NEW
Font size
WorksheetsEKONOMIKS 9
Total questions: 20
Worksheet time: 10mins
Si Andot ay nagbabalak magtayo ng negosyo, ang larangan ng ekonomiks na dapat niyang pag-aralan upang makita ang gawi ng kabuuan ng ekonomiya ay ang pag-aaral tungkol sa ____________.
A. Pamilihan
B. Ekonomiya
C. Maykroekonomiks
D. Makroekonomiks
Kung ang kabuuang kita ni Rudi ay Php25,000.00 at ang kanya namang kabuuang gastusin ay Php21,000.00, magkano ang maaari niyang ilaan para sa pag-iimpok?
A. Php1,000.00
B. Php2,000.00
C. Php3,000.00
D. Php4,000.00
Ano ang tumutukoy sa patuloy na pagtaas ng kabuuang presyo sa ekonomiya?
A. Deplasyon
B. Implasyon
C. Resesyon
D. Depresyon
Sa paikot na daloy ng ekonomiya, papaano nagkaugnay ang sambahayan at bahay-kalakal?
A. Sa sambahayan nagmumula ang mga salik ng produksiyon na sumasailalim ng pagpoproseso ng bahay-kalakal
B. Ang salapi ay ginagamit ng sambahayan upang ipautang na kapital sa mga bahay-kalakal
C. Ginagamit ng sambahayan ang nakokolektang buwis upang makabuo ng produkto na gagamitin ng mga bahay-kalakal
D. Nagbubukas ng bagong planta ang sambahayan upang magkaroon ng karagdagang trabaho para sa mga bahay-kalakal
Kung mabagal ang pagsulong ng ekonomiya ng bansa base sa pagsusuri sa economic performance nito, dapat bang gumawa ng hakbang ang pamahalaan upang mapataas ito?
A. Oo, dahil magiging kahiya-hiya ang bansa sa buong daigdig
B. Hindi, dahil ang bansa naman ang haharap sa naturang suliranin
C. Hindi, dahil ang ekonomiya ng bansa ay ealang kaugnayan sa ekonomiyang pandaigdigan
D. Oo, dahil repleksiyon ito ng hindi mahusay na pamamalakad ng ekonomiya
Anong paraan ng pagsukat ng sa GNI kabilang ang gastusing peraonal, gastusin ng mga namumuhunan, gastusin ng pamahalaan, gastusin ng panlabas na sector, statistical discrepancy at NFIFA?
A. Expenditure Approach
B. Economic Freedom Approach
C. Industrial Origin/Value Added Approach
D. Income Approach
Kailan makikita na positibo ang economic performance ng isang bansa?
A. Kapag lumalaki ang utang panlabas ng bansa
B. Kapag may pag-angat sa Gross Domestic Product ng bansa
C. Kapag malaking bilang ng lakas paggawa ay walang trabaho
D. Kapag gumagamit ng makabagong teknolohiya ang mga bahay-kalakal
Alin sa mga sumusunod ang hindi ginagamit na paraan ng pagsukat sa Gross National Income?
A. Expenditure Approach
B. Economic Freedom Approach
C. Industrial Origin/Value Added Approach
D. Income Approach
Bilang isang mag-aaral, alin sa mga sumusunod ang nararapat na gawin kung maliit lamang ang baon na ibinigay ng iyong magulang?
A. Bilhin ang nararapat bilhin at humingi na lamang kapag kulang na ang salapi
B. Bilhin ang nararapat bilhin at tipirin ang mga bagay na hindi naman mahalaga
C. Bilhin ang nararapat bilhin at tipirin ang sarili sa lahat ng pagkakataon
D. Bilhin ang nararapat bilhin at hayaan na lamang ang mangyayari sa kinabukasan
Bilang isang mamimili, papaano ka makatutulong sa paglutas ng suliranin sa implasyon?
A. Bumili lamang kung bagsak ang presyo ng mga bilihin sa pamilihan
B. Bumili lamang kung kakilala at suki ang nagtitinda sa pamilihan
C. Bumili lamang sa mga supermarket o grocery upang matiyak ang presyo
D. Bumili lamang ng sapat sa pangangailangan upang hindi magkaroon ng kakulangan
Ano ang ginagampan ng pamilihang pinansiyal sa paikot na daloy ng ekonomiya?
A. Dito nangungutang ang mga prodyuser
B. Dito nagbebenta ang mga prodyuser
C. Dito bumibili ang mga konsyumer
D. Dito nangongolekta ang mga konsyumer
Anong modelo ng pambansang ekonomiya ang naglalarawan sa simpleng ekonomiya?
A. Unang Modelo
B. Ikalawang Modelo
C. Ikatlong Modelo
D. Ikaapat na Modelo
Bakit kinakailangang masukat ang pambansang kita ng Pilipinas?
A. Para may ibalita sa mga tao
B. Para malaman kung umunlad ang bansa
C. Para malaman ng isang bansa
D. Para may sweldo ang mga manggagawa
Alin sa mga sumusunod ang HINDI dapat gawin ng isang wise saver?
A. Kilalanin ang bangko
B. Maging maingat
C. Ipaalam sa iba ang password ng ATM
D. Ingatan ang bank records
Ano ang epekto ng implasyon sa mga mamamayan na walang trabaho?
A. Magkakaroon sila ng magandang trabaho
B. Mababawasan ang kanilang sahod
C. Makakapag-aral sila sa magandang paaralan
D. Mababawasn ang dami ng mga produktong kanilang bibilhin
Paano nakikinabang ang mga negosyante sa pagkakaroon ng implasyon?
A. Tataas ang kaniyang kikitain
B. Tataas ang kaniyang utang
C. Dadami ang kanyang mga mangagawa
D. Dadami ang kanyang kostumer
Ano ang iyong gagawin upang makapag-impok ng pera?
A. Manglibre ng barkada
B. Mag shopping linggo-linggo
C. Magtipid at displinahin ang sarili
D. Bumili ng marami kapag sale
Anong paraan ng pagsukat sa GNI kabilang ang kabuuang halaga ng produksiyon ng sektor ng industriya, agrikultura at serbisyo?
A. Expenditure Approach
B. Economic Freedom Approach
C. Industrial Origin/Value Added Approach
D. Income Approach
Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa dahilan ng pagkakaroon ng implasyon?
A. Cost-push
B. Demand-pull
C. Monopolyo o Kartel
D. Maraming supply ng produkto
Ano ang epekto ng mababang interes sa pagkonsumo ng mga tao?
A. Mahihikayat ang tao na umutang at tataas ang pagkonsumo
B. Mahihikayat ang tao na mag-impok sa bangko
C. Mahihikayat ang tao na mag-angkat ng produkto saibang
D. Mahihikayat ang mga tao na magtipid para sa hinaharap
