WorksheetsEsP 7 WS#4 4TH QUARTER
Total questions: 25
Worksheet time: 13mins
Alam ni Boyet na hindi niya kakayanin ang kursong Medisina gayundin ang kakayahan ng kaniyang magulang na suportahan siya. Kaya ang kaniyang ginawa ay naghanap siya ng scholarship sa kanilang munisipyo at iba pang institusyon at unti-unting nagsulat siya ng mga tiyak niyang plano at mga paalala upang maging gabay niya. Anong pansariling salik ang isinagawa ni Boyet?
Katayuang pinansiyal
hilig
mithiin
pagpapahalaga
Alin sa mga pansariling salik na dapat pagbatayan sa pagpili ng kurso na may kinalaman sa iyong kahusayan o galing sa isang bagay o tiyak na abilidad na maaari mong matuklasan mula sa pakikiharap sa mga taong nakakasalamuha, paglutas ng mga mahihirap na bagay, pagbubuo at masistemang paraan sa pagkuha ng datos at iba pa.
talento
hilig
kasanayan (skills)
pagpapahalaga
Ano ang dapat na maging aksiyon mo sa panahong ikaw ay naguguluhan pa sa mga pagpipiliang kurso para sa nalalapit na Senior High School?
Makinig sa gusto ng mga kaibigan
Huminto muna at sa susunod na taon na lamang mag-aral
Magbasa at maglaan ng panahon na makapag-isip at magplano.
Humingi ng tulong sa malapit sa iyo at umasa sa kanilang desisyon.
Sa teoryang Multiple Intelligences ni Dr. Howard Gardner (1983), ang lahat ng tao ay may angking likas na kakayahan, iba't iba ang talino o talento. Bilang nasa Baitang9, ano ang mahalagang gampanin na dapat mong gawin sa mga talino o talentong ipinagkaloob sa iyo na may kaugnayan sa pagpili mo ng nais na kurso sa pagtuntong mo sa Senior High School?
Paunlarin para sa sarili at ibahagi para sa kabutihang panlahat
Pahalagahan at paunlarin
Pagtuunan ng pansin at palaguin
Tuklasin at gamitin sa pagpapayaman mula sa tinapos na kurso.
Ano ang dalawang kakayahang taglay ng bawat tao na magagamit niya sa pagpapasiya at malayang pagsasakilos ng kaniyang pinili at ginusto nang may pananagutan dito?
Kagalingang mangatwiran at matalas na kaisipan
Kahusayan sa pagsusuri at matalinong pag-iisip
Kalinawan ng isip at masayang kalooban
Kakayahang mag-isip at malayang kilos-loob
Ano ang inaasahan sa atin bilang tao sa lipunan na nilikha upang makipagkapuwa at makibahagi sa buhay-sa-mundo (lifeworld) na ang layunin ay makipag-ugnayan sa isa't isa at makipagtulungan?
maki-angkop
makialam
makipagkasundo
makisimpatya
Anong kategorya ng hilig nakapaloob ang taong may mataas na impluwensiya na nakatuon sa mga gawaing pang-agham?
realistic
investigative
socila
enterprising
Aling multiple intelligences nakapaloob ang isang taong mahilig pumunta at mamasyal sa mga magagandang tanawin sa mundo?
existential
naturalistic
interpersonal
intrapersonal
Aling multiple intelligences nakapaloob ang isang taong mas higit na kilala ang kaniyang sarili, at mas pipiliing magtrabaho mag-isa?
existential
naturalistic
interpersonal
intrapersonal
Aling multiple intelligences nakapaloob ang isang taong mahilig makisalamuha sa iba.
existential
naturalistic
interpersonal
intrapersonal
Alin sa mga sumusunod ang unang hakbang sa pagpaplano ng iyong kukuning track sa SHS?
Pagsusuring Pansarili
Pag-enrol sa SHS
Pagpili ng paaralan
Pagpapatahi ng Uniporme
Sa pagsagot ng Multiple Intelligences Survey Form na likha ni Walter McKenzie, 1999, ano ang maaari mong matuklasan sa iyong sarili?
ang iyong kasanayan
ang iyong mga talento
ang iyong hilig
ang iyong mga pagpapahalaga
Sa resulta ng Multiple Intelligence Survey ni Ranna, nakakuha siya ng pinakamataas na iskor sa Bodily Kinesthetic. Ano ang ibig sabihin nito?
Siya ay mahilig sa pag-awit at pagtugtog ng musical instruments.
Siya ay may talento sa pagkulay at pagguhit ng mga anyo.
Siya ay matalino sa numero at problem solving.
Siya ay mayroong talento sa pagsayaw at mayroong mahusay na koordinasyon sa kanyang isip at kilos.
Ayon kay Jurgen Habermas, Alemang pilosoper, ang tao ay nilikha upang makibahagi sa buhay-sa-mundo (lifeworld). Kung gayun, ang tao ay inaasahang:
maging makasarili
makipagkapuwa
makialam
magpakitang-gilas
Bakit mahalagang maitugma ang taglay na talento, kasanayan, hilig at pagpapahalaga sa iyong trabaho?
Makakamit mo ang kagalingan at produktibong paggawa.
Kikita ka ng malaki.
Kakaingitan ka ng lahat.
Mas marami kang magagawang hanapbuhay.
Ang mga taong may mataas na interes sa kalayaan, pagkamalikhain at paggamit ng imahinasyon ay maituturing na:
Artistic
Investigative
Realistic
Conventional
Bakit mahalagang mapili mo ang nababagay na track o kurso sa iyo?
Upang magkaroon ng makabuluhang buhay.
Upang maging produktibong manggagawa.
Upang ikaw ay makabahagi sa pag-unlad ng ekonomiya ng bansa.
Lahat ng nabanggit.
Si Ryko ay mayroong natatanging talino sa matematika, mahusay at mahilig siya sa pagkukumpuni ng mga sirang gamit o makina. Ano ang tugmang SHS strand sa kanya? Pumili ng 2 na maaari niyang pagpilian.
STEM
HUMSS
Electronic Products Assembly and Servicing
ICT- Programming
Pangarap ni Yanna na matuklasan ang gamot sa mga lumalaganap na sakit mula sa virus tulad ng Covid-19. Ano ang kurso na maaari niyang kunin?
Medicine
Engineering
Education
Political Science
Ang mga sumusunod ay paraan sa pagtuklas ng hilig maliban sa:
Suriin ang mga gawaing iniiwasang gawin
Siyasatin ang mga gawaing nakapagpapasigla sa iyo.
Pagnilayan ang iyong mga libangan at paboritong gawin.
Suriin ang pamilya at ang kinahihiligang gawin kasama ang mga ito.
Bakit mahalagang malaman mo ang iyong mga hilig?
Magbibigay kahulugan ito sa bawat pang-araw-araw na gawain.
Makatutulong ito upang matukoy ang bagay na nais mong gawin sa iyong libreng oras.
Palatandaan ito ng mga uri ng trabaho na magbibigay ng kasiyahan at kaganapan sa iyo bilang tao.
Makapagpapaunlad ito ng talento at kakayahan
Mahalaga ang pagtuklas at pagpapaunlad ng mga talento.
TAMA
MALI
Ang pagsali sa mga paligsahan o patimpalak ay isang paraan ng pagpapaunlad ng angking kakayahan.
TAMA
MALI
Lahat ng tao ay isinilang na may angking talento na kailangan tuklasin.
TAMA
MALI
Ang kakayahang lumutas ng mga teknikal na bagay ay tinatawag na Bodily o Kinesthetic.
TAMA
MALI
