wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Summative Test Week 3 & 4

Total questions: 20

Worksheet time: 10mins

Name
Class
Date
1.

Ang nasyonalismo ay tumutukoy sa pagsibol ng damdaming makabayan. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng bunga ng pagsibol ng nasyonalismo sa Asya?

a)

Maging magalang sa kapwa

b)

Pigilin ang paglaganap ng imperyalismong Kanluranin

c)

Makipagkaibigan sa mga dayuhan

d)

Maging matapang sa lahat ng oras

2.

Ang sumusunod ay pamamaraang isinagawa ni Mohandas Gandhi upang ipakita ang pagtutol sa patuloy na pananakop ng mga Ingles sa India maliban sa isa, ano ito?

a)

Pagboykot sa mga produkto at institusyong Ingles

b)

Pagsiwalat ng katotohanan

c)

Marahas na pakikipaglaban

d)

Pag-aayuno

3.

Alin sa sumusunod ang naging salik sa pag-usbong ng damdaming nasyonalismo sa Timog Asya?

a)

Pananakop ng mga Ottoman Muslim sa India

b)

Racial discrimination sa mga lahing Indian

c)

Pagsang-ayon ng mga Hindu sa paglinang sa likas na yaman ng India

d)

Hinayaan ng mga Ingles na ipagpatuloy ng mga Hindu ang kanilang tradisyon at paniniwala.

4.

Bakit hindi agad naipamalas ng mga taga Kanlurang Asya ang damdaming nasyonalismo?

a)

Karamihan sa mga bansa ng Kanlurang Asya ay nasa ilalim ng pananakop ng Imperyong Ottoman

b)

Umiiral sa Kanlurang Asya ang sitemang mandato

c)

Hindi naman nasakop ng mga Kanluranin ang Kanlurang Asya

d)

Walang pagkakaisa ang mga tao sa Kanlurang Asya

5.

Kung si Muhammad Ali Jinnah ang kinilalang Ama ng Pakistan, sino naman ang kinilalang Ama ng Turko?

a)

Mustafa KemaL

b)

Ibn Saud

c)

Jawaharlal Nehru

d)

Mohandas Gandhi

6.

Ang sumusunod ay mga pangyayaring naganap sa India na may kinalaman sa pagtatamo nila ng kalayaan. Pagsunud-sunurin ang mga pangyayaring ito.

1. Amritsar Massacre

2. Pagkakabuo ng Indian National Congress

3. Pagtatatag ng All Indian Muslim League

4. Paglagda ng England sa Indian Independence Act

a)

3-1-2-4

b)

4-3-2-1

c)

3-4-1-2

d)

2-3-1-4

7.

Anong pangyayari ang gumising sa damdaming nasyonalismo ng bansang India?

a)

Pagtatatag ng Republika ng Turkey

b)

Pagkakaroon ng diskriminasyon sa mga Indian.

c)

Pagkakapatay kay Mohandas Gandhi.

d)

Pagpapatupad ng Economic Embargo ng mga Ingles.

8.

Ano ang pinakamagandang ibinunga ng pagsusulong ng nasyonalismo sa Timog at Kanlurang Asya?

a)

Nagkaroon ng pagbabago sa mga bansa sa Timog at Kanlurang Asya

b)

Napalitan ang mga namumuno sa pamahalaan.

c)

Maraming bansa ang lumaya sa bahagi ng Timog at Kanlurang Asya.

d)

Nakilala ang mga taong may pagmamahal sa bansa.

9.

Si Mohandas Gandhi ay nagsulong ng mapayapang pamamaraan sa paghingi ng kalayaan sa pamahalaang Ingles. Ano ang mahihinuha mo sa ginawang ito ni Gandhi?

a)

Maraming mamatay na Indian kung makikipagdigmaan sila sa mga Ingles.

b)

Mahina ang loob ni Gandhi sa pakikipaglaban

c)

Naniniwala si Gandhi na hindi kayang lumaban ng mga Indian sa mga Ingles.

d)

Naniniwala si Gandhi na maaaring makamit ang kalayaan ng hindi gumagamit ng karahasan.

10.

Lagyan ng check ang DALAWANG anyo ng Nasyonalismo sa Asya

a)

Defensive Nationalism

b)

Peaceful Nationalism

c)

Silent Nationalism

d)

Aggresive Nationalism

e)

Offensive Nationalism

11.

Kailan naganap ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig?

a)

Agosto 1924

b)

Setyembre 1939

c)

Agosto 1914

d)

Marso 3, 1924

12.

Anong kasunduan ang nagwakas sa digmaan sa pagitan ng Allied Powers ng Ottoman Empire?

a)

Tehran Conference

b)

Treaty of Versailles

c)

Mandate System

d)

Armistice of Murdos

13.

Anong tawag sa kasunduan na naghudyat sa pormal na pagtatapos ng digmaan?

a)

Tehran Conference

b)

Treaty of Versailles

c)

Mandate System

d)

Balfour Declaration

14.

Alin sa sumusunod na pangyayari ang naging hudyat o dahilan sa pagsisimula ng Unang Digmaang Pandaigdig?

a)

Pagpapakamatay ni Adolf Hitler matapos sumalakay ang Allied Powers

b)

Pagpapalabas ng labing-apat na Puntos ni Pangulong Woodrow Wilson

c)

Pagpaslang kay Archduke Francis Ferdinand ng Austria sa Sarajevo, Bosnia

d)

Pagwawakas ng mga Imperyo sa Europa tulad  ng Alemanya, Austria, Hungary, Rusya, at Ottoman

15.

 

Sa ilalim ng sistemang pangkabuhayang ito, ang produksyon, distribusyon at kalakaran ay kontrolado ng mga pribadong mangangalakal. Anong sistemang pangkabuhayan ang tinutukoy nito?

a)

Demokrasyang sosyalismo

b)

Kapitalismo

c)

Komunismo

d)

Sosyalismo

16.

Ang sistemang ito ay may layuning pagkakapantay-pantay at kawalan ng antas o pag-uuri-uri ng lipunan (classless society) kung saan ang mga salik ng produksyon ay pag-aari ng lipunan. Anong sistema ito?

a)

Kapitalismo

b)

Komunismo

c)

Demokrasyang sosyalismo

d)

Sosyalismo

17.

Anong ideolohiya ang naglalayon na makamit ang perpektong lipunan sa pamamagitan ng pantay na distribusyon ng produksyon ng bansa, pagtutulungan, at ang paghawak ng pamahalaan sa mahahalagang industriya?

a)

Demokrasyang sosyalismo

b)

Kapitalismo

c)

Komunismo

d)

Sosyalismo

18.

Sa anong sistema nakapaloob na ang kapangyarihan sa pamahalaan ay nasa kamay ng mga mamamayan at sila rin ang pumipili ng magiging Pinuno sa pamamagitan ng halalan?

a)

Monarkiya

b)

Totalitaryanismo

c)

Awtoritaryanismo

d)

Demokrasya

19.

Ano ang dimensyon ng buhay ang HINDI gaanong naaapektuhan ng anumang ideolohiya?

a)

isports

b)

batas

c)

kabuhayan

d)

kultura

20.

Kamalayan sa lahi na nag-uugat sa pagkakaroon ng isang relihiyon, wika, kultura, kasaysayan, at pagpapahalaga.

a)

Kolonyalismo

b)

Nasyonalismo

c)

Imperyalismo

d)

Patriotismo