wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Q3-MTB-PAGTUKOY SA LAYUNIN NG MAY-AKDA SA KANIYANG KATHA

Total questions: 10

Worksheet time: 5mins

Name
Class
Date
1.

Ang tatlo sa mga pangunahing layunin ng manunulat sa kanilang mga akda o sinulat. Ang mga ito ay ang magbigay ng impormasyon, manghikayat; at manlibang.

a)

Tama

b)

Mali

2.

Bawat manunulat at akda ay may layunin o mensaheng nais iparating sa mambabasa. Naiiba ito ayon sa paksa o sa nilalaman ng katha o akda.

a)

Tama

b)

Mali

3.

Ang ______________ ay pagsasalin sa papel o anumang kasangkapang gamit ang mga nabuong salita, simbolo, at ilustrasyon ng isang tao na may layuning maipahayag ang kaniyang kaisipan.

a)

ang pagbigay impormasyon

b)

pagsulat

c)

manlibang

4.

_______________________ Ito ang layunin kung ang teksto, talata, sanaysay, talambuhay, o kuwento ay naglalayong makapagbigay ng karagdagang kaalaman o detalye.

a)

Manghikayat

b)

Manlibang

c)

Magbigay ng impormasyon

5.

___________________ Ito ang layunin kung ang akda ay humihimok o nag-aanyaya na maniwala, pumanig sa kaisipang inilahad o sumang-ayon ang mambabasa.

a)

Magbigay impormasyon

b)

Manlibang

c)

Manghikayat

6.

___________________ Ito ang layunin kung ang akda ay tungkol sa mga payak o simpleng paksa na nagbibigay saya o aliw sa mambabasa.

a)

Manlibang

b)

Magbigay Impormasyon

c)

Manghikayat

7.

Kahit na ang unang layunin ay manlibang, kadalasang nagtataglay rin ang ganitong katha ng mga paksa na hindi napupulutan ng aral ng mambabasa.

a)

Tama

b)

Mali

8.

Dali-daling pinakawalan ni Juan ang mga alimango at inutusan ang mga itong mauna nang umuwi sa kanilang bahay. “Kapag hinanap ako ni inay, pakisabi na naliligo lamang ako kasama ang aking mga kaibigan”. Anong layunin ang ipinarating?

a)

Nagbibigay ng impormasyon

b)

Nanghihikayat

c)

Nanlilibang

9.

Paano nga ba ginagawa ang banga o palayok? Ang mga ito ay ginawa sa pamamagitan ng paghahalo ng luwad o clay at tubig. Sinasamahan din ito ng pampatibay tulad ng buhangin at ipa o balat ng palay.

a)

Nagbibigay ng impormasyon

b)

Nanghihikayat

c)

Nanlilibang

10.

“Hinihiling ko sa inyong lahat na magtulong-tulong tayo para mapaunlad ang ating bansa.” Sikapin nating magkaroon ng disiplina at iwasan ang pang-aabuso sa ating likas na yaman.

a)

Nagbibigay ng impormasyon

b)

Nanghihikayat

c)

Nanlilibang