wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Aralin 16 - Mga Lokal na Pangayayari Tungo sa Pagusbong

Total questions: 47

Worksheet time: 24mins

Name
Class
Date
1.

Ang mga pangunahing epekto ng pananakop ng mga Espanyol ay ang paglulunsad ng mga reporma o pagbabago sa ekonomiya ng bansa.

a)

Tama

b)

Mali

2.

Ang mga reporma sa ekonomiya ay nagdulot ng positibong epekto sa pamumuhay ng mga sinaunang Pilipino.

a)

Tama

b)

Mali

3.

Naging mahirap ang pamumuhay ng ating mga ninuno sapagkat lahat ng mga pagbabagong ipinatupad ng

mga Espanyol sa bansa ay pawang para sa kabutihan

lamang ng mga mananakop.

a)

Tama

b)

Mali

4.

Kaya naman ang mga pagbabagong ito ang siyang naging pangunahing dahilan ng pagsisimula ng pakikibaka ng mga Pilipino laban sa mga mananakop.

a)

Tama

b)

Mali

5.

Ang sistemang bandala ay sistema kung saan ang mga Pilipinong may-ari ng lupain ay naging kasama o nangungupahan na lamang sa kanilang lupang sakahan.

a)

Tama

b)

Mali

6.

Ang sistemang encomieda ay sistema kung saan sapilitang binibili ng pamahalaang Espanyol ang mga produkto ng mga magsasakang Pilipino sa murang halaga.

a)

Tama

b)

Mali

7.

Naging sapilitan ang pagtatanim ng tabako sa Pilipinas kaya marami sa mga halaman at iba pang pananim ay di na nabibigyang pansin at tuluyan ng nakalimutan.

a)

Tama

b)

Mali

8.

Pinagbawal ang pagtatanim ng ibang produkto ng pagkain tulad ng saging at pinya. Tanging mais lamang ang ipinag-uutos na itanin ng pamahalaan ng Espanya.

a)

Tama

b)

Mali

9.

Bilang isang monopolyo tanging sa pamahalaan lamang maaaring ibenta ang mga aning tabako sa presyong itinakda nito.

a)

Tama

b)

Mali

10.

Sa panahong iyon ang pag-imbak ng tabako sa mga kamalig ay isang paglabag sa sa diyos.

a)

Tama

b)

Mali

11.

Dahil lahat ng matataas na uri ng tabako ay nasa kamay ng mga Espanyol ang mga magsasakang Pilipino na nagnanais na gumamit ng tabako ay kinakailangan pang bumili sa mga pamilihang pagmamay-ari ng pamahalaan.

a)

Tama

b)

Mali

12.

Upang mayroong magagandang tabako na matira sa mga Pilipino, ang mga magsasaka ay natutong magtanim nito sa mga maliliit na kamalig.

a)

Tama

b)

Mali

13.

May mga katutubo ring natutong magpuslit ng mga matataas na kalidad ng tabako.

a)

Tama

b)

Mali

14.

Noong 1981, makalipas ang isandaang taon, ay tuluyan nang itinigil ang monopolyo ng tabako sa Pilipinas.

a)

Tama

b)

Mali

15.

Bunga ng pagbabagong ito sa ekonomiya sa bansa, umusbong o nagsimula ang mga pakikibaka ng bayan. Nagkaroon ng kalat-kalat na demostrasyon at pag-aaklas na isinagawa ng mga Pilipino.

a)

Tama

b)

Mali

16.

Si Sumuroy ay anak ng isang babaylan o pinunong

panreihiyon ng mga sinaunang Pilipino kayat hindi

nakapagtatakang ang pag-aalsang pinamunuan niya

Samar ay may kinalaman sa katutubong relihiyon.

a)

Tama

b)

Mali

17.

Ang paghihimagsik ni Dagohoy ay laban sa sapilitang

paggawa at pagpapadala sa kanila sa Cavite.

a)

Tama

b)

Mali

18.

Ang pag-aalsa ni Sumoroy ay ang pinakamatagal na pag-aalsang naitala.

a)

Tama

b)

Mali

19.

Sinimulan ni Sumory ang pag-aalsa sa araw ng Corpus Christi.

a)

Tama

b)

Mali

20.

Corpus Christi ay isang malaking pistang katoliko.

a)

Tama

b)

Mali

21.

Pinatay ng grupo ni Dagohoy ang pari ng Palapag, sinalakay ang kumbento. Pinalayas ang iba pang mga prayle, at sinunog ang simbahan.

a)

Tama

b)

Mali

22.

Ang pag-aalsang ni Sumoroy ang naging mitsa upang mag-alsa rin ang mga karatig na lalawigan ng Samar

tulad ng Sorsogon Masbate, Cebu at Camiguin.

a)

Tama

b)

Mali

23.

Si Sumuroy ay matagumpay na nakapagtatag ng isang malayang bayan sa kabundukan na tumagal nang dalawang taon.

a)

Tama

b)

Mali

24.

Si Sumuroy ay taga Cavite.

a)

Tama

b)

Mali

25.

Si Dagohoy ay taga Bohol.

a)

Tama

b)

Mali

26.

Ang pag-aalsang nangyari sa Bohol ay pinamunuan ni Francisco Dagohoy.

a)

Tama

b)

Mali

27.

Ang pag-aalsang nangyari sa Samar ay pinamunuan ni Francisco Dagohoy.

a)

Tama

b)

Mali

28.

Tumagal ng halos 65 taon. Ang himagsikang Dagohoy sa Bohol. Ito ang pinakamatagal sa lahat ng naitalang

pag-aalsa laban sa mga Espanyol.

a)

Tama

b)

Mali

29.

Nagsimula ang himagsikan Dagohoy noong 1744 at nasupil lamang noong 1829.

a)

Tama

b)

Mali

30.

Si Sumoroy ay kinilala bilang isang mandirigmang Pilipino na hindi sumuko.

a)

Tama

b)

Mali

31.

Si Hermano Pule ay isang cabeza de barangay.

a)

Tama

b)

Mali

32.

Noong Enero 24, 1744 napatay ni Dagohoy ang isang paring Heswita dahil sa pagtutol ng Simbahan na bigyan ng libing na naaayon sa Katolikong ritwal ang kanyang asawa.

a)

Tama

b)

Mali

33.

Si Gobernador- Heneral Mariano Ricafort and bukod tanging nakasupil sa samahan ni Dagohoy dahil namatay na noon si Dagohoy.

a)

Tama

b)

Mali

34.

Pinamunuan ng mag-kapatid Silang ang pag-aalsang nangayari sa lalawigan ng llocos.

a)

Tama

b)

Mali

35.

Ang rebelion nina Diego at Gabriela Silang ay naglalayong alisin ang indulto de comercio o ang karapatan ng mga nása gobyerno na magnegosyo, gayundin ang mapatalsik sa puwesto ang Mga abusadong opisyal, at mapababa ang buwis. Layunin din ng pag-aalsang ito na palayasin sa nasabing lalawigan ang mga Espanyol at mestizo.

a)

Tama

b)

Mali

36.

Si Diego ay nakipagsabwatan sa mga Sepoy na nangako sa kanya na magpapadala ng mga armas upang magamit laban sa mga Espanyol.

a)

Tama

b)

Mali

37.

Ipinagpatuloy ng kanyang asawang si Gabriela ang paghihimagsik matapos na siya ay paslangin.

a)

Tama

b)

Mali

38.

Ang kilusang Agraryo nong 1755 ay bunsod ng hindi makatarungang pangangamkam ng mga prayle o paring misyonero (Heswita, Dominiko, Agustino, at Rekoleto)

sa lupa ng mga katutubo.

a)

Tama

b)

Mali

39.

Ang kilusang Agraryo ay nagsimula sa Silang, Cavite noong Abril 1745 at mabilis na kumalat sa mga bayan ng Taguig, Parañaque. Hagonoy,Bacoor, San Mateo, at Bulacan.

a)

Tama

b)

Mali

40.

Ang Katagalugan ang naging sentro ng kilusang Agraryo sapagkat sa mga lalawigang ito lamang matatagpuan ang hacienda ng mga prayle.

a)

Tama

b)

Mali

41.

Si Mariano Ricafort na mas kilala bilang Hermano

Pule ay ipinanganak sa baryo Pandác, Lucbán, Lungsod

ng Tayabas (ngayon Quezon). Pinamunuan niya ang isang

pag-aalsa sa Pilipinas na may kinalaman sa pakikibaka

para sa kalayaan sa relihiyon.

a)

Tama

b)

Mali

42.

Si Apolinario de la Cruz na mas kilala bilang Hermano Pule ay ang nagtatag ng kapisanang tinawag na Cofradia de San Jose.

a)

Tama

b)

Mali

43.

Si Hermano Pule ay nahuli siya at binitay ng mga Espanyol sa pamamagitan ng firing squad.

a)

Tama

b)

Mali

44.

Sa pangunguna ni Sir William Draper ay nilusob ng Britanya ang Look ng Cavite.

a)

Tama

b)

Mali

45.

Si Arsobispo Rojo ang nagpahayag ng pormal na pagsuko ng Espanya sa mga Ingles.

a)

Tama

b)

Mali

46.

Ang okupasyon ng mga Ingles sa Maynla ay nagbigay-daan upang makita ng maraming Pilipino ang kahinaan ng mga Espanyol.

a)

Tama

b)

Mali

47.

May ilang sundalong Malaysian na kilala bilang mga Sepoy ang kasama ng mga Ingles noon. Tumiwalag sila at namalagi sa Cainta, Rizal. Dahil dito, nagkaroonng mga Indian sa Cainta at dito nanirahan hanggang sa mga sumunod na henerasyon

a)

Tama

b)

Mali