NEW
Font size
WorksheetsKalikasang Handog:Pahahalagahan atPananagutan Ko!
Total questions: 10
Worksheet time: 5mins
Basahin mo nang mabuti ang bawat sitwasyon sa ibaba. Isulat ang TAMA kung ito ay nagpapakita ng pagpapahalaga at pananagutan sa kabuhayan at pinagkukunang-yaman at MALI naman kung hindi. Gawin ito sa iyong sagutang papel.
1. Ang mga boteng plastik na nakita ni Manuel sa parke ay kaniyang inuwi at pinagtaniman niya ng mga halaman.
Tama
Mali
Ipinagwalang bahala na lamang ng mga residente malapit sa kagubatan ang iligal na pagpuputol ng mga puno ng isang negosyante.
Tama
Mali
Pinagbawalan ng punong barangay ang mga mangingisda na huwag gagamit ng malilit na butas ng lambat, upang hindi masama ang mga bagong sibol na isda.
tama
mali
Hindi pinaghihiwalay ni Gina ang mga nabubulok at di-nabubulok nilang basura sa kanilang tahanan.
Tama
Mali
Ipinasara ang isang pabrika malapit sa dagat matapos matuklasan na dito tinatapon ang mga kemikal na kanilang ginagamit.
Tama
mali
Patuloy na hinahayaan ng mga kinauukulan na makabiyahe ang mga taxi sa kanilang lugar sa kabila ng maiitim na usok na binubuga ng mga ito.
Tama
Mali
Upang makatipid sa tubig ginagamit ni Ely sa kanilang palikuran ang pinagbanlawan sa paglalaba ng kaniyang ina.
Tama
Mali
Si Fely kasama ang kaniyang mga kamag-aral ay nagsulong ng isang proyektong naglalayon na makapagtanim ng isang daang puno sa paanan ng nakakalbong bundok.
Tama
Mali
Upang makatulong sa kalikasan nagbibisikleta na lamang si Maria papasok sa kaniyang trabaho.
Tama
Mali
Ipinagbabawal na ang paggamit ng plastic straw sa mga kainan sa lungsod upang mabawasan ang sobrang paggamit ng plastik.
Tama
Mali
