NEW
Font size
WorksheetsFirst Quiz in Filipino 4
Total questions: 25
Worksheet time: 25mins
1. Saang bahagi ng pahayagan makikita ang editorial cartoon?
A. editoryal
B. palakasan
C. panlibangan
D. balitang pampamayanan
2. Ano ang nais ipakita ng editorial cartoon sa mga tao?
A. mga sanhi ng sakit
B. mga kailangan sa paglilinis
C. pag-aaway ng mga karakter
D. pagpapatupad ng mga health protocol
3. Ano ang HINDI dapat gawin ng mga tao habang may pandemya?
A. Maghugas ng mga kamay.
B. Mamasyal sa matataong lugar.
C. Magsuot ng face mask at face shield.
D. Takpan ang bibig kung babahing at uubo.
4. Paano ka makatutulong sa mga awtoridad sa pag-iwas sa sakit?
A. Kumain ng mga gulay at prutas.
B. Maglaro ng sikat na online game.
C. Manood ng mga palabas sa telebisyon.
D. Makipaglaro sa mga kaibigan sa ibang lugar.
5. Kung mawawala na ang COVID-19, mahalaga pa rin ba ang kalinisan?
A. Opo.
B. Siguro po.
C. Hindi na po.
D. Hindi ko po alam.
6. Bahagi ng pahayagan kung saan mababasa ang kuro-kuro o puna na isinulat ng patnugot hingil sa isang napapanahong isyu.
A. Balita
B. Balitang Pampalakasan
C. Editoryal
D. Obitwaryo
2. Ito ay bahagi ng pahayagan na nagbibigay ng mapanuring __________________ ng kahalagahan ng isang napapanahong pangyayari upang magbigay kaalaman, makapagpaniwala o makalibang sa mambabasa.
A. pagbasa
B. pag-iisa-isa
C. pagpapakahulugan
D. pag-alam
8. Alin ang HINDI layunin ng Editoryal?
A. magpabatid
B. magpakahulugan
C. mang-away
D. magbigay kaalaman
9. Alin sa sumusunod ang HINDI katangian ng Editoryal?
A. Maliwanag at direkta ang paglalahad ng mga detalye
B. Makatarungan ang pangangatwiran at pagpapasya
C. May dalawa o higit pang paksa na tinatalakay
D. Lahat ng impormasyong nilalaman ng Editoryal ay totoo at may basehan.
10. Ang Editoryal ay tinatawag rin na _________.
A. Buod
B. Maikling Kwento
C. Opinyon
D. Pangulong Tudling
11. Uri ng Editoryal na ipinaliliwanag ang kahalagahan o kahulugan ng isang mahalagang pangyayari.
A. News Peg
B. Konklusyon o Wakas
C. Editoryal na Nagpapakahulugan
D. Pangulong Tudling
12. Ito ay isang bahagi ng pahayagan na kung saan mababasa ang isang mapanuring magpapakahulugan ng kahalagahan ng isang napapanahong pangyayari.
A. Konklusyon o Wakas
B. Editoryal na Nagpapakahulugan
C. Pangulong Tudling
D. Editoryal
13. Ito ay isang maikling pahayag tungkol sa isang balita na pinagbatayan ng editoryal o napapanahong isyu na nangangailangan ng agarang solusyon.
A. News Peg
B. Konklusyon o Wakas
C. Editoryal na Nagpapakahulugan
D. Pangulong Tudling
14. Ang Editoryal ay may apat na bahagi, ang Pamagat, Simula, Katawan at _______.
A. News Peg
B. Konklusyon o Wakas
C. Editoryal na Nagpapakahulugan
D. Pangulong Tudling
15. Alin ang HINDI bahagi ng Editoryal?
A. Komento
B. Simula
C. Katawan
D. Konklusyon o wakas
16. Ang lahat ng mga teksto sa araling ito ay puwedeng basahin at pakinggan.
17. Ang mga nilalamang isyu ay napapanahon o kasalukuyang nangyayari.
18. Kung nais mong maging maalam sa mga nangyayari sa paligid magbasa ng pahayagan o diyaryo.
19. Nakapagbibigay ng panibagong impormasyon ang pagbabasa at pakikinig sa mga teksto.
20. Isang uri ng katamaran ang pagbabasa at pakikinig.
21. Sa pagbabasa at pakikinig nang tama ay paraan upang masagot ang mga tanong mula sa argumento.
22. Sa pagbabasa o pakikinig rin nagiging maalam ang isang batang kagaya mo. Kapag tinanong tungkol sa napapanahong isyu ay siguradong may masasabi o maisasagot ka.
23. Sa mga mapagkakatiwalaang sanggunian lamang babatay ng impormasyong nabasa.
24. Ang pagiging maalam sa isyu ay biktima ng fake news.
25. Ang pagiging matiyaga sa pagbabasa sa mga teksto ay nakabubuti sa pakikipag-usap sa iba.
