Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Grade 7 - Reviewer 1

Total questions: 15

Worksheet time: 8mins

Name
Class
Date
1.

Sino ang tinaguriang ama ng sinaunang pabula?

a)

Aesop

b)

Phaedrus

c)

Romulus

d)

Socrates

2.

Bakit patuloy na lumaganap ang pabula kahit pa ang naunang pabula ay sa paraang pasalita lamang nagpasalin-salin sa bawat henerasyon?

a)

Lumaganap ito dahil sa magagandang aral sa buhay na ibinigay nito.

b)

Lumaganap ito dahil nagbabago ito ayon kultura o kapaligirang ginalawan nito.

c)

Lumaganap ito dahil masasalamin sa mga paksa nito ang mga elementong panrelihiyon.

d)

Lumaganap ito dahil sa mga hayop na nagsasalitang parang tao bilang pangunahing tauhan.

3.

Ano ang tawag sa anyo ng panitikan na tumatalakay sa kabayanihan at pakikipagsapalaran ng pangunahing tauhan laban sa kaniyang mga katunggali?

a)

Alamat

b)

Epiko

c)

Mito

d)

Pabula

4.

Anong elemento ng maikling kuwento ang tumutukoy sa panahon at lugar kung saan nangyari ang akda?

a)

banghay

b)

kasukdulan

c)

tauhan

d)

tagpuan

5.

Sa anong bahagi ng banghay makikita ang pakikipagtunggali ng pangunahing tauhan sa mga suliraning kanyang kahaharapin?

a)

kakalasan

b)

kasukdulan

c)

simula

d)

wakas

6.

Sa anong bahagi ng banghay bumababa ang takbo ng kuwento?

a)

kakalasan

b)

simula

c)

tunggalian

d)

wakas

7.

“Ang lahat ng ating ginagawa ay dapat nakatuon ___________ kabutihan ng ating kapwa at bansa.” Anong pang-ukol ang angkop sa pangungusap?

a)

ayon sa

b)

laban sa

c)

para sa

d)

tungkol sa

8.

“Maging maingat sa lahat ng iniisip at ginagawa _______ hindi makapanakit ng damdamin ng ibang tao.” Anong angkop na pangatnig sa pangungusap?

a)

kaya

b)

ngunit

c)

sapagkat

d)

upang

9.

“Ang matiwasay ____ pamumuhay ay hangad ng lahat.” Anong pang-angkop ang angkop sa pangungusap?

a)

–g

b)

na

c)

ng

d)

–ng

10.

Anong dulang panlansangan ang ginaganap sa lalawigan ng Mindoro at Marinduque na kung saan ang mga karakter ay nakasuot ng mga maskarang may iba’t ibang kulay?

a)

Moriones

b)

Panunuluyan

c)

Santakrusan

d)

Senakulo

11.

nong dulang panlansangan ang itinatanghal tuwing Lunes Santo hanggang Sabado de Gloria na kung saan inilalarawan nito ang paghihirap, kamatayan, at muling pagkabuhay ni Hesus?

a)

Panunuluyan

b)

Santakrusan

c)

Senakulo

d)

Tibag

12.

Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng pangungusap na pormulasyong panlipunan?

a)

Laban!

b)

Wala pang nanonood.

c)

Sabado ngayon.

d)

Magandang araw!

13.

“Maalinsangan ngayon.” Anong uri ng pangungusap ang pahayag?

a)

eksistensiyal

b)

panawag

c)

pamanahon

d)

padamdam

14.

Anong panitikang pasalindila ang karaniwang sinasambit sa pagpapasintabi kapag napaparaan sa tapat ng isang nuno sa punso, sa kagubatan, sa tabing-ilog, at sa iba pang lugar na pinaniniwalaang tirahan ng mga engkanto, lamang-lupa, o engkanto?

a)

alamat

b)

awiting-bayan

c)

bulong

d)

epiko

15.

Anong uri ng panitikan ang nagsimula bilang mga tulang may sukat at tugma na kalauna’y nilapatan ng himig upang maihayag nang pakanta?

a)

awiting-bayan

b)

bulong

c)

epiko

d)

pabula