Font size
WorksheetsEsP Roxas Quarter 3 First Summative Test
Total questions: 18
Worksheet time: 46mins
1. Ang pagbabasa ng panitikan ay isa sa paraan ng pangangalaga sa ating kultura.
Tama
Mali
Mabuting libangan ang pagbabasa ng mga aklat tungkol sa mga bayani.
Tama
Mali
Mainam na gayahin ang lahat ng nakikita sa mga dayuhan kaysa sa sundin ang kulturang mayroon ang ating bansa.
Tama
Mali
Nakakabagot ang pagbabasa ng panitikan.
Tama
Mali
Maraming mahahalagang impormasyon ang maidudulot ng pagbabasa.
Tama
Mali
Ang pagbabasa ng Panitikang Pilipino ay tanda ng pagpapahalaga sa kulturang Pilipino.
Tama
Mali
Higit na kapaki-pakinabang na magbasa ng mga komiks kaysa mga aklat sa Pantikang Pilipino.
Tama
Mali
Sa Panitikang Pilipino natin nalalaman ang mga bagay-bagay tungkol sa mga kulturang banyaga.
Tama
Mali
Pagpapahalaga sa kultura ang pagguhit ng magagandang tanawin ng ating bansa.
Tama
Mali
Ang pagsulat tungkol sa mga kabayanihan ng ating mga ninuno ay isang pagpapakita ng pagpapahalaga sa ating kultura.
Tama
Mali
Sa kabila ng mabigat na suliraning idinulot ng bagyong Yolanda, hindi natinag ang mga Pilipino. Nagtulong –tulong ang bawat isa sa pamamahitan ng pagbibigay ng relief goods, muling pagtatayo ng kanilang bahay at pagdarasal para sa kanila.Mahirap mang pumunta sa mga nasalantang lugar dahil sira-sira ang mga daan, hindi ito inalintana ng mga kababayan natin. Isa itong patunay na likas na sa bawat Pilipino ang pagiging:
a. masayahin
b. madasalin
c. matulungin
d. mapagbigay
May pinsan kang nagbalikbayan sa unang pagkakataon.Nagbilin ang iyong tatay naturuan mo siya ng larong Pinoy. Ano ang ituturo mo sa kaniya?
Isasama ko siya sa computer shop para maglaro ng computer games.
Iimbitahan ko siyang magbasketbol.
Magkukunwari akong hindi narinig ang Tatay ko dahil mahihirapan lang akong mag-ingles kapag tinuruan ko siya.
Iimbitahan at tuturuan ko siyang maglaro ng sungka.
Napansin mong nahihirapan ang iyong kaklase na unawain ang inyong leksiyon sa
Matematika. Laging mababa ang kaniyang iskor sa mga pagsusulit. Samantala, mataas lagi ang iyong nakukuha dahil naunawaan mo nang mabuti ang itinuturo ng inyong guro.
Maaawa ako sa kaniya.
Lalapitan ko siya at aalukin kung nais niyang mag-aral kami ng leksiyon naming sa Matematika.
Sasabihan ko siyang makinig nang mabuti sa guro.
Sasabihan ko siyang mag-aral.
Napansin mo na hindi gumagamit ng po at opo ang iyong nakababatang kapatid sa pagsagot sa inyong nanay.Ano ang iyong gagawin?
Hahayaan ko na lamang siya sa kaniyang ginagawa.
Sisigawan at pagagalitan ko siya upang matuto siya.
Sasabihin ko sa kaniya na ang batang Pilipino ay magalang kaya dapat na sumagot siya nang may po at opo sa mga nakatatanda.
Sasabihan ko si Nanay na paluin siya.
Sinabihan kayo ng inyong guro na kayo ay magsasayaw ng Tinikling sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika. Ano ang iyong gagawin?
Hindi ako sasali dahil mahirap ang sayaw na Tinikling.
Sasali ako at pagbubutihin ko ang pag-eensayo.
Sasali ako sa pag-eensayo pero hindi ako dadalo sa araw ng pagtatanghal.
Makikiusap ako na Hiphop na lang ang isayaw namin dahil iyon ang uso.
Lagyan ng tsek ang salita na nagpapakita na ito ay Materyal na Kultura.
kasuotan
pagmamano sa matatanda
pagkain
pagmamahal sa magulang
kagamitan
Piliin ang halimbawa ng Di-Materyal na Kultura.
Bayanihan
Pagkain ng nilagang kamote at saging
Baro't Saya
Paniniwala na lalabas ang swerte kapag nagwalis sa gabi
mga banga
Ano ang dapat gawin upang mapanatili ang pamanang kultura na mayroon tayo? I-type ang iyong sagot
