NEW
Font size
WorksheetsESP 2 FINAL EXAM
Total questions: 25
Worksheet time: 6hrs 15mins
1. Isang umaga, naghihintay ka ng dyip sa may kanto patungo sa paaralan. May nakasabay kang isang batang pilay na naghihintay din ng sasakyan. Ano ang gagawin mo?
A. Uunahan ko siyang sumakay sa dyip.
B. Titignan ko siya kung paano siya sumakay.
C. Aalalayan ko siya sa kaniyang pagsakay.
2. Kararating mo lang sa inyong bahay galing sa paaralan. Gutom na gutom ka dahil hindi ka nagmiryenda. Nakita mong handa na ang hapag-kainan para sa hapunan. Ano ang gagawin mo?
A. Uupo ka at kakain agad
B. Hihintayin kong makumpleto kami bago kumain.
C. titikman ko ang pagkain habang hinihintay ang iba.
3. Kung gabi, matapos mong gawin ang iyong takdang-aralin, nakaramdam ka ng antok. Ano ang gagawin mo?
A. Aalisin ko ang aking gamit sa study table at doon muna ako matutulog.
B. Pupunta ako sa sala at doon muna ako matutulog.
C. Pupunta ako sa kuwarto at magdarasal muna bago matulog.
4. Isang umaga, may pumuntang mga pinuno ng barangay sa inyong paaralan upang humingi ng tulong sa mga nasalanta ng bagyo. Ano ang gagawin mo?
A. Hindi ako magbibigay dahil ayaw kong mabawasan ang baon ko
B. Magbibigay ako ng tulong na bukal sa aking puso
C. Manghihingi ako ng barya sa aking kaklase upang hindi mabawasan ang pera ko.
5. Nakalimutan ng iyong kapatid na pakainin ang kaniyang alagang isda sa aquarium. Ano ang gagawin mo?
A. pakakainin ko dahil baka mamatay ang kaniyang mga alaga.
B. hihintayin ko na lang ang kapatid ko upang siya ang magpakain sa kaniyang alaga.
C. Paglalaruan ko muna ang isda bago ko pakainin.
6. Upang maipamalas ang aking kakayahan, ____________ako sa mga aktibidad sa aming paaralan.
A. tumatanggi
B. sumasali
C. umaalis
7. Mahusay ako sa pagsayaw kaya ito ay aking __________________.
A. ipinapakita
B. itinatago
C. ikinahihiya
8. Inanyayahan ako ng aking guro upang umawit sa paaralan, ito ay aking _____________.
A. tinanggap
B. tinanggihan
C. iniwasan
9. Binigyan ako ng Diyos ng mga kakayahan kung kaya ito ay aking _______________.
A. ikinatatakot
B. ikinahihiya
C. ipinagpapasalamat
10. Alin sa sumusunod ang wastong pagpapasalamat sa mga pagpapalang natatanggap mula sa Diyos?
A. maging mapagmataas
B. maging mayabang
C. maging mapagpasalamat
11. Ano ang masamang dulot ng pagkainggit? Ito ba ay nakalulugod sa Diyos?
A. ikaw ay mapapabuti dahil sa inggit kaya malulugod sa iyo ang Diyos.
B. ikaw ay makakasakit ng kapuwa at ito ay hindi nakalulugod sa Diyos
C. ikaw ay matutuwa sa kapuwa kapag ikaw ay naiinggit kaya matutuwa din sa iyo ang Diyos
12. Ano ang kakayahang ipinagkaloob ng Diyos kay Jose?
A. kakayahang alamin ang kinabukasan
B. kakayahang alamin ang kahulugan ng panaginip
C. kakayahang alamin ang buhay ng isang tao
13. Sino ang nagbibigay ng magandang kahulugan ng panaginip ayon kay Jose?
A. Ang Diyos
B. Ang kaniyang sarili
C. Ang manghuhula
14. Ano ang ibig sabihin ng panaginip ng hari na “ Pitong malulusog na baka at butil”?
A. pitong taong kasaganahan
B. pitong linggong tataba ang alagang hayop
C. pitong araw na tataba ang tao
15. Ano ang ibig sabihin ng panaginip ng hari na “ Pitong mapapayat na baka at butil”?
A. pitong taong taggutom
B. pitong linggong papayat ang alagang hayop
C. pitong araw na papayat ang tao
16. Sino sa mga kapatid ni Jose ang nais niyang makita nang siya ay naging tagapamahala na sa Egipto?
A. Si Benjamin
B. Si Juda
C. Si Ruben
17. Bakit ayaw pasamahin ni Jacob si Benjamin sa Egipto?
A. natatakot si Benjamin kay Jose
B. natatakot si Jacob na baka mawala rin si Benjamin katulad ng nangyari kay Jose
C. mahina ang katawan ni Benjamin sa paglalakbay
18. Ano ang naramdaman ni Jose nang makita si Benjamin?
A. nagalit
B. natakot
C. nasabik
19. Anong kagamitan sa Egipto ang nawala at nakita sa sako ni Benjamin?
A. Ang Kopa
B. Ang Korona
C. Ang trono
20. Sino ang naglagay ng pera at kopa sa sako ng magkakapatid?
A. Ang alipin
B. Ang Hari
C. Si Jose
21. Bakit nais ni Jose na pabalikin sa Egipto ang kaniyang pamilya matapos niyang magpakilala sa mga ito?
A. nais niyang alagaan ang kaniyang pamilya
B. nais niyang ipapatay ang kaniyang mga kapatid
C. nais niyang gawing alipin ang kaniyang mga kapatid
22. Sa anong lugar ititira ni Jose ang kaniyang pamilya?
A. Sa Canaan
B. Sa Ilog
C. Sa Goshen
23. Ano ang aral ng pagkakasundo ni Jose at ng kaniyang mga kapatid?
A. dapat kang magtanim ng galit sa iyong kapatid
B. magpatawad nang buong puso sa iyong kapatid
C. itakwil ang kapatid kung may nagawang kasalanan
24. Bakit hindi nagtanim ng galit si Jose sa kaniyang mga kapatid?
A. dahil likas siyang mabait kaya hindi siya nagtatanim ng galit
B. dahil alam niyang kalooban ng Diyos ang maipagbili siya sa Egipto at doon ay makatulong sa tao
C. dahil bawal siyang magalit
25. Ano ang nais ipakahulugan ng pagiging mabuti ni Jose sa kaniyang mga kapatid sa kabila ng mga ginawa ng mga ito sa kaniya?
A. nalalaman niyang kinasangkapan ng Diyos ang kaniyang mga kapatid upang siya ay mapahamak
B. nalalaman niyang kinasangkapan ng Diyos ang kaniyang mga kapatid upang siya ay maging hari
C. nalalaman niyang kinasangkapan ng Diyos ang kaniyang mga kapatid upang matupad ang magandang layunin ng Diyos sa kaniyang buhay.
