NEW
Font size
Worksheets"Tukuyin Mo"
Total questions: 10
Worksheet time: 5mins
1. Ang Lungsod ng Baguio ay may malamig na klima. Marami ritong sariwang gulay, prutas, at mga bulaklak. Ang lugar na ito ay angkop sa anong uri ng hanapbuhay?
Pangangaso
Pangingisda
Pagmimina
Pagtatanim
2. Anong hanapbuhay ang maaaring iugnay sa mga lugar na may maraming bato at luwad?
Pagsasaka
Paglililok
Pangangaso
Pangingisda
3. Hanapbuhay ng mga tao na may maraming baka, kambing at kalabaw
Pangingisda
Pag-aalaga ng hayop
Pangangaso
Pagsasaka
4. Uri ng kapaligiran kung saan naaangkop ang pagsasaka at pagtatanim ng mga gulay at prutas.
Katubigan
Kagubatan
Kapatagan
Lungsod
5. Malapit sa ilog ang tirahan ng mag-asawang Maya at Ruben. Karamihan sa kanilang mga kapitbahay ay may sariling bangka kaya nagpagawa rin sila ng kanilang sarili. Anong hanapbuhay ang angkop sa kanilang lugar?
Paglililok
Pagmimina
Pangingisda
Pagkakaingin
6. Alin sa mga sumusunod ang uri ng hanapbuhay na hindi naaangkop sa kagubatan at kabundukan?
Pagtatanim
Pagmimina
Pangangaso
Pangingisda
7. Ang barangay ng Kakilingan, at Rizaluna ay may malawak na pastulan ng hayop tulad ng kalabaw at baka. Angkop sa lugar na ito ang anong uri ng hanapbuhay?
Pangangaso
Pag-aalaga ng hayop
Pagtatanim
Pagmimina
8. Malawak ang taniman ng palay at mais sa lalawigan ng Isabela. Anong hanapbuhay ang naaangkop dito?
Pangangaso
Pagsasaka
Paglililok
Pagmimina
9. Sina Mang Mario at Mang Roman ay naninirahan sa kabundukan. Marami silang pananim na kamote, kamoteng kahoy, mani, at gabi. Ito ang pinagkakakitaan ng kanilang buong mag-anak. Ang lugar ay angkop sa?
Pangangaso
Pagkakaingin
Pagtatanim
Pangingisda
10. Ano ang kinalaman sa gawain ng tao sa isang lugar, lalo’t higit sa hanapbuhay ng mga naninirahan dito?
Kaganapan
Kapaligiran
Pinagkakakitaan
Kalagayan
