NEW
Font size
WorksheetsUnang Lagumang Pagsusulit sa Ikatlong Markahan ng Filipino10
Total questions: 50
Worksheet time: 25mins
Mula sa anong bansa ang tulang 'Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay'?
Uganda
Kenya
Sudan
Persia
Piliin ang pinakaangkop na salin ng kasabihan sa Ingles na, “Health is wealth”.
Ang malusog ay mayaman.
Ang kalusugan ay kayamanan.
Daig ng malusog ang mayaman.
Mas mahalaga ang yaman kaysa kalusugan.
Piliin ang pinakaangkop na salin ng salawikain sa Filipino na,“Kung ano ang itinanim ay siya rin ang aanihin”.
What you sow is what you reap.
If you plant a seed, it will grow to a tree.
If you plant a tomato, you will harvest a tomato.
Tomorrow, you will harvest if you plant.
Hindi nagtaas ng ulo ang Mongheng Mohametano habang dumadaan ang sultan, kaya winika ng sultan, “Ang nakasuot ng balabal ay walang pakiramdam, tulad siya ng hayop, hindi siya nagtataglay ng paggalang at kababaang loob.” Anong damdamin ang nakapaloob sa pahayag ng sultan?
dalamhati
lungkot
galit
tuwa
Batay sa mga anekdotang tinalakay, ano ang dulot sa tao ng pagpapatawa, ayon sa paniniwala ng Sufis?
naghahatid ng suwerte sa mga tao
nagdudulot ng kasiyahan sa mga tao
nagpapayaman sa kaalaman ng mga tao
nagdadala ng ibayong pagpapala sa mga tao
Paulit-ulit na nililisan ni Mullah Nassreddin ang mga tao ngunit paulit-ulit din siyang iniimbitahan upang mapakinggan ang kaniyang talumpati. Ito ay nagpapahiwatig na ang mga tao ay ________________.
tunay na palaban
may taglay na tikas at tapang
hindi napapagod mapahiya nang paulit-ulit
interesado sa karunugang ibabahagi sa kanila
Kilala si Mullah Nassreddin sa kanilang lugar bilang ___________.
pinakamagaling na hari
pinakamabuting komedyante
pinakamahusay sa pagkukuwento
pinakamahusay sa pagsusulat ng kuwento
Ito ay isang diskursong naglalatag ng mga karanasang magkakaugnay, pasulat man o pasalita.
anekdota
mitolohiya
pagsasalaysay
talambuhay
Sa pagpili ng paksa, dapat na ito ay likas na napapanahon, maymayamang damdaming pantao, may kapana-panabik na kasukdulan, naiibang tunggalian, at may malinaw at maayos na paglalarawan samga tauhan at tagpuan. Ito ay tumutukoy sa ______.
kawilihan ng paksa
sapat na kagamitan
kakayahang pansarili
kilalanin ang mambabasa
Sino ang sinasabing kauna-unahang Pilipinong sumulat ng komiks?
Dr. Jose P. Rizal
Roderic P. Urgelles
Carlo J. Caparas
Sheila C. Molina
Isang grapikong midyum na binubuo ng diyalogo, mga salita, at larawan na siyang nagsasalaysay sa diwa ng kuwento.
anekdota
magasin
komiks
mitolohiya
Ang thought bubble, whisper bubble, speech bubble, at scream bubble ay mga halimbawa ng anong bahagi ng komiks?
kuwadro
lobo ng usapan
kahon ng salaysay
pamagat ng kuwento
Batay sa huling naging pahayag ni Mang Simon na, “A, mabuti na nga ang kunin niyang buo ang kurso sa hayskul at saka na siya kumarera. Higit na magiging mayabong ang kaniyang kinabukasan.” Ang pahayag na nasa itaas ay nangangahulugang ______?
Bubunuin ni Iloy ang mahabang panahon ng pag-aaral.
Nais ni Mang Simon na isali ang kaniyang anak na si Iloy sa karera.
Pinili pa rin ni Mang Simon na maging katulad ng kalabasa ang kaniyang anak.
Nais ipatapos ni Mang Simon kay Iloy ang pag-aaral sa hayskul bago niya ito katulungin sa linang.
Alin sa sumusunod ang tumutukoy sa maingat na pagpili ng mga salita sa isang tula?
kariktan
sukat
tugma
tayutay
“Mangusap ka, aking sanggol na sinisinta, mangusap ka sa iyong namimilog at nagniningning na mga mata.” Anong damdamin ang mahihinuha mula sa pahayag?
pagdurusa
paghanga
pagkamuhi
pagmamahal
“Ang iyong mga kamay na humahaplos sa akin, na puno ng tibay at tatag bagaman yari’y munsik.” Ang kaniyang anak ay _______.
marangal
mahina't sakitin
magiging mandirigma
malakas kahit na siya'y maliit
Kailangang maging mapili sa mga salitang gagamitin sa pagbuo ng isang tula upang maging ____________.
mabilis ang pagkakasulat ng tula
mas madali ang paglalathala ng tula
sakto ang bilang ng mga pantig sa bawat taludtod
malikhain ang paraan ng pagpapahayag ng saloobin ng may-akda
Alin sa sumusunod na salita ang nagpapakita ng pinakamababang antas ng damdamin?
nababalisa
nagigimbal
natatakot
natitigatig
"Munting mandirigma, sinong anito sa iyo’y nanahan? Kaninong mapagpalang kamay ang sa aking dibdib dumadantay?” Batay sa pahayag, saan inihahalintulad ng ina ang kaniyang supling?
sa isang poon
sa isang kayamanan
sa isang bisiro
sa kaniyang ama
Paano nakakatulong ang mga tula sa pagpapanatili ng pagkakakilanlan ng kultura mula sa lugar na pinanggalingan nito?
Naipakikita nito ang imahinasyon ng may-akda.
Nasusukat nito ang katalinuhan ng may-akda.
Tumutulong itong buksan ang isip ng mga mambabasa.
Nagiging midyum ito upang maipakita ang kulturang
inihabi sa pagiging malikhain ng may-akda.
“Ang poo’y di marapat pagnakawan, sa iyo’y wala siyang masamang panagimpan. Ika’y pinaliguan at dinamitan ng kagandahan.” Ano ang ipinapahiwatig sa pahayag na ito?
huwag magnanakaw kahit kanino
magpasalamat sa Maykapal sapagkat siya’y pinagpala
alagaan ang mga taong nagbibigay ng pagmamalasakit sa kaniya
magpasalamat sa ina sapagkat siya ang nagluwal sa kaniya sa mundong ito
Alin sa sumusunod ang tumutukoy sa pangkalahatang mga salitang may malalalim o hindi lantad na kahulugan?
eupemistikong pahayag
idyomatikong pahayag
malarawang pahayag
matalinhangang pahayag
Ito ay akdang pampanitikang tumutukoy sa kuwento o salaysay hinggil sa pinagmulan ng sansinukuban, kalipunan ng iba’t ibang paniniwala sa mga diyos at diyosa, kuwento ng tao at ng mga mahiwagang nilikha.
alamat
epiko
mito/mitolohiya
parabula
Ito ay tumutukoy sa paglilipat sa pinagsalinang wika ng pinakamalapit na katumbas na diwa at estilong nasa wikang isasalin.
pagkiklino
pagpapakahulugan
pagsasaling-wika
pagsusuring pampanitikan
Ang sumusunod ay mga pamantayan o gabay sa pagsasaling-wika maliban sa isa.
Basahin at suriing mabuti ang pagkakasalin.
Isaisip na ang isasalin ay diwa ng isasalin at hindi salita.
Manirahan sa bansang pinagmulan ng wikang isasalin o pagsasalinan.
Rebisahin ang salin upang ito’y maging totoo sa diwa ng orihinal.
Piliin ang pahayag na hindi naglalarawan sa mitolohiya bilang akdang pampanitikan.
Tumatalakay sa kultura at sa mga diyos o bathala.
Kuwento ng mga tao at ng mga mahiwagang nilikha.
Nagsasaad ng saloobin o pananaw ng may-akda tungkol sa mga bagay-bagay.
Tradisyunal na salaysay na isinilang mula sa sinapupunan ng kultura ng tradisyong oral.
Ano ang damdaming namamayani sa nagsasalita sa pahayag na: “Wala akong panahong magsalita sa mga taong hindi alam ang aking sasabihin”?
pagkadismaya
pagkalito
pagkalungkot
pagkatuwa
Ano ang damdaming nangingibabaw sa Mongheng Mohametano nang kaniyang ipahayag ang ganito, “Sabihin mo sa kaniya, ang hari ay nilikha para sa kagalingan ng kaniyang nasasakupan at hindi nilikha
ang mamamayan para paglingkuran ang sultan.”
kalungkutan
pagtitimpi
kasiyahan
katapangan
Isa sa mapagkukunan ng paksa na sinasabing pinakamadali at pinakadetalyadong paraan ng pagsasalaysay ng isang tao sapagkat ito ay hango sa pangyayaring naranasan mismo ng nagsasalaysay.
napanood
likhang-isip
narinig sa iba
sariling karanasan
Anong diyalogo o linya ng tauhan ang nakasaad sa hugis na ito ng loob ng usapan?
karaniwan
pasigaw
broadcast mula sa radyo o tv
sa isipan lang
Lugar na pinagmulan ng sistemang apartheid
Africa
Persia
Pilipinas
Amerika
Pinakamataas na diyos ng mitolohiya ng Persia
Odin
Ra
Ahura Mazda
Zeus
Ang sumusunod ay pagkakapareho ng diyos na si Osiris sa relihiyong Katoliko maliban sa ______.
nabuhay na muli
inaalala ang kamatayan at muling pagkabuhay
kumakatawan sa krus
lumikha sa loob ng 6 na araw
Katulad ng Katolisismo, ang relihiyong ito ay naniniwala na kapag pinili mo ang magpakabuti, mapupunta ka sa langit; kapag masama, sa impyerno
Zoroastrianismo
Sufismo
Islam
Budismo
ANALOHIYA
Persia: Mashya at Mashyana (ruwiwarbo);
Pilipinas: _________ (kawayan)
Eba at Adan
Malakas at Maganda
Isis at Osiris
Pyramus at Thisbe
Kasapi ng debate na katumbas ng lakandiwa sa balagtasan
oposisyon
moderator
time keeper
proposisyon
Katangian ng isang mahusay na debater na nagsasaad ng pagkakaroon nito ng husay sa rebuttal o pagsagot sa mga argumento ng katunggali
estilo
paksa o nilalaman
estratehiya
mahusay na mananalita
Kakayahang komunikatibong nagpapahiwatig ng pagiging maalam ng isang tao kung ang kaniyang pahayag o salita ay angkop sa lugar o sitwasyon
sosyo-lingguwistik
gramatikal
strategic
diskorsal
Kakayahang komunikatibo na pagpupuno ng mga pahayag sa pamamagitan ng berbal at hindi berbal na hudyat (kilos o galaw)
strategic
diskorsal
gramatikal
sosyo-lingguwistik
Kakahayang komunikatibo na tinataglay ng isang taong mahusay sa pagbuo ng pahayag nang sumusunod sa mga tuntuning pang-balarila ng wikang ginagamit nito
gramatikal
diskorsal
strategic
sosyo-lingguwistik
Pinaniniwalaan ng mga mamamayan ng Uganda na ang kanilang mga supling ay tila imortalidad ng kanilang _____.
diyos
magulang
ninuno
kapatid
“At ika’y hahalikan sa yapak ng mga kaapo-apohan, kahit pa malaon nang naparam sa sanlibutan.” Ano ang nais ipahayag ng taludtod na nabanggit?
Nais niyang magkaapo ng mandirigma.
Nais niyang mamuno ang apo niya sa kanilang tribo.
Nais niyang alalahanin ang kadakilaan ng kaniyang asawa.
Matatandaan ang kadakilaan ng tinutukoy hanggang sa kaniyang mga apo.
Ang anekdota ng Pangulong Manuel L. Quezon ay may suliraning ___.
matigas na tunog sa pagsasalita ng tauhan dahil sa pinagmulan nito
di magandang asal ng pangulo
hindi pagtanggap ng bisita ng ospital
pagiging mainitin ng ulo ng nars
Bagong ngalan ng bansang Persia
Iraq
Iran
Sudan
Kenya
Binago niya ang sistema ng Africa nang manalo bilang kauna-unahang itim na pangulo ng South Africa.
Nelson Mandela
Barack Obama
Mahatma Ghandi
Dilma Russeff
Ang mito ni Pryamus at Thisbe mula sa Babylonia ay pumapaksa sa _____.
kung bakit pula ang kulay ng prutas na mulberry
pinagmulan ng puno ng mulberry
pakikipagsapalaran ng dalawa
paglaban nila sa mundo para sa kanilang pag-ibig
Naiibang uri ng debate kung saan ang proposisyon at oposisyon ay ginagawa ng isang tao lamang
debating exford
mock trail
impromptu
turncoat
Ang sumusunod ay iba't ibang anyo ng paligsahan sa pangangatwiran maliban sa _____.
debate
balagtasan
fliptop
talumpati
Ang sumusunod ay katangian ng anekdota maliban sa _____.
mula sa karanasan ng tao
nakawiwili at nakatutuwa
maikli at malikhaing akda
may sukat at tugma
Ano ang ipinahihiwatig sa ginawang pamamanata ng Mongheng Mohametano sa disyerto?
malalim na pang-unawa
matinding pangangailangan
malakas na pangangatawan
masidhing pananampalataya
