NEW
Font size
Worksheets3rd Summative Examination ESP 7
Total questions: 30
Worksheet time: 2hrs 32mins
Ano ang moral na birtud na gumagamit ng kilos-loob upang ibigay sa tao ang nararapat para sa kanya: sino man o ano man ang kanyang katayuan sa lipunan?
Karunungan
Katarungan
Kalayaan
Katatagan
Si Kryshna ay nagsisimula ng magdalaga, dumarating na ang pagkakataon na nagpapaalam siya sa kanyang magulang na gagabihin sa pag-uwi sa bahay dahil may mga proyektong kailangang gawin kasama ang kanyang mga kaklase. Kinausap ito nang mabuti ng kanyang magulang upang sabihin na papayagan ito ngunit kailangang makauwi sa itinakdang oras. Kapag hindi niya ito nagawa ay hindi na siya muling papayagan ng kanyang mga magulang. Anong mahalagang aral ang itinuturo sa kanya ng kanyang mga magulang?
Ang halaga ng pagsasabuhay ng mga birtud
Ang halaga ng pagtataglay ng moral na integridad
Tamang paggamit ng kanyang konsensya sa paghuhusga
Pag-unawa na ang kalayaan ay may kakambal na responsibilidad
Alin sa mga sumusunod na pahayag ang MALI tungkol sa halaga (values)?
a.
Ito ay nagmula sa salitang Latin na valore.
Ito ay obheto ng ating intensyonal na damdamin.
Ito ay nababago depende sa tao, sa lugar at sa panahon.
Ito ay nangangahulugang pagiging matatag o malakas at pagiging makabuluhan.
Alin sa mga sumusunod na pahayag ukol sa Halagang Pangkultural/Panggawi ang MALI?
Ito ay halagang nagmula sa loob ng tao.
Ito ay mga mithiin na tumatagal at nananatili.
Halimbawa nito ay ang pansariling pananaw, opinion, ugali o damdamin.
Ito ay may layuning makamit ang mga dagliang pansarili o pampangkat na tunguhin.
Ano ang pinakanatural at pinakamahalagang tagapagpaganap ng pagpapahalaga?
Pamana ng Kultura
Mga Kapwa Kabataan
Pamilya at Pag-aaruga sa anak
Guro at Tagapagturo ng Relihiyon
Tukuyin kung alin sa mga sumusunod na pangungusap ang TAMA.
Kapag hindi nagtagumpay ang isang tao sa pagtugon sa isang halaga hindi lang ang halaga ang nasisira kundi pati ang taong hindi tumutugon dito.
Kahit pa napababayaan ng isang tao ang kanyang katawan at kalusugan dahil sa pagtulong sa kapwa nanatili pa ring mabuti ang kanyang gawain.
Ang sino man, bata man o matanda ay may sapat ng kakayahang bumuo ng kanyang sariling pagkatao at magkamit ng mataas na antas ng halaga.
Lahat ng nabanggit
Alin sa mga sumusunod na pahayag ang MALI tungkol sa birtud?
Ang birtud ay laging nakaugnay sa pag-iisip at kilos ng tao.
Ang salitang birtud ay galing sa salitang Latin na virtus o vir.
Ang birtud ay natural lamang na taglay ng lahat ng nilikha ng Diyos.
Ang gawi ay bunga ng paulit-ulit na pagsasakilos na nakamit dahil sa pagsisikap.
Masasabi lamang na tunay na nagging epektibo ang edukasyon sa pagpapahalaga sa tahanan kung:
tunay na nabubuo ang magandang relasyon ng magulang at ng kanilang mga anak
nasiguro ng magulang na ang lahat ng kanilang mga anak ay matagumpay na naisasabuhay ang parehong halaga na kanilang itinuro
walang sino man sa kanilang mga anak ang hindi naisasabuhay ang pagiging maingat sa kanilang mga paghuhusga
lahat ng nabanggit
Sa paanong paraan nagkakaroon ng kaugnayan ang halaga at birtud?
Kung pareho lamang itong naghahangad ng kabutihan para sa tao.
Kung nakikita ng tao na ang isang birtud ay may malaking tulong sa kanyang pagkatao pagyayamanin niya ito at pahahalagahan.
Kung nakikita ng tao na ang isang bagay ay mahalaga tutukuyin niya ang angkop na birtud na mas makapagpapayaman dito.
Kung ito ay ginagabayan ng lahat ng mga birtud.
Ang mga sumusunod ay katangian ng ganap na halagang moral maliban sa:
Ito ay nagmumula sa labas ng tao.
Ito ay pangkalahatang katotohanan na tinatanggap ng tao bilang mabuti at mahalaga.
Ito ay maaaring pansariling pananaw ng tao o kolektibong paniniwala ng isang pangkat ng tao.
Ito ay ang mga prinsipyong etikal na pinagsisikapang makamit ng tao at mailapat sa kanyang pag-araw-araw na buhay.
Ang ________ay tumutukoy sa pagbibigay-halaga sa mga bagay na tumutugon sa pangunahing pangangailangan ng tao at sa mga bagay na maituturing lamang ng rangya o luho.
pambuhay na halaga
pandamdam na mga halaga
ispiritwal na halaga
banal na halaga
Ang pagpapaunlad ng kaalaman/karunungan na siyang gawain ng ating isip ay makakamit sa pamamagitan ng paghubog ng ___________.
Intelektwal na birtud
Moral na birtud
Ispiritwal na birtud
Sosyal na birtud
Ang mga sumusunod ay mga uri ng ispiritwal na halaga ayon kay Max Scheler, maliban sa:
Pagpapahalaga sa katarungan.
Pagpapahalagang pangkagandahan.
Pagpapahalaga sa ganap na pagkilala sa katotohanan.
Pagpapahalaga sa katiwasayan ng damdamin at isipan.
Ito ay halagang may kinalaman sa mabuting kalagayan ng buhay. Pinahahalagahan ito upang masiguro ang kanyang kaayusan at mabuting kalagayan.
Pambuhay na halaga
Pandamdam na halaga
Ispiritwal na halaga
Banal na halaga
Ang mga sumusunod ay katangian ng mataaas na antas ng halaga maliban sa:
kung ito ay tumatagal at hindi nababago ng panahon.
kung ito ay nagiging batayan ng iba pang halaga.
kung ito ay nakabatay sa organismong nakararamdam nito.
kung ito ay dumadami pa ang nagtataglay ng halaga mahirap pa ring mabawasan ang kalidad nito
Sa paanong paraan mapananatili ang moral na integridad ng isang tao?
Kung magiging matatag sa pakikibaka para sa katotohanan at kabutihan.
Kung isasaloob ang mga katotohanang unibersal at halagang moral.
Kung laging pananaigin ang maingat na paghuhusga ng konsensya at pagsasabuhay ng mga birtud.
Lahat ng nabanggit.
Ang paglalapat ng mga panloob na salik sa pang-araw-araw na buhay ay gabay sa paggawa ng __________.
Moral na paghuhusga
Obhektibong paglalahat
Matiwasay na pamumuhay
Mapanagutang pasya at kilos
Anong kakayahan ang mapalalakas kung mahuhubog mula sa pagkabata ang kakayahan ng isang bata na gamitin ang tamang konsensya?
pagbuo ng moral na paghuhusga.
pagbuo ng mabuting kalooban.
pagbuo ng tamang pagpapasya.
pagbuo ng matalinong paghuhusga.
Masasabi lamang na naisagawa ang tunay na esensya ng kalayaan kung:
nakilala ang tama at mali at ibinabatay ang paghuhusga sa mga prinsipyong etikal
sinusunod ng tao ang kanyang likas na kakayahan gawin ang tama at iwasan ang masama
a at b
wala sa nabanggit
Ang kalayaan ng tao ay laging may kakambal na:
katarungan
responsibilidad
maingat na paghuhusga
lahat ng nabanggit
Ang mga sumusunod ay mga kasanayang maaaring maging gabay ng isang kabataan upang maiwasan ang negatibong impluwensyang dulot ng media maliban sa:
pag-aralang pairalin nag pagtitimpi sa lahat ng pagkakataon sa pamamagitan ng pagsasabuhay ng mga birtud
suriing mabuti ang kredibilidad ng tao o kompanya at ang kanilang mga ibinabahaging palabas, produkto o patalastas
matutong talikuran ang tuksong dulot ng mga patalastas, mga panooring nagpapakita ng imoralidad, pagiging malabis na bulgar at minsan ay may kalaswaan
kailangang sanayin ang iyong kaisipan upang masuri ang kalidad ang ano mang impormasyon na tatanggapin o produktong tatangkilikin at ang pagsusuri sa halaga at magiging gamit nito.
Mahalagang maunawaan ang mga panlabas na salik na nakaiimpluwensya sa paghubog ng halaga dahil nakatutulong ito upang:
maging ganap ang pagkatao ng tao
maging matalino sa pamimili ng salik na tagging pagkukuhanan ng mabubuting halaga na isasabuhay
maging mapanuri at mapanindigan ang tamang pasya at kilos sa gitna ng nagtutunggaliang impluwensya
maging isang mabuting huwaran ng kagandahang asal ng mga bahagi ng panlabas na salik na makaiimpluwensya sa paghubog ng halaga
Ang mga sumusunod ay mga tungkulin ng pamilya sa paghubog ng mga halaga ng kanilang anak maliban sa:
Ituro ang mga taong pakikisamahan at pagkakatiwalaan
Ituro ang magpahalaga hindi lamang sa sarili kundi mas higit para sa kapwa
Ituro ang mga prinsipyong moral sa pamamagitan ng kanilang pansariling kaisipan, salita at ugali
Gabayan ang isang bata na kilalanin, unawain isapuso, iangat at isabuhay ang pangkalahatang katotohanan.
Ang pangunahing kailangan ng isang kabataan upang hindi sila maging mahina sa paglaban sa masamang impluwensyang dulot ng iba pang mga kabataan ay:
mataas na antas ng tiwala at pagkilala sa sarili
mataas na antas ng pakikihalubilo at pakikisangkot
sapat na kaalaman sa pagkilala ng masamang impluwensya
sapat na kahandaan upang humarap sa iba’t ibang uri ng tao
Sino ang pinakaepektibong makapagtuturo sa isang bata na isabuhay ang disiplinang pansarili?
magulang
guro
sarili
kaibigan
Mga katangiang dapat taglayin ng kabataan upang maabot ang kanyang mga pangarap maliban sa isa….
katatagan
kapabayaan
talino
kasipagan
Ano kaya ang maaring mangyari sa isang kabataan na walang mithiin sa buhay?
Siya ay maaring mapahamak.
Maaring wala siyang maabot sa buhay.
Hindi siya makatatapos sa pag-aaral.
Hindi uunlad sa buhay.
Ano ang kahulugan ng bokasyon? Ito ay ________________
higit sa trabaho o propesyon o negosyo
kalagayan o gawain na naayon sa plano ng Diyos sa atin
A at B
tumutukoy sa mga gawaing hindi nangangailangan ng kapalit na sweldo o pasahod
Ito ay pinaka tunguhin o pinakapakay na iyong nais na marating o puntahan sa hinaharap.
Pangarap
Mithiin
Panaginip
Pantasya
Alin ang halimbawa ng pangmatagalang mithiin?
Makapasa sa Licensure Exams for Teachers
Maging guro sa aming pamayanan
Makatapos ng pag-aaral
Maging iskolar ng bayan
