Hindi kami nauubusan ng makakain sa araw-araw. Ano ang kasalungat ng salitang masagana?

a)

dukha

b)

salat

c)

mayaman

d)

malusog

6.

Maluwang ang kalsada papunta sa aming probinsya. Ano ang kasingkahulugan ng salitang maluwang?

a)

malaki

b)

maliit

c)

malawak

d)

masikip

7.

Masukal na ang aming bakuran matapos kaming magbakasyon ng isang buwan sa aming probinsya. Ano ang kasingkahulugan ng salitang masukal?

a)

mabato

b)

madamo

c)

mapuno

d)

mabuhangin

8.

Maralita sila ngunit masayahin. Ano ang kasalungat ng salitang maralita?

a)

dukha

b)

mahirap

c)

mayaman

d)

magaling

9.

Mapagpakumbaba si Rene kaya marami siyang kaibigan. Ano ang kasalungat ng salitang mapagpakumbaba?

a)

matalino

b)

mapagbigay

c)

masayahin

d)

mayabang

10.

Maganda ang kinabukasan ng batang mapag-impok. Ano ang kasingkahulugan ng salitang mapag-impok?

a)

magastos

b)

magaling

c)

matipid

d)

matiyaga