NEW
Font size
WorksheetsEsP 5 Q3.1 Asynchronous
Total questions: 10
Worksheet time: 4mins
Isinasali ng guro si Princess sa pagsayaw ng Cariñosa na gaganapin sa Buwan ng Wika sapagkat minsan na niya itong nakitang sumayaw ngunit napakamahiyain
nito? Ano ang dapat gawin ni Princess?
Hikayatin ang ibang kaklase na sila nalang ang sumali.
Lumiban ng ilang araw upang di na pilitin ng guro.
Dagdagan ang lakas ng loob at sumali sa pagtatanghal.
Tumanggi sa guro at payuhan na iba na lamang ang isali o palahukin.
Ang mga mag-aaral ay pinaggagawa ng guro ng bulaklak na yari sa papel bilang takdang aralin. Walang marunong sa miyembro ng iyong pamilya sa paraan ng
paggawa nito. Ano ang gagawin mo?
Tinatamad akong gumawa ng takdang aralin.
Magpapagawa na lamang sa kaklase na marunong gumawa.
Manonood sa youtube ng mga paraan ng paggawa nito.
Hindi na lamang magpapasa ng takdang aralin sa guro.
Proyekto ng paaralan ang pagtatanim ng mga puno at halaman sa bakanteng lote.
Ano ang dapat gawin?
Lalahok lamang sa proyekto kung lalahok ang aking mga kaibigan.
Lalahok at manghihikayat pa ng iba na sumali sa proyekto ng paaralan.
Lalahok sa proyekto upang magkaroon ng dagdag na puntos sa anumang asignatura.
Wala sa nabanggit na mga sagot.
Kinumpirma ng opisyal ng barangay na simula na ang proyekto ng pamahalaan tungkol sa di paggamit ng plastik. Ano ang gagawin mo?
Hindi ako lalahok dito sapagkat mahal ang presyo ng mga eco bag.
Uubusin ko muna lahat ng plastik sa bahay bago ako gumamit ng eco bag.
Sisimulan ko na ang palagiang pagdadala ng eco bag para sa aking pamimili.
Hindi ko muna susundin ang ipinatupad na proyekto ng pamahalaan dahil wala akong panahon para atupagin iyon.
Sino sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagiging malikhain?
Si Maryrose, gumamit siya ng magagandang disenyo na di angkop sa kanyang proyekto.
Si Zoe, wala siyang ginamit na pangdisenyo ngunit maganda ang kanyang pagkakaguhit.
Si Reign Ville, gumamit siya ng mga angkop na kulay at disenyo para sa kanyang proyekto.
Lahat ng mga nabanggit na sagot ay tama.
Dumalo kami sa itinakdang family reunion ng mga angkan ng Santos.
nagpapakita ng kaugalian at tradisyon
Hindi nagpapakita ng kaugalian at tradisyon
Hindi nagpaunlak ng libreng gamutan para sa mga may karamdaman ang doktor sa aming bayan.
Hindi nagpapakita ng kaugalian at tradisyon
Nagpapakita ng kaugalian at tradisyon
Alin ang nagpapakita ng magandang kaugalian at tradisyon?
Malugod na tinatanggap ang mga kamag-anak at kakilala kapag dumadalaw sila.
Aktibong nakikibahagi sa mga pagdiriwang ng pamayanan.
Nagmamano sa mga magulang at ibang nakatatanda bilang paggalang.
lahat ng nabanggit
Alin ang sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagmamahal sa bansa?
Binabash ang kapwa Pilipino
Hindi sumusunod sa patakaran ng lokal na ordinansa.
Sinusunod ng mga tao ang mga batas trapiko sa aming lugar.
Wala sa mga sumusunod
Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng wastong pagpapaunlad at pagbabahagi ng talento MALIBAN sa_______.
Sinulatan ni Farah ang pader ng paaralan gamit ang pentel pen.
Si Carlo ay nanonood ng mga sayaw sa youtube at kumukuha ng ideya rito para sa binubuong sayaw bilang pagtatanghal sa paaralan.
Ako ay nagpapakita ng lakas ng loob sa pagsali ng ibat ibang paligsahan para malinang ang aking talino at kakayan.
Naglunsad ang iyong barangay ng isang programang pampalakasan o pang-
isports at nagkusa kang lumahok.
