WorksheetsQ3. M3. SUBUKIN
Total questions: 20
Worksheet time: 11mins
1. Naipakikita ang paggalang sa pamamagitan ng ___________.
pakikibahagi sa mga gawaing nakasanayan
pakikipag-ugnayan sa mga taong nakakahalubilo.
pagbibigay ng halaga sa isang tao.
pagkilala sa halaga ng mga taong naging bahagi ng buhay.
Ano ang ipinahihiwatig ng pahayag na, “Ang pagsunod ay pagkilos sa pagitan ng katwiran at ng kakayahang magpasakop?”
Ang marapat na pagsunod ay naipapakita sa pamamagitan ng pagpapasakop.
Kailangang sumunod at magpasakop dahil ito ang makatwiran at nararapat.
Maipakikita sa pamamagitan ng pagsusuko ng sarili ang marapat na pagsunod sa mga ipinag-uutos.
May pagkakataon na kailangang sumunod at magpasakop at may pagkakataong di kailangang magpasakop at sumunod.
Gaano kahalaga ang pagkakaroon ng nakasanayang gawi o ritwal sa pamilya?
Napagtitibay nito ang presensiya ng pamilya
Naipagpapatuloy nito ang tradisyon ng pamilya
Nabubuklod nito ang mga henerasyon
Naiingatan nito ang pamilya laban sa panganib.
Paano mo mas higit na maipakikita ang paggalang sa mga taong may awtoridad?
Unawain na hindi lahat ng pagpapasiya at mga bagay na dapat sundin ay magiging kaaya-aya para sa iyo.
Ipaglaban ang iyong karapatan lalo na kapag ikaw ay nasa katwiran
Ipahayag ang iyong pananaw upang maiwasto ang kanilang mga pagkakamali.
Suportahan ang kanilang mga proyekto at programa
Natututuhan ng isang bata ang pagsunod at paggalang sa pamamagitan ng sumusunod, maliban sa
pagmamasid sa mga taong nasa paligid kung paano maging magalang at masunurin.
pagsangguni sa mga taong kapalagayan niya ng loob at nakauunawa sa kaniya
pakikinig at pagsasabuhay ng itinuturong aral ng mga magulang tungkol sa paggalang at pagsunod
pagkakaroon ng disiplina at pagwawasto ng mga magulang at nakatatanda.
Kung pagkatapos ng edad na tatlo hanggang apat, nagsisimula nang mahubog ang kilos-loob ng isang bata, ang bata ay __________:
madaling makasusunod sa mga ipinag-uutos ng kaniyang mga magulang
nagkakaroon ng pagkilala sa kahalagahan ng pagsunod sa kaniyang buhay
nagkakaroon ng pag-unawa sa kahalagahan ng mga tuntuning itinatakda.
kumikilos ayon sa mga ipinatutupad na utos ng kaniyang magulang
Hinahangaan ni Jay si Danny sa taglay niyang kagalingan sa pamumuno. Nang si Danny ang naging lider ng kanilang grupo, lahat ng sabihin ni Danny ay kaniyang sinusunod at ginagawa nang walang pagtutol, kahit pa minsan ay napapabayaan na niya ang kaniyang sariling pangangailangan. Ang kilos ni Jay ay nagpapakita ng ____________:
katarungan
kasipagan
pagpapasakop
pagsunod
Nag-iisang itinataguyod ni Aling Fely ang kaniyang tatlong anak. Maliliit pa lamang ang kanilang mga anak nang siya ay naging biyuda. Panatag siya dahil alam niyang napalaki niya ang mga ito nang maayos. Subalit may pagkakataon na nangangamba siya dahil sa mga teenager na sila. Mas mapatatatag nila ang kanilang samahan sa pamamagitan ng ________:
sama-samang pagkain tuwing hapunan at pamamasyal isang beses isang linggo.
pagkukumustahan kapag nagkakasama-sama o gamit ang cellphone / email kung nasa malayong lugar.
pagkakaroon ng mga alituntuning dapat sundin sa tahanan, tulad ng pag-uwi nang maaga.
pagkakaroon ng bukas na komunikasyon at malalim na pag-unawa sa kalagayan ng bawat isa.
Kilala ang pamilya nina Vangie sa pagbibigay ng halaga sa edukasyon. Kahit na ang kanilang mga magulang ay hindi nakatapos ng pag-aaral, sinisikap nila na maitaguyod silang apat na magkakapatid. Ngunit siya ay kinakikitaan ng ibang mga kasapi ng pamilya nang kawalan ng pagpapahalaga sa pag-aaral ayon sa isinasaad ng mga marka nito sa iba’t ibang asignatura. At kapag pinapaalalahanan siya ng kaniyang magulang, hindi nagiging maganda ang reaksyon ni Vangie. Ano ang nararapat na gawin ng mga kasapi ng pamilya sa ganitong sitwasyon?
Ipaunawa kay Vangie ang kahalagahan ng edukasyon sa bawat pagkakataon. Huwag magsawa.
Kausapin si Vangie at bigyan ng inspirasyon upang mapataas ang kaniyang marka. Nasa lahi nila ang pagiging magaling, kailangan lang ng pagpapaalala.
Siyasatin ang mga dahilan kung bakit mababa ang mga marka ni Vangie. Kumilos nang ayon sa mga natuklasang dahilan.
Isaalang-alang ang kakanyahan at pagiging bukod-tangi ni Vangie. Tanggapin siya kung ano siya nang walang pagtatangi.
Maraming balita tungkol sa mga taong may awtoridad ang kinakitaan mo ng mga gawaing taliwas sa dapat nilang gampanan. Maraming kabataang tulad mo ang nagkaroon ng pag-aalinlangan kung sila ay magpapakita pa ng paggalang at pagsunod. Ano ang pinakamabuting maipapayo mo sa kanila?
Alamin ang mga batas na nararapat sundin at mga karapatang dapat ipaglaban. Gawin kung ano ang inaasahan sa iyo ng iyong kapwa.
Mahirap kumilos nang may pag-aalinlangan. Sumangguni sa ibang may awtoridad na nabubuhay nang mabuti at kumilos ayon sa iyong kilos-loob.
Unawain at patawarin ang mga taong may awtoridad na nakagawa ng pagkakamali, lalo na kung hindi naman ikaw ang naapektuhan.
Ipagbigay-alam agad sa kinauukulan ang nasasaksihang paglabag sa batas. Hindi makatarungan na ang nagpapatupad sa batas ay siyang lumalabag dito.
Gumagamit ako ng “po at opo” sa pakikipag-usap sa aking magulang, nakatatanda at may awtoridad.
sang-ayon
hindi sang-ayon
Iginagalang ko ang lahat ng namumuno at tauhan sa aming paaralan.
sang-ayon
hindi sang-ayon
Sumusunod ako sa mga alituntunin at patakaran ng aking mga guro at magulang.
sang-ayon
hindi sang-ayon
Ang pagpapakita ng paggalang ay pagsasagawa ng birtud ng katarungan at pagmamahal
sang-ayon
hindi sang-ayon
Ang hindi pagsunod sa magulang at awtoridad ay maaaring magbunga ng kapahamakan.
sang-ayon
hindi sang-ayon
Maipapakita ang pagsunod sa mga awtoridad sa pamamagitan ng pagsuporta sa kanilang proyekto o programa.
sang-ayon
hindi sang-ayon
Ang paggalang sa mga nakatatanda ay isang magandang kaugalian nating mga Pilipino.
sang-ayon
hindi sang-ayon
Isinasaalang-alang ang damdamin ng mga nakatatanda sa pamamagitan ng maayos na pakikipag-usap at pagkilos
sang-ayon
hindi sang-ayon
Nararapat na magpakita ng paggalang sa kahit na sinong tao anuman ang katayuan nito sa buhay
sang-ayon
hindi sang-ayon
Mahalaga sa isang tao ang paggalang at pagsunod sa magulang, nakatatanda at may awtoridad.
sang-ayon
hindi sang-ayon
