NEW
Font size
WorksheetsESP Q3W2D5
Total questions: 10
Worksheet time: 20mins
Alin sa mga sumusunod ang isang mabuting kaugalian ng mga Pilipino na dapat isabuhay at pahalagahan.
A. Pagsunod sa tagubilin
B. Pagsabat sa usapan ng iba
C. Pagdabog kapag inutusan
D. Paglabag sa mga tuntunin
Ano ang dapat mong gawin sa mga bilin ng mga magulang mo?
A. Iwasan
B. sundin
C. talikuran
D. ipagpaliban
Bakit kailangan nating sundin ang mga tuntunin sa paaralan at tahanan?
A. Upang maging matagal matapos ang gawain
B. Upang maging maayos ang takbo o daloy ng gawain
C. Upang maging mabait ang lahat
D. Upang maging mahigpit ang mga namamahala
Ano ang mangyayari saiyo kapag hindi ka sumunod sa tagubilin ng mga nakakatanda?
A. Maaaring mapasama ang iyong buhay
B. Maaaring maging maayos ang iyong buhay
C. Magiging magaling ka paglaki
D. Magiging masayahin ka habang buhay
Ang sabi ng iyong ina, kailangang umuwi agad sa bahay pagkagaling sa paaralan. Nang araw na iyon, may mahalagang proyekto kayong gagawin. Ano ang dapat mong gawin?
A. Umuwi at magpaalam muna sa magulang
B. Sumama sa paggawa ng proyekto dahil saglit lang naman ito
C. Hindi na ako makikisali sa paggawa ng proyekto
D. Sasama ako dahil hindi naman niya malalaman
Nakita mong hindi nakapila ang iyong kaklase sa pagbili sa kantina. Ano ang gagawin mo?
A. Hayaan ko siyang mauna
B. Isusumbong ko sa aming guro
C. Pagsasabihan ko na dapat siyang pumila
D. Hihilahin ko siyang pumila sa likuran
Ang iyong kaibigan ay gumagamit ng radyo sa loob ng silid-aklatan. Ano ang dapat gawin?
A. Sasabayan ko siya
B. Makikinig ako sa kanyang radio
C. Mahinahon kong sabihin sa kanya na bawal ang ginagawa
D. Sisigaawan ko siyang huwag maingay
Alin ang nagpapakita ng pagsunod sa tuntunin sa paaralan?
A. Pinipitas ng isang mag-aaral ang bulaklak sa hardin ng paaralan.
B. Nagtapon ng tissue paper ang iyong kapatid sa toilet bowl ng palikuran.
C. Umaakyat ang isang bata sa bakod ng paaaralan upang makapasok.
D. Naglalakad ng tahimik sa pasilyo
Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng pakikiisa sa gawaing pangkalinisan?
A. Pagwawalis ng paligid isang beses sa isang linggo
B. Paglilinis ng paligid araw-araw
C. Pagtatapon ng basura sa likod-bahay
D. Pagsipa sa gilid nakitang kalat
Sa paanong paraan ka na makakatulong sa pagpapanatili ng kalinisan ng inyong tahanan?
A. Paglagay ng mga gamit sa tamang lagayan pagkatapos gamitin
B. Paggamit ng tsinelas panlabas sa loob ng bahay
C. Paglilinis ng bahay kung kailan mo gusto
D. Paghugas ng pinagkainan kapag wala kang gagamitin
