wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

HSMGW / WW 3

Total questions: 20

Worksheet time: 11mins

Name
Class
Date
1.

Tukuyin ang paksang pangungusap sa bawat talata.


May iba't ibang kahulugan ang bawat kulay. Ang asul ay kapayapaan at ang pula ay katapangan. Pag-ibig naman ang kahulugan ng rosas at panibugho naman ang dilaw. Kasaganaan naman ang berde at kalungkutan ang itim. Marami pang kulay ang may kahulugan.

a)

Pag-ibig naman ang kahulugan ng rosas at panibugho naman ang dilaw.

b)

Ang asul ay kapayapaan at ang pula ay katapangan.

c)

May iba't ibang kahulugan ang bawat kulay.

d)

Marami pang kulay ang may kahulugan.

e)

Kasaganaan naman ang berde at kalungkutan ang itim.

2.

Tukuyin kung pamaksa o pantulong na pangungusap ang naka-italisadong pahayag.

Malaki ang maitutulong ng pananatili sa tahanan at pagsasagawa ng social distancing upang hindi madagdagan ang tumataas na bilang ng mga nahahawaan ng virus. Patuloy na umiisip ang gobyerno kung paano mababawasan ang mga nagkakasakit ng covid-19.

a)

Pamaksang Pangungusap

b)

Pantulong na Pangungusap

3.

Ito ay ang saloobin ng may-akda sa paksa na kanyang sinulat.

(a)  

4.

Tukuyin ang paksang pangungusap sa bawat talata.


Ang aklat ay nagbibigay ng iba't ibang impormasyon. Ito rin ay nagdadala sa atin sa iba't ibang bansa sa pamamagitan ng pagbabasa. Ang dating pagkatao ay nagbabago rin. Ang lahat ng bagay ay matutuhan natin sa aklat. Ito ang mga kahalagahan ng aklat.

a)

Ang aklat ay nagbibigay ng iba't ibang impormasyon.

b)

Ang dating pagkatao ay nagbabago rin. Ang lahat ng bagay ay matutuhan natin sa aklat.

c)

Ito rin ay nagdadala sa atin sa iba't ibang bansa sa pamamagitan ng pagbabasa.

d)

Ito ang mga kahalagahan ng aklat.

5.

Tukuyin kung pamaksa o pantulong na pangungusap ang naka-italisadong pahayag.

Bawat Pilipino ay pinipilit makabangon dahil sa dagok na idinulot ng pandemya sa bawat isa. Umiisip sila ng pamamaraan upang makabalik sa trabaho at mabuksang muli ang kanilang mga negosyo.

a)

Pamaksang Pangungusap

b)

Pantulong na Pangungusap

6.

Ang nais iparating ng manunulat sa mga mambabasa.

(a)  

7.

Tukuyin ang paksang pangungusap sa bawat talata.


Ang isang pagdiriwang na pinakahihintay ng halos karamihan ay ang kapaskuhan. Ang lahat ng tao ay abala sa paghahanda sa araw na ito. Mga bagong damit at sapatos naman ang kinasasabikan ng mga paslit. Ang pagpunta at pagbibigay-galang nila sa kanilang ninong at ninang ay kinakikiligan din. At higit ay ang pagpapasalamat sa Diyos sa araw na ito.

a)

Mga bagong damit at sapatos naman ang kinasasabikan ng mga paslit.

b)

At higit ay ang pagpapasalamat sa Diyos sa araw na ito.

c)

Ang isang pagdiriwang na pinakahihintay ng halos karamihan ay ang kapaskuhan.

d)

Ang lahat ng tao ay abala sa paghahanda sa araw na ito.

e)

Ang pagpunta at pagbibigay-galang nila sa kanilang ninong at ninang ay kinakikiligan din

8.

Nagsulat ng "Usok at Salamin: Ang Tagapaglingkod at ang Pinaglilingkuran."

a)

Pat V. Villafuerte

b)

Manny Ledesma

c)

Gordon Fillman

d)

Magdalena O. Jocson

9.

Ito ay elemento ng sanaysay na pinakapayak na antas ng mga pinag- uusapan at ito rin ang sentro ng ideya ng buong akda.

(a)  

10.

Tawag sa namumuno sa bansang Israel.

(a)  

11.

Kabisera ng bansang Israel.

(a)  

12.

Ang sumulat ng "Tilamsik ng Sining... Kapayapaan".

a)

Gordon Fillman

b)

Magdalena Cruz

c)

Pat Villafuerte

d)

Magdalena O. Jocson

13.

Kinatawan ng mga nakapag-aral na Israelitas.

a)

Perez

b)

Netanyahu

c)

Ashkenazim

d)

Paula Ben-Gurion

14.

Tawag para sa mga babaeng anak na taga-Israel na nasa edad na 12 o labindalawa.Ang mga batang ito ay responsable na sa kani-kanilang mga tungkulin.

a)

Bar Mitzvah

b)

Bat Mitzvah

15.

Ano ang ibig sabihin sa teksto na "Banal na Araw noon sa Herusalem?"

a)

Mahal na Araw

b)

Araw ng Pangingilin

c)

Araw ng mga Santo

d)

Pasko

16.

Ang likas na kahulugan o (a)   ng salita ay ang pag-aaral ng kasaysayan ng mga salita at ang pagbabago ng kahulugan at anyo nito.

17.

Lahat ng pamaksang pangungusap ay makikita lagi sa unang pangungusap.

a)

Tama

b)

Mali

18.

Ayon kay ______, “Ang Sining ay isang panggagagad” na ang ibig sabihin ay tuklasin ang bumabalot na ganda sa isang likha ng tao.

a)

Lord Lim

b)

Lord Macaulay

c)

Lord Michael

d)

Lord Walley

19.

Ang Israel ay bayang hinirang.

a)

Bayani

b)

Inilagay

c)

Itinalaga

d)

Mandirigma

20.

Isang uri ng sulatin na nagpapahayag ng pananaw o opinyon ng nagsulat nito.

(a)