Font size
WorksheetsMIDTERM QUIZ 1 FILDIS
Total questions: 20
Worksheet time: 10mins
Batay sa patakarang pangwika ng Pambansang Samahan sa Sikolohiyang Pilipino, ang wikang (a. Tagalog, b. Filipino, c. Ingles) ay wikang pagdudukalan ng pagkakakilanlang pambansa.
(a)
Simula nang ituro ang wikang pambansa sa sistema ng edukasyon noong 1940 hanggang sa maging midyum ng pagtuturo alinsunod sa Patakarang Bilinggwal noong dekada 70, umunlad na ito bilang ganap na disiplina at pananaw sa pakikipag-ugnayang (a. pandaigdig, b. pambansa, c. panrehiyon).
(a)
Bilang (a. mamamayan, b. wika, c. asignatura), sakop ng Filipino ang iba’t ibang kaalamang may kinalaman sa pagiging Pilipino na magpapatibay sa pagkaugat ng mga estudyante sa sariling identidad.
(a)
Layunin clapat ng (a. pamilya, b. relihiyon, c. edukasyon) ang humubog ng mga mag-aaral na tutuklas ng dunong-bayan na pakikinabangan ng bayan.
(a)
Hindi mapapasubalian na ang Filipino ay ‘di lamang midyum ng komunikasyon gaya ng mga iniisip ng ilang iskolar na Pilipino na tumututol dili kaya ay tumatangging tanggapin ang katotohanang ang Filipino ay (a. disiplina, b. wika, c. asignatura).
(a)
Ang mga salitang pandamdamifi sa wikang Filipino gaya ng saya na nakabatay din ang pagpapakahulugan sa (a. emosyonal, b. kultural, c. politikal) na kalagayan ng Pilipinas.
(a)
Sinabi ni Petras sa kanyang-pag-aaral na ang salitang pandamdaming tumutukoy sa saya ay isang pag»alingawngaw sa malaon nang sinasabing (a. katangian, b. kapintasan c. kahinaan) ng mga Pilipino.
(a)
Patuloy ang (a. KWF, b. NCCA, c. UAAP) sa pagsasagawa ng mga panayam at kum1;§§f7e’nsya, pagsusulat at pagsasalin ng mga sanggunian at paglalathala ng pananaliksik sa mga larangang teknikal gamit ang wikang Filipino sa tulong na rin ng mga iskolar na naniniwala sa kakayahan ng wikang ito na magamit sa nabanggit na mga larangan.
(a)
Isa si Dr. Fortunato Sevilla ng Kolehiyo ng Agham ng (a. UST, b. UP-Diliman, c. Ateneo) sa nagtataguyod ng wikang Filipino bilang wika sa pagtuturo ng Kemistri, Pisika at iba pang kaugnay na larangan.
(a)
Magmula sa simpleng pagbibilang hanggang sa pagkokompyut ng income tax return at ng mga’ bayarin sa kuryente at tubig, makikita ang tungkuling ginagampanan ng (a. Syensya, b. Matematika, c. lnhenyeriya).
(a)
Napatunayan nang malaki ang papel na ginagampanan ng wikang (a. Filipino b. Kastila, c. Taglish) bilang wikang pantulong sa pagtuturo ng Matematika sa mga Pilipinong mag-aaral.
(a)
Sa larangan ng Inhenyeriya, isang pundasyon at malaking patunay ang ginawang eksperimentasyon ni Carlito M. Salazar ng (a. Ateneo, b. PUP, c. DLSU-Manila) sa kakanyahan ng Filipino bilang wika ng karunungan nang gamitin niya ito bilang midyum sa pagtuturo ng mga asignatura sa lnhenyeriya.
(a)
Ano mang wika sa mundo ay may kakayahang maging wikang (a. teknikal, b. bokasyonal, c. empirikal).
(a)
Malaki ang ginagampanang tungkulin ng wikang Filipino sa larangan ng (a. Medisina, b. Inhenyeriya, c. Agrikultura) dahil ito ang nagsisilbing pan§iE1ing instrumento ng mga doktor sa kanilang panggagamot sa mga mamarnayang Pilipino na nasa marhinalisadong sitwasyon 0 maging mga nasa gitnang uri man.
(a)
Samantala, isa si Dr. Luis P. Gatmaitan sa nagtataguyod ng wikang Filipino sa larangan ng Medisina sa pamamagitan ng kanyang mga kwentong (a. pambata, b. pangkabataan, c. pangmatanda) na nasusulat sa wikang Filipino.
(a)
Ayon kay Timbreza, walang nakikitang problema sa paggamit ng wikang Filipino sa mga disiplina tulad ng syensya, teknolohiya at humanidades sapagkat ang wikang ito ay (a. mapag-ampon, b. mapagkalinga, c. mapagmahal).
(a)
Mahalagang tumimo sa isip ng bawat Pilipino na ang wikang (a. Tagalog, b. Pilipino, c. Filipino) ay patuloy na uunlad sa iba’t ibang larangan.
(a)
Matibay ang paniniwala ni Atty. James Domingo ng Kolehiyo ng Akawntansi ng (a. UST, b. UP-Diliman, c. DLSU-Manila) sa kakayanan ng wikang Filipincfiuihng midyum sa pagtuturo ng mga asignatura sa kursong Akawntansi.
(a)
Pinatunayan na ng mga saliksik na ang Filipino ay may kakayahang maging (a. eksklusibong, b. inklusibong, c. komunikatibong) wika sa edukasyon sa bansa sa darating na panahon.
(a)
Ayon kay Sevilla III, malaki ang pangangailangan ng paggamit ng wikang Filipino sa agham at teknolohiya lalo na sa larangan ng (a. Edukasyon, b. agrikultura, c. Ekonomiya) na siyang kailangan ng lipunan.
(a)
