Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

4th Quarter Exam In AP 2

Total questions: 30

Worksheet time: 22mins

Name
Class
Date
1.

Alin sa mga nasa ibaba ang may Wastong pangangasiwa ng Likas na Yaman?

a)

Si Julio ay nagtatapon ng basura sa ilog.

b)

Si Aniel ay nagtatanim ng mga gulay sa kanilang bakuran.

c)

Si Jayson ay nagsusunog ng mga dahon at plastik sa kanilang bakuran.

2.

Alin sa mga nasa ibaba ang may Hindi Wastong pangangasiwa ng Likas na Yaman?

a)

Si John Paul ay nagtatag ng mga sentrong kanlungan para sa mababangis na hayop at mga ligaw na halaman.

b)

Si Vince ay gumagamit ng organikong paraan sa pagtatanim kahit sa maliit na espasyo o lupa lamang.

c)

Si Marc ay gumagamit ng dinamita sa panghuhuli ng isda sa dagat.

3.

Ano ang tatlong Rs para makatulong sa matalinong pangangasiwa ng mga likas na yaman?

a)

Reuse, Reply at Reduce

b)

Recyle, Rewaste at Reduce

c)

Reduce, Reuse at Recycle

4.

Ano ang ibig sabihin ng Reuse?

a)

Ito ay ang pagbabawas sa mga basura sa ating paligid.

b)

Ito ay ang pagbubuo ng mga bagong bagay mula sa mga lumang bagay.

c)

Ito ay maaaring gawin sa mga bagay na patapon na ngunit maaari pang magamit kumpunihin, ibigay sa nangangailangan, o ipagbili.

5.

Ano ang ibig sabihin ng Reduce?

a)

Ito ay ang pagbabawas sa mga basura sa ating paligid.

b)

Ito ay maaaring gawin sa mga bagay na patapon na ngunit maaari pang magamit kumpunihin, ibigay sa nangangailangan, o ipagbili.

c)

Ito ay ang pagbubuo ng mga bagong bagay mula sa mga lumang bagay.

6.

Ano ang ibig sabihin ng Recycle?

a)

Ito ay maaaring gawin sa mga bagay na patapon na ngunit maaari pang magamit kumpunihin, ibigay sa nangangailangan, o ipagbili.

b)

Ito ay ang pagbubuo ng mga bagong bagay mula sa mga lumang bagay.

c)

ito ay ang pagbabawas sa mga basura sa ating paligid.

7.

Sino ang namamahala sa lahat ng gawain ng kanilang komunidad?

a)

Punongguro

b)

Doktor

c)

Kapitan

8.

Sino ang pinunong panrelihiyon sa komunidad?

a)

Hepe

b)

Pastor

c)

Kapitan

9.

Sino ang namamahala sa lahat ng gawain ng mga magaaral, guro, at iba pang lingkod sa paaralan?

a)

Punongguro

b)

Doktor

c)

Pastor

10.

Sino ang namumuno sa health center o sentrong pangkalusugan ng komunidad?

a)

Hepe

b)

Doktor

c)

Kapitan

11.

Sino ang nangangalaga sa kaligtasan ng lahat ng tao sa komunidad sya ang namumuno sa kapulisan?

a)

Punongguro

b)

Kapitan

c)

Hepe

12.

Sino ang pwedeng maging pinuno ng isang komunidad?

a)

Ninanakawan ni Jun ang kaban ng bayan.

b)

Tinutulungan ni Enzo ang mga kababayan na nasalanta ng bagyo.

c)

Pinahihirapan ni Angela ang kaniyang mga nasasakupan.

13.

Anong larawan ang nagpapakita ng mayroong magandang pamumuno sa kanilang komunidad?

a)
b)
c)
14.

Nagsasabi ng totoo sa tuwina sa sinumang tao

a)

Matapat at marangal

b)

Matapang

c)

Matulungin

15.

Gumagawa ng mga bagay para sa ibang tao na walang hinihintay na kapalit.

a)

Matuwid at Responsable

b)

Matulungin

c)

Matapang

16.

May tiwala sa sariling kakayahan ngunit hindi mayabang o makasarili

a)

Matuwid

b)

Matapat

c)

Mapagkumbaba

17.

Matatag ang loob sa pagharap sa anumang panganib

a)

Matapang

b)

Matulungin

c)

Matuwid

18.

Sumusunod sa mga batas at patakaran at ipinapatupad ito nang maayos.

a)

Mapagkumbaba

b)

Matapat

c)

Responsable

19.

Tawag sa mga bagay na likas na mayroon tayo

a)

Tungkulin

b)

Karapatan

c)

Paninindigan

20.

Ang mga bagay na inaasahang magagawa o maisasakatuparan ng isang tao.

a)

Tungkulin

b)

Karapatan

c)

Paniniwala

21.

Paano pinipili ang mga pinuno sa ating komunidad?

a)

pinipili

b)

palakasan

c)

binoboto

22.

Si Roy ay pitong (7) taong gulang. Maari na ba siyang bumoto ng nais niyang pinuno?

a)

Hindi, dahil maari lang bumoto kung siya ay labing walong (18) taong gulang na.

b)

Siguro, kung talagang mapilit siya.

c)

Oo, dahil gusto niya.

23.

Alin sa mga sumusunod ang katangian ng isang mabuting pinuno?

a)

Sinungaling

b)

Matapat

c)

Mapagmataas

24.

Bakit mahalaga ang pagpili ng mabuting pinuno?

a)

upang madaling mahingian ng donasyon

b)

upang mapanatili ang kaayusan at kaunlaran ng ating komunidad

c)

upang hindi magreklamo sa mga tungkulin

25.

Ano ang naidudulot ng hindi mabuting pamumuno?

a)

walang kaayusan, kaligtasan at kaunlaran ang komunidad

b)

payapa ang komunidad

c)

mapapabuti ang kalagayan ng komunidad

26.

Si Ana ay hindi pinayagang mag- aral. Anong karapatan niya ang hindi natugunan?

a)

Karapatan sa edukasyon

b)

Karapatan sa proteksyon laban sa pang-aabuso

c)

Karapatan sa pagpili ng relihiyon

27.

Pinaglilinis ng bahay si Iza ng walang pahinga. Anong karapatan ang nilalabag dito?

a)

Karapatan sa edukasyon

b)

Karapatan sa proteksyon laban sa pang-aabuso at pang-aapi

c)

Karapatan sa pangalan

28.

Pinapabayaan ng magulang si Ana na mag-isa sa bahay, walang sapat na pagkain at damit. Anong karapatan ang nilalabag dito?

a)

Karapatan sa pangalan

b)

Karapatan sa edukasyon

c)

Karapatan sa pangangalaga ng magulang

29.

Hindi pinapayagang maglaro si Troy kasama ang kanyang mga kaibigan. Anong karapatan ang nilalabag dito?

a)

Karapatan sa pangalan

b)

Karapatang makapaglaro at makapaglibang

c)

Karapatang mabuhay

30.

Mahalaga bang malaman ang ating mga karapatan?

a)

Oo, Upang maging gabay sa ating pamumuhay

b)

Siguro, minsan kung kanakailangan.

c)

Hindi, dahil hindi ito nakakatulong.