Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Q4: GRADE 9 - AP

Total questions: 30

Worksheet time: 15mins

Name
Class
Date
1.

Tumutukoy sa dami ng produkto o serbisyo na handa at kayang ipagbili sa iba't-ibang presyo sa isang takdang panahon.

a)

Demand

b)

Suplay

c)

Elastisidad

2.

Aling pangkat ng tao ang kumakatawan sa suplay?

a)

Mamimili

b)

Prodyuser

c)

Retailer

3.

Ano ang grapikong paglalarawan ng kaugnayan ng presyo sa dami ng suplay ng isang produkto o serbisyo?

a)

Price Index

b)

Kurba ng Suplay

c)

Batas ng Suplay

4.

Alin sa mga sumusunod ang di-presyong salik ang nakapagbabago ng suplay sa pinakamabilis na panahon?

a)

espekulasyon ng mamimili

b)

pagbabago ng teknolohiya

c)

pagbabago sa salik ng produksyon

5.

Alin sa mga sumusunod ang naaayon sa batas ng suplay?

a)

Kapag mataas ang presyo ng bilihin, kaunti ang suplay.

b)

Mas marami ang produktong handang ipagbili kapag mataas ang presyo.

c)

Habang tumataas ang presyo, tumataas din naman ang suplay ng mga konsyumer

6.

Saan pinoproseso ang mga produkto upang maipagbili ng mga negosyante?

a)

bahay-kalakal

b)

tindahan

c)

bodega

7.

Kung ikaw ay isang negosyante, alin ang magiging batayan mo para magtakda ng presyo ng mga produktong handa mong ipagbili sa pamilihan?

a)

Panahon

b)

lokasyon ng pamilihan

c)

gastos sa produksyon

8.

Paano nakaaapekto ang mga sakuna tulad ng bagyo at baha sa suplay ng pagkain ng mga Pilipino?

a)

Bumababa ang presyo ng mga produktong naaani

b)

Nagtataas ng presyo ang mga bilihin dahil sa nalubog sa baha

c)

Marami ang nasisirang produkto sa mga pagawaan at bodega

9.

Bago dumating ang isang malakas na bagyo, paano mo matitiyak na may sapat na suplay ng pagkain sa bahay niyo?

a)

Pagbili ng mas maraming stock ng pagkain

b)

Pangungutang sa kapitbahay na may sari-sari store

c)

Pagtatanim ng gulay para may aanihin pagkatapos ng bagyo

10.

Bakit kinakailangan ang matalinong pagpapasya sa pagdaragdag ng suplay sa pamilihan?

a)

Makaiiwas sa pagkalugi ang mga prodyuser.

b)

Marami ang makabibili sa abot-kayang presyo.

c)

Magiging sikat ang tindahan ng produktong may dagdag na suplay

11.

Ito ay ginagamit upang masukat ang magiging pagtugon ng quantity supplied ng mga prodyuser sa tuwing may pagbabago sa presyo.

a)

Elastisidad ng Suplay

b)

Demand

c)

Kurba ng Suplay

12.

Presyo lamang ang nagdidikta sa pagbabago ng dami ng suplay.

a)

Batas ng Suplay

b)

Batas ng Demand

c)

Ceteris Paribus

13.

TAMA O MALI. Pangunahing layunin ng prodyuser ay kumita.

a)

TAMA

b)

MALI

14.

Elastisidad ng suplay kung saan mas malaki ang pagbabago sa quantity supply kaysa presyo.

a)

Elastic na Suplay

b)

Inelastic na Suplay

c)

Unitary na Elastisidad

15.

Isang talaan na nagpapakita ng relasyon ng quantity supply at presyo.

a)

Iskedyul ng Suplay

b)

Kurba ng Suplay

c)

Gamit ng Suplay

16.

TAMA O MALI. Napapabilis ng makabagong teknolohiya ang produksyon ng iba't-ibang produkto.

a)

TAMA

b)

MALI

17.

Ang mga negosyante o _________________ at nagbibili ang kumakatawan sa suplay.

a)

Prodyuser

b)

Gastos

c)

Konsumer

18.

TAMA O MALI. Ang mga produktong mabilis malikha ay mga halimbawa ng Inelastic na Suplay.

a)

TAMA

b)

MALI

19.

Matematikong pagpapakita ng ugnayan ng quantity supply at presyo.

a)

Iskedyul ng Suplay

b)

Kurba ng Suplay

c)

Gamit ng Suplay

20.

TAMA O MALI. Maaaring maapektuhan ang suplay kapag hindi nakarating sa tamang oras ang mga produkto.

a)

TAMA

b)

MALI

21.

Ang suplay ay tumutukoy sa dami ng produktong handang ipagbili sa _________________ presyo sa isang takdang panahon.

a)

magkakaibang

b)

magkakaparehong

c)

magkakabuklod

22.

Ito ay ang pagpapakita ng mas maliit na pagbabago sa quantity supply kaysa presyo.

a)

Demand

b)

Inelastic na Suplay

c)

Kurba ng Suplay

23.

Ano ang tamang formula sa pagkuha ng gamit ng suplay.

a)

Qs = f(p)

b)

Qs = c + bP

c)

Qs = c/b (P)

24.

Porsyentong idinadagdag ng pamahalaan sa bawat produkto.

a)

Buwis

b)

Presyo

c)

Tubo

25.

Ang batas ng suplay ay nagsasaad na kapag ang presyo ay mataas, ang presyo ng produktong handang ipagbili ay _____________ din.

a)

tumataas

b)

bumababa

c)

walang pagbabago

26.

TAMA O MALI. Ang mga produkto o serbisyo na nangangailangan ng mahabang panahon upang malikha ay nasa ilalim ng Unitary na Elastisidad.

a)

TAMA

b)

MALI

27.

Ang halimbawa nito ay ang pagkakaroon ng sale sa mga mall.

a)

Inaasahang pagbabago sa hinaharap

b)

Trasnportasyon

c)

Presyo ng Related Goods

28.

Kapag mababa ang presyo, ang bilang ng produktong handang ipagbili ay __________ rin.

a)

Mataas

b)

Mababa

c)

Walang pagbabago

29.

Ito ay nagpapakita ng pantay na pagbabago sa pagitan ng quantity supply at presyo.

a)

Unitary na Elastisidad ng Suplay

b)

Elastic na Suplay

c)

Inelastic na Suplay

30.

Ang ________________ ang batayan sa pagtatakda ng presyo ng isang produktong hangdang ipagbili.

a)

gastos

b)

timbang

c)

presyo