wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

PAGTATAYA #2

Total questions: 10

Worksheet time: 3mins

Name
Class
Date
1.

1. Ang birtud ng pasasalamat ay gawain ng ________ ?

a)

A. Kalooban

b)

B. Isip

c)

C. Damdamin

d)

D. Konsensiya

2.

2. Alin ang HINDI kasama sa 3 antas ng pasasalamat ayon kay Sto Tomas De Aquino?

a)

A. Pagkilala sa kabutihang ginawa ng kapwa

b)

B. Pagpapasalamat

c)

C. Paggawa ng kabutihan sa ibang tao dahil naghihintay ng kapalit

d)

D. Pagpapakita ng pagpapahalaga sa kapwa sa abot ng makakaya

3.

3. Ang mga sumusunod ay gawain ng pasasalamat sa loob ng tahanan, MALIBAN sa:

a)

A. Pagsasabi ng pasasalamat sa hinandang ulam ng magulang

b)

B. Pagtulong sa mga simpleng gawain sa bahay

c)

C. Paghinto sa pag-aaral upang magtrabaho at makatulong sa pamilya sa kabila nang may pantustos ang mga magulang

d)

D. Pag-alala sa kaarawan sa taong tumulong sa iyo upang maipakita ang pagpapahalaga at pagmamahal sa kanya

4.

4. Ano ang tamang pagpapakita ng pagmamahal?

a)

A. Paggawa ng kabutihan sa kapwa kahit naghihintay ng kapalit

b)

B. Pagkilala sa kabutihang ginawa ng kapwa at pagsasabi ng pasasalamat

c)

C. Pagpapahalaga sa kabutihang ginawa ng kapwa kahit alam mong ginagawa lang niya ang trabaho nito

d)

D. Pagsasabi ng pasasalamat ngunit salat sa gawa

5.

5. Alin ang tanda ng taong may pasasalamat?

a)

A. Si Maria ay kuntento na sa kanyang buhay kahit simple lamang dahil alam niyang pahalagahan ang mabubuting natatanggap mula sa iba at sa Diyos

b)

B. Sa kabila ng pagpapalang natatanggap ni Rey, marunong pa din siyang tumingin sa kaniyang pinanggalingan

c)

C. Nag-aaral ng mabuti si Rey upang marating niya ang kanyang mga pangarap

d)

D. Laging nagpapasalamat si Janet sa mga taong tumutulong sa kanya kahit hindi bukal sa kaniyang kalooban

6.

Ano ang entitlement mentality?

a)

A. Ito ay paggawad ng titulo o parangal sa isang tao

b)

B. Ito ay isang pag-iisip o paniniwala na anumang inaasam mo ay karapatan mo na dapat bigyan ng dagliang pansin

c)

C. Ito ay ang pagbibigay ng serbisyo sa mga pangunahing pangangailangan ng tao

d)

D. Ito ay ang pag-aabuso ng mamamayan sa kakayahan ng pamahalaan na tustusan ang kanilang pangangailangan na hindi bukal sa kanilang kalooban

7.

7. Ano ang halimbawa ng entitlement mentality?

a)

A. Hindi pagbabayad ng mamamayan sa buwis kung hindi nakukuha ang sapat na serbisyo

b)

B. ang hindi pagbibigay ng pasasalamat ng mga anak sa kanilang mga magulang

c)

C. Ang pagiging abusado sa kapwa sa paghingi ng tulong

d)

D. Ang kawalan ng utang na loob sa mga taong tumutulong

8.

8. Alin sa mga sumusunod ang HINDI magandang dulot ng pasasalamat sa kalusugan?

a)

A. Nagiging mas pokus ang kaisipan at may mababang pagkakataon sa magkaroon ng depresyon

b)

B. Naghihikayat upang maging maayos ang sistema ng katawan sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mas malusog na presyun ng dugo at pulse rate

c)

C. Nakapanghihina ng katawan dahil laging nag-iisp kung paano magpasalamat

d)

D. Nakapagdadagdag ng likas na antibodies na responsable sa pagsugpo sa mga bacteria sa katawan

9.

9. Ang mga sumusunod ay mga pakinabang na dulot ng pasasalamat, maliban sa:

a)

A. Pagkakaroon ng kagalakan dahil sa kinikilala mo ang mga kabutihang kaloob ng kapwa

b)

B. Gumagaan ang pakiramdam sa kabila ng pagsubok dahil nagiging positibo ka sa pananaw sa buhay

c)

C. Pagkakaroon ng maraming kaibigan dahil ipinapakita mo ang pasasalamat sa kanila

d)

D. Pagiging maingat sa mga materyal na pagpapala buhat sa ibang tao

10.

10. Ang sumusunod ay pagpapakita ng kawalan ng pasasalamat, MALIBAN sa:

a)

A. Kawalan ng panahon o kakayahan upang matumbasan ang tulong na natangap sa abot ng makakaya

b)

B. Pagpapasalamat nang hindi bukal sa kalooban

c)

C. Hindi pagkilala o pagbibigay-halaga sa taong gumawa ng kabutihan

d)

D. Paghingi ng suporta sa mga magulang sa mga pangunahing pangangailangan dahil menor de edad