wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Kaantasan ng Pang-uri

Total questions: 35

Worksheet time: 34mins

Name
Class
Date
1.

Ito ay ang bahagi ng pananalitang naglalarawan ng pangngalan o panghalip.

4 lines
2.

Alin dito sa sumusunod na mga panlapi ang ginagamit sa pahambing na patulad?

a)

magsim , magsing, sim , sing

b)

di gaano , di-gasino

c)

napapak , pinaka , pagka-

d)

mas , higit

3.

Alin naman dito ang mga panlapi / katagang ginagamit sa pahambing na pasahol?

a)

mas , higit

b)

di-gaano , di-gasino

c)

pagka, napaka , pinaka,

d)

pawang , pareho , kapwa

4.

Ano naman ang panlaping ginagamit sa pahambing na palamang?

a)

di-gaano , di - gasino

b)

mas , higit -kaysa sa / kay-

c)

sakdalan ng , ubod ng , hari ng

d)

pawang , pareho , kapwa

5.

Ang sumusunod na mga panlapi ay ginagamit sa kaantasang pasukdol MALIBAN sa ISA.

a)

higit -kaysa sa / kay

b)

pagka

c)

pinaka

d)

napaka

6.

Alin dito ang DALAWANG katagang nakakabit sa kaantasang pahambing na pasahol?

a)

gaya ng

b)

kaysa kay

c)

kaysa sa

d)

tulad ng

7.

Ang bata ay malumbay sapagkat di nakauwi ang mga magulang niya kagabi.

Alin dito ang salitang naglalarawan sa pangungusap?

a)

bata

b)

kagabi

c)

magulang

d)

nalumbay

8.

Ang himpapawid ay makulimlim. Uulan kaya?

Alin dito ang salitang naglalarawan sa pangungusap?

a)

himpapawid

b)

kaya

c)

makulimlim

d)

uulan

9.

Sa Banal na Araw, pinagbabawal ang pumunta sa mga matataong lugar.

Alin dito ang salitang naglalarawan sa pangungusap?

a)

Banal na Araw

b)

lugar

c)

matatao

d)

pinagbabawal

10.

Bakit biglang umulan? Di naman maulap ang kalangitan ngayon,ah!

Alin dito ang salitang inilalarawan ng pang-uri sa pangungusap?

a)

bigla

b)

kalangitan

c)

maulap

d)

umulan

11.

Hinimatay ang bansot na bata. Hayun dinala siya tuloy sa ospital.

Alin dito ang salitang inilalarawan ng pang-uri sa pangungusap?

a)

bansot

b)

bata

c)

hinimatay

d)

ospital

12.

Bakit hawak niya ang mga matutulis na kutsilyo?

Ang nakadiing pang-uri ay nasa kaantasang ____________.

a)

lantay

b)

pahambing na palamang

c)

pahambing na pasahol

d)

pasukdol

13.

Napasarap sa tulog ang bata. Pinagalitan tuloy siya ng pagkataba-tabang ina niya.

Ano ang kaantasan ng nakadiing pang-uri?

a)

lantay

b)

pahambing na palamang

c)

pahambing na patulad

d)

pasukdol

14.

Akin na nga iyang hawak-hawak mong marupok na pala. Baka masugatan ka pa niyan.

Ang nakadiing salita ay halimbawa ng pang-uring nasa kaantasang __________

a)

lantay

b)

pahambing na patulad

c)

pahambing na pasahol

d)

pasukdol

15.

Magsimputi ang damit na suot nina Tessa at Kisha.

Ano ang kaantasan ng nakasalungguhit na pang-uri?

a)

lantay

b)

pahambing na pasahol

c)

pahambing na palamang

d)

pahambing na patulad

16.

Kasingputi ng suot ni Tessa ang kamiseta ni Kaycee.

Ang nakadiing pang-uri ay nasa kaantasang ________.

a)

pahambing na palamang

b)

pahambing na pasahol

c)

pahambing na patulad

d)

pasukdol

17.

Alin dito ang HINDI kabilang sa pangkat?

a)

masayahin

b)

masasama

c)

payat

d)

pawang mababait

18.

Alin dito ang HINDI kabilang sa pangkat?

a)

di- gaano

b)

di-gasino

c)

higit na

d)

napaka

19.

Alin dito ang HINDI kabilang sa pangkat?

a)

napakarumi

b)

pagkadami-dami

c)

pinakapintasero

d)

matitigas

20.

Alin dito ang HINDI kabilang sa pangkat?

a)

kasing-asim

b)

magkasingkulay

c)

simputla

d)

mas matamlay

21.

Alin dito ang HINDI kabilang sa pangkat?

a)

madulas

b)

malalambot

c)

tahimik

d)

napakaayos

22.

Alin dito ang may naiibang kaantasang gamit sa pangungusap?

a)

Naispan ng magkabarkada ang pumunta sa masukal na gubat.

b)

Iilan lamang ang sumali sa magarbong jamboree.

c)

May dambuhalang ahas sa hawlang iyan.

d)

Napasok ng pinakamabangis na hayop ang zoo.

23.

Alin dito sa sumusunod na mga pangungusap ang may NAIIBANG kaantasan ng pang-uri?

a)

Suwapang ang amo niyan.

b)

Matulis na bagay ang nakatusok sa kamay niya.

c)

Palabiro ang kapatid ni Nely.

d)

Pagkainit-init ng panahon ngayon.

24.

Alin dito sa sumusunod na mga pangungusap ang may NAIIBANG kaantasan ng pang-uri?

a)

Napakaraming biktima ng sakit na ito.

b)

Maraming - marami na rin ang namamatay.

c)

Ang pinakabatang natala ay tatlong buwang taong gulang na sa nggol.

d)

Di- gaanong marami ang namatay ngayon na gaya ng dati.

25.

Alin sa sumusunod na mga pangungusap ang may NAIIBANG kaantasan ng pang-uri?

a)

Nalaman ng nagluluksang mga magulang ang dahilan ng kamatayan ng anak.

b)

Sobrang kalungkutan ang nadarama ng pamilya sa ngayon.

c)

Nagdalamhati ang pamilya ni Mang Kanoy.

d)

Pagkahindik-hindik ng krimeng ginawa niya.

26.

________________ ang gulong ni Peter na tulad noon.

Alin dito ang angkop na pang-uri para sa pangungusap?

a)

Di-gaanong sira

b)

Sira

c)

Sirang - sira

d)

Mas sira

27.

________________ ang ulam ni Peter na gaya ng niluluto ni Maxene.

Alin dito ang angkop na pang-uri ang bubuo sa pangungusap?

a)

Malasa

b)

Di-gaanong malasa

c)

Higit na malasa

d)

Mas malasa

28.

Ang bata ay natatakot sa inang ________________________.

Alin dito ang pang-uring bubuo sa pangungusap?

a)

istrikta

b)

mas istrikta

c)

di-gaanong istrikta

d)

higit na istrikta

29.

Ang batang ____________ ay inaayawan ng iba.

Alin dito ang pang-uring bubuo sa pangungusap?

a)

gusgusin

b)

di-gaanong gusgusin

c)

mas gusgusin

d)

magugusgusin

30.

______________ sina Tom at Jerry.

a)

Magsingbilis

b)

Kasingbilis

c)

Singbilis

d)

Mas mabilis

31.

______________________ ko si Tom.

a)

Kasingbilis

b)

Magkasingbilis

c)

Mas mabilis

d)

Mabilis na mabilis

32.

_____________________ si Tom na tulad ni Jerry.

a)

Kasingbilis

b)

Di-gaanong mabilis

c)

Higit na mabilis

d)

Mabilis

33.

____________________ ni Peter si Anderson.

a)

Kasingtangkad

b)

Magsingtangkad

c)

Mas matangkad

d)

Di-gaanong matangkad

34.

__________________ si Jay kaysa sa kanyang kapatid.

a)

Matangkad

b)

Di-gaanong matangkad

c)

Mas matangkad

d)

Napakatangkad

35.

Sa lahat ng miyembro ng pamilya , si Pat ang _________________.

a)

maliit

b)

mas maliit

c)

di-gaanong maliit

d)

pagkaliit-liit