Font size
WorksheetsIkatlong Pagsusulit para sa Ikatlong Markahan: Imperyo
Total questions: 20
Worksheet time: 10mins
Panuto: Basahin ang bawat pahayag. Piliin at i-click ang kahon ng tamang sagot.
Sa Europa umiral ang Merkantilismo na kung maraming ginto at pilak ay may pagkakataon na maging mayaman at makapangyarihan ang isang bansa
Tama
Mali
Inilunsad ng simbahan at mga kristiyanong hari ang mga krusada upang mabawi ang banal na lupain.
Tama
Mali
Maraming adbenturerong Europeo ang namangha at nahikayat na makarating at makipagsapalaran sa Asya dahil sa aklat ni Marco Polo.
Tama
Mali
Ang Renaissance ay nagsimula sa Espanya.
Tama
Mali
Dahil sa pagkontrol sa rutang pangkalakalan ng mga Seljuk Turk sa Constantinople ay napilitang humanap ng bagong rutang pangkalakalan ang mga Europeo.
Tama
Mali
Nabigo ang mga manggagalugad sa kanilang layuning matuklasan ang Moluccas.
Tama
Mali
Walang pagtangging nasakop ng mga Europeo ang mga Asyano noong panahon ng kolonyalismo at imperyalismo.
Tama
Mali
Pinagpunyagian ng mga Asyanong labanan ang sapilitang pananakop ng mga Kanluranin.
Tama
Mali
Nilayon ng mga manggagalugad na makipagsapalaran at pumalaot sa karagatan upang masagot ang kanilang palaisipan na ang mundo ay bilog.
Tama
Mali
Narating ni Bartolomew Diaz ang dulong Afica at tinawag itong Cape of Good Hope dahil nagbukas ito sa ruta patungong Silangan.
Tama
Mali
Ang Nasyonalismo ay isa sa mga dahilan ng Ikalawang yugto ng Kolonyalismo at Imperyalismo sa Timog at Kanlurang Asya noong ika-16 hanggang ika-20 siglo.
Tama
Mali
Ang Imperyalismo ay nangangahulugan ng pananakop dahil sa likas na yaman ng bansang gustong sakupin.
Tama
Mali
Maraming imbensyon ang umusbong sa panahon ng Rebolusyong Industriyal katulad ng spinning jenny, flying shuttle at steam engine.
Tama
Mali
Mga produktong hindi na nais bilhin ng mga Europeo ay tinatawag na ukay-ukay.
Tama
Mali
Ang White Man’s Burden ay isa sa dalawang paniniwala na resulta ng Social Darwinism.
Tama
Mali
Isang uri ng rascism ang Social Darwinism.
Tama
Mali
Nagpapakita ng kapangyarihan ang bansang mananakop sa paraan ng Kolonyalismo.
Tama
Mali
Pagsapit ng ikalawang yugto ng Imperyalismo, kinakailangan na ng mga Europeo na sakupin ang mga rehiyon lamang ng mga bansang kanilang sinakop.
Tama
Mali
Unang naganap sa Great Britain o England ang Rebolusyong Industriyal.
Tama
Mali
Isang maling paniniwala ng mga Europeo noon na ang Kolonya ay isang simbolo ng kadakilaan.
Tama
Mali
