Font size
WorksheetsPANGWAKAS NA PAGSUSULIT SA ARALING PANLIPUNAN 9 AT 10
Total questions: 50
Worksheet time: 44mins
Namulot si Ineng ng mga balat ng Zesto at pinakiusapan niya ang kanyang ina na igawa s'ya ng bag mula rito.
(a)
Tuwing namamalengke ang ina ni Linda, nagdadala ito ng Ecobag para doon na lamang ilagay ang mga napamili nito kaysa sa mga plastic bags.
(a)
Pinapatay ni Bitoy ang kanyang lampara bago siya matulog.
(a)
Matapos gamitin ang tirang magazine sa bahay, ginamit naman ito ni Nena bilang pambalot ng kanyang notebook sa Araling Panlipunan.
(a)
Ginawang basahan ni Aling Mareng ang mga lumang damit ng kanyang anak.
(a)
Ang tubig na ginamit sa pagbabanlaw ng mga damit na nilabhan ay ginamit ni Aling Josie sa paglilinis ng kanilang palikuran.
(a)
Ang mga natirang bote ng softdrinks mula sa handaan ay ginamit ni Mang Godo bilang paso sa kanyang mga bagong halaman.
(a)
Kaysa buksan ang airconditioner, madalas buksan ni Aling Ester ang kanyang mga bintana upang makapasok ang preskong hangin mula sa bukirin.
(a)
Pinapatay ni Aling Sita ang kanyang refrigerator tuwing gabi.
(a)
Nakiusap si Fernan sa kanyang ama na igawa siya ng saranggola gamit ang lumang dyaryo sa kanilang aparador.
(a)
Isa sa mga suliraning kinakaharap ng kapaligiran sa kasalukuyan ay ang mapaminsalang ulan dulot ng mga kemikal sa kapaligiran. Ano ang tawag sa suliraning ito?
Acid Rain
Eutrophication
Lucid Rain
Overgrazing
Ang suliraning ito naman ay tumutukoy sa pagtaas ng temperatura ng atmospera, karagatan at kalupaan sa mundo.
Climate Change
Dessertification
Global Warming
Forest Fire
Upang mabuhay, kinakailangan din ng mga yamang-dagat ang oxygen na nagmumula sa kapaligiran. Anong suliranin ang tumutukoy sa labis labis na presensya ng oxygen sa anyong tubig na nagdudulot ng pagkamatay ng mga yamang-tubig tulad ng mga isda?
Acid Rain
Chemical Poison
Eutrophication
Oil Spill
Ang suliraning ito ay tumutukoy sa labis na pagkatuyot ng mga kalupaan na nagdudulot ng kawalan nito ng sustansya bilang lupang taniman.
Alkalinization
Deforestation
Desertification
Salinization
sa sa mga suliraning kinakaharap ng mga tao sa kasalukuyang panahon ang labis labis na kawalan ng mga puno dulot ng walang habas na pagpuputol sa mga ito ng walang kaakibat na kapalit. Ano ang tawag sa suliraning ito na kinakaharap ng lahat sa kasalukuyang panahon?
Alkalinization
Deforestation
Desertification
Salinization
Alin sa mga sumusunod ang suliraning sa sektor ng industriya?
Kakulangan ng mga pasilidad at imprastraktura sa kabukiran
Kakulangan ng suporta ng iba pang sektor
Pagkaubos ng likas na yaman
Kakulangan ng pondo o capital ng mga namumuhunan
Bilang isang Monlimarian, sa iyong palagay bakit mahalaga ang sektor ng pangangalakal at industriya?
Ito ang pangunahing pinagkukunan ng hanapbuhay
Ito ang pinagkukunan ng pagkain at gamit material sa industriya
Ito ang pangunahing pinagkukunang ng kitang panlabas
Ito ang nagpapalago ng pagpapalitan ng mga kalakal
Ano ang pangunahing layunin ng key production approach sa paggalaw ng ekonomiya ng bansa?
Pagbibigay ng tulong paglilingkod sa mga magsasakang napiling benepisyaryo
Pagtatanim ng mga piling crops o produkto sa mga lupain
Pagbibigay tulong sa mga bentang kalakal ng mga magsasaka
Pagpapatayo ng mga pabrika sa malalapit sa lalawigan
Ang lahat ng sumusunod na pagpipilian ay mga ahensiya ng pamahalaan na tumutulong sa pagpapaunlad ng agrikultura MALIBAN sa:
BFAR
DENR
DOA
WTO
Alin sa mga sumusunod na pagpipilian ang napabibilang sa industriyal na sektor?
Konstruksyon
Paglilingkod
Pagsasaka
Pagtitingi
Alin sa mga uri ng pangingisda ang may pinakamalaking naitala sa kabuuang produksyon ng pangisdaan sa Pilipinas?
Pamamansing
Pangingisdang aquaculture
Pangingisdang komersyal
Pangingisdang munisipal
Naniniwala ang Pilipinas na higit na lumaki ang pagkakataon ng bansa na makipagkalakalan sa pandaigdigang pamilihan at maganyak ang mga local na tagagawa na maging mahusay at maipakita ang kakayahan sa larangan ng kainamang kapakinabangan kung makikibahagi ang ating bansa dito
International Monetary Fund
Pandaigdigang Kalakalan
World Bank
World Trade Organization
Saang antas o uri ng produksyon nabibilang ang paggawa ng mga air conditioner?
Produksyong mala-industriyal
Maliitang produksyon
Katamtaman Hanggang sa Malakihang produksyon
Ilang gawaing pagmamanupaktura
Ang pagtatatag ng Regional Industrial Development Center (RIDC) ay naglalayong:
Mapalakas ang produksyon ng agrikultura at industriya sa ilang piling lugar
Mapaunlad ang mga piling lugar na magiging sentro ng industriya sa iba’t ibang bahagi ng bansa
Makapagtayo ng mas maraming pabrika sa bansa
Lahat ng nabanggit
Alin sa mga sumusunod ang suliraning kinakaharap ng sektor ng industriya?
Maraming dayuhang namumuhunan ang kakompetsiyon ng mga local na namumuhunan
Kakulangan ng dolyar at pananalApi na pantustos sa sangkap na inaangkat sa labas.
Kakulangan ng kakayahan ng mga Filipino sa paggawa.
Lahat ng nabanggit
Alin sa mga sumusunod ang maituturing na suliraning dulot ng industriyalisasyon?
Lumalaki ang utang panlabas ng bansa bunga na rin ng paggasta na kailangan sa programang industriyalisasyon
Lalong lumalawak ang mga lupaing nasasakop ng mga panginoong may lupa
Nababawasan ang mga produktong ating nailalabas bunga ng industriyalisasyon
Tumatatas ang bilang ng mga manggagawa sa bansa
Isang programa ng pamahalaan na naglalayong mabago ang sistema ng pagmamay-ari ng lupain at mapaunlad ang buong istruktura o kaayusan ng pagsasaka.
Gintong Ani
Free Trade
Key Production Approach
Repormang Pansakahan
Sa iyong palagay, bakit mahalagang magtatagang ng repormang pansakahan?
Ito ang pangunahing pinagkukunan ng hanapbuhay
Ito ang pinagkukunan ng pagkain at gamit materyal sa industriya
Ito ang pangunahing pinagkukunang ng kitang panlabas
Ito ang lumilikha ng mga tapos na produkto na tumutugon sa pangangailangang Filipino
Alin sa mga pangungusap sa ibaba ang nagsasaad ng kawastuhan?
Mahalaga ang teknolohiya sa pagsulong ng ekonomiya
Nakasasagabal ang teknolohiya sa pagpapaunlad ng ekonomiya
Hindi angkop ang makabagong teknolohiya sa umuunlad na bansa tulad ng Pilipinas
Maari lamang ang teknolohiya kung idnustriyalisado na ang isang bansa
Mahalaga na itaguyod ang mataas na pamantayan ng kalakalan kaya itinatag ng pamahalaan ang:
Bangko Sentral ng Pilipinas
Bureau of Products Standards
Department of Trade and Industry
World Trade Organization
Alin sa mga sumusunod ang pangunahing tungkulin ng sektor ng agrikultura?
Sinusuplayan nito ng pagkain at mga hilaw na sangkap ang mga industriya
Namamahala ang sektor na ito sa pagpoproseso ng mga hilaw na material upang ito ay maging isang produkto
Ito ang sektor na lumilikha ng serbisyo para sa pagpapaunlad ng ekonomiya ng bansa
Nangangalaga ito ng pagpapalitan ng mga kalakal at serbisyo sa loob at labas ng bansa
Ang programa ng pamahalaan na Ginintuang Masaganang Ani ay nilagdaan sa panahon ng sinong Pangulo?
Benigno Simeon Aquino III
Fidel Ramos
Gloria Macapagal Arroyo
Joseph Estrada
Itinuturing na mahalaga ang papel na ginagampanan ng sektor ng paglilingkod dahil:
Ito ang nagkakaloob ng lakas-paggawa, kasanayan, kaalaman at serbisyo upang matugunan ang mithiin at pangangailangan
Ito ang namumuhunan sa mga bahay-kalakal
Ito ang dahilang upang magkaroon ng oportunidad sa pagkakaroon ng trabaho sa isang bansa
Ito ay may mataas na antas ng pamumuhay sa isang bansa
Itinuturing bilang nangungunang ahensya ng pamahalaan na nagpapatupad ng reporma sa lupa.
Bureau of Forestry
Bureau of Internal Revenue
Department of Agrarian Reform
Department of Finance
Ang mapanlinlang, illegal at ipinagbabawal na gawain o pamamaraan na nagpapababa o sumisira sa halaga ng ibinabayad na buwis ay tinagurian bilang:
Tax Avoidance
Tax Evasion
Tax Returns
Tax Scheme
Datapwa’t patuloy ang pagtaas ng mga pigura na nagpapakita ng paglago ng ekonomiya ng bansa, marami pa ring Pilipino ang hindi naniniwala rito. Isa sa mga dahilan nito ay ang patuloy na korapsyon. Paano kumikilos ang mga mamamayang Pilipino upang tuluyan nang matuldukan ang napakatagal na problemang ito?
Hinahayaan na lamang ng mga Pilipino na ang pamahalaan at ang mga hukuman ang umusig sa mga tiwaling opisyal ng gobyerno
Idinadaan na lamang nila sa samu’t saring protesta ang kanilang mga hinaing ukol sa talamak na korapsyon sa pamahalaan
Mulat ang mga Pilipino sa mga anomalya at korapsyon, maliit man o malaki, kaya’t nakahanda silang ipaglaban kung ano ang tama at nararapat
Ipinagsasawalang-kibo na lamang ng mga mamamayan ang mga maling nagaganap sa ating bansa
Isang pangunahing suliraning kinakaharap ng sektor ng agrikultura ay ang pagkabulok o madaling pagkasira ng kanilang mga ani o produktong agrikultural. Bakit nangyayari ito?
Hindi marunong mag-imbak ang mga magsasaka
Kawalan ng mga mamimili sa pamilihan
Kawalan ng maayos na daan patungo sa pamilihan (farm-to-market road
Likas sa mga Pilipino ang pagiging tamad
Itinuturing ang agrikultura bilang primaryang sektor ng ekonomiya samantalang ang industriya naman ang tinatawag na sekondaryang sektor. Mahalaga ang papel na ginagampanan ng dalawang sektor na ito sa pagsulong ng ekonomiya ng bansa. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng epektibong ugnayan o interaksiyon ng dalawang sektor?
Sa malalawak na lupain nagaganap ang mga produksiyon ng agrikultura samantalang ang industriya ay sa mga bahay-kalakal
Ang magsasaka ang pangunahing tauhan ng agrikultura samantalang ang mga entreprenyur naman ang kapitan ng industriya
Ang mga hilaw na materyales na nagmumula sa sektor ng agrikultura ay lubhang mahalagang sangkap sa sektor industriya upang gawing panibagong uri ng produkto
Ang industriya ay gumagamit ng mga makinarya samantalang ang agrikultura ay nanatili sa tradisyonal na pamamaraan ng pagsasaka
Ang industriyalisasyon, sa kasalukuyan, ang nagsisilbing batayan ng kaunlaran ng isang bansa. Sa pananaw na ito, nagaganap lamang ang kaunlaran kung nagkakaroon ng pagbabago mula sa pagiging agrikultural patungo sa pagiging industriyal. Ngunit marami ring limitasyon ang industriyalisasyon. Alin sa sumusunod na pahayag ang HINDI nagpapatotoo rito?
Ang pag-unlad ng teknolohiya ay nakatutulong upang makagawa pa ng mas maraming produkto at serbisyong kailangan at gusto ng mga tao
Ang malawakang paggamit ng teknolohiya katulad ng mga makinarya ay nakaaapekto sa availability ng hanapbuhay para sa mga manggagawa
Unti-unting nasisira ang ating kapaligiran dulot ng polusyon at masyadong mabilis na industriyalisasyon
Nakatutulong sa pagbabayad ng utang panlabas ng bansa bunga na rin ng mataas na pambansang kita
Isa sa mga napakalaking problemang kinakaharap ng sektor ng paglilingkod ang suliranin sa kontraktuwalisasyon. Maraming kompanya ang humahanap lamang ng mga manggagawang handang magtrabaho sa kanila nang hindi lalampas sa anim na buwan. Alin sa sumusunod na pahayag ang dahilan kung bakit patuloy pa rin ang contractualization sa kabila ng kabi-kabilang protesta ng mga manggagawa?
Mas makatitipid ang mga kompanya kung ang mga manggagawa ay kontraktuwal dahil wala silang mga benepisyo tulad ng SSS at PhilHealth
Dahil mababa lamang ang mga pasahod sa mga manggagawang kontraktuwal, lumiliit ang gastusin ng mga kompanya
Ang mga manggagawang kontraktuwal ay hindi maaaring tumanggi sa mga overtime na trabaho lalo na sa mga peak season kahit na lumagpas pa ito sa itinakdang oras ng paggawa sa batas
Lahat ng nabanggit
Si Marlon ay nagtayo ng negosyong sapatusan. Bilang isang responsable at tapat na negosyante, pinapatawan ni Marlon ng tamang presyo ang kaniyang mga paninda.
MAABILIDAD
MAKABANSA
MAPANAGUTAN
MAALAM
Napansin ni Mang Kaloy na dinadaya s'ya ng tindera sa timbang ng kanang pinamiling isda. Pinukaw ni Mang Kaloy ang atensyon ng tindera sa mali nitong gawain.
MAABILIDAD
MAKABANSA
MAPANAGUTAN
MAALAM
Sa hindi inaasahang pagkakataon, si Mang Rudy ay isa sa mga nawalan ng trabaho dahil sa pandemya. Dahil dito, pinagdesisyonan niyang magtayo ng isang maliit na sari-sari store mula sa naipon niyang salapi.
MAABILIDAD
MAKABANSA
MAPANAGUTAN
MAALAM
Dahil sa patuloy na pag-iimpok ni Janjan ng salapi mula sa mga natitira nitong baon sa paaralan, pinagdesisyunan niyang sumali sa kooperatiba upang mapalago ang kanyang salapi.
MAABILIDAD
MAKABANSA
MAPANAGUTAN
MAALAM
Ang mag-asawang Aquino ay mahilig bumili ng mga gamit sa bahay na gawa ng mga manggagawang Pilipino
MAABILIDAD
MAKABANSA
MAPANAGUTAN
MAALAM
Dahil nagsara ang factory na pinagtatrabahuhan ni Jesusa, mas pinili niyang mag online selling muna hanggang ang kaniyang negosyo ay lumago kung saan natustusan na niya ang pangangailangan ng kaniyang pamilya.
MAABILIDAD
MAKABANSA
MAPANAGUTAN
MAALAM
Noong panahon ng botohan, pinag-isipan mabuti ni Bb. Lacar ang kaniyang iboboto o iluluklok bilang Presidente ng Pilipinas.
MAABILIDAD
MAKABANSA
MAPANAGUTAN
MAALAM
Isa si Rochelle sa mga nagsusulong ng "SUPPORT LOCAL COMPAIGN" para sa maliliit na negosyo na mayroon ang kanilang lalawigan.
MAABILIDAD
MAKABANSA
MAPANAGUTAN
MAALAM
Si Jessy ay isang aktibong mamamayan ng kanilang barangay kung saan palagi siyang nakikilahok sa mga proyekto ng kanilang lugar na may adhikain na mapaunlad ang kakayahan at talento ng mga kabataan.
MAABILIDAD
MAKABANSA
MAPANAGUTAN
MAALAM
Bago pa bilhin ni Mang Dolfo ang mga paninda, sinusuri muna niya kung ang mga ito ba ay may depekto.
MAABILIDAD
MAKABANSA
MAPANAGUTAN
MAALAM
