wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

FILIPINO 8- FLORANTE AT LAURA

Total questions: 15

Worksheet time: 9mins

Name
Class
Date
1.

Sagot ni Florante, “Huwag ding maparis

ang gererong bantog sa palad kong amis;

at sa kaaway ma’y di ko ninanais

ang laki ng dusang aking napagsapit.


Ano ang damdaming nangingibabaw sa saknong?

a)

pagmamalasakit sa kapwa

b)

pagkamuhi sa sarili

c)

matinding takot

d)

kagustuhang makapaghiganti

2.

Dito’y napangiti ang Morong kausap,

sa nagsasalira’y tumugong banayad;

aniya’y bihitang balita’y magtapat,

kung magtotoo ma’y marami ang dagdag


Ano ang damdaming nangingibabaw sa saknong?

a)

pagkabilib sa sarili

b)

pagkagulat

c)

pagtatampo

d)

pagiging mapagkumbaba

3.

Ito ay hamak pa bagang sumasala

Ng karupukan mo at gawing masama?

Kung ano ang taas ng pagkadakila,

Siya ring lagapak naman kung marapa.


Ano ang damdaming nangingibabaw sa saknong?

a)

pagpapakumbaba

b)

pagtitiis

c)

pagsisisi

d)

pagkainis

4.

Sapagkat ang mundo’y bayan ng hinagpis

Mamamaya’y sukat tibayin ang dibdib

Lumaki sa tuwa’y walang pagtitiiis

Anong ilalaban sa dahas ng sakit?


Ano ang damdaming nangingibabaw sa saknong?

a)

pagtitiis

b)

pagkamaparaan

c)

pagiging maagap

d)

pagdadamot

5.

Tanggapin mo nawa kahit walang lasap

Nagbuhat sa puso ng lingkod na tapat.


Ano ang damdaming nangingibabaw sa taludtod?

a)

pagsusumamo

b)

pagtampo

c)

pag-aalay

d)

pagdadamot

6.

Dinala sa reynong ipinagdiriwang

sampu ni Aladi't ni Fleridang hirang,

kapuwa tumanggap na mangabinyagan;

magkakasing sinta'y naraos nakasal.


Alin sa mga sumusunod ang nagpapaliwanag sa saknong?

a)

Ang pagbibinyag kina Aladin at Flerida ay isang malaking pagkakamali.

b)

Kinasal si Flerida at Aladin sa kanilang bayan.

c)

Hindi maari na magpalit tayo ng mga relihiyon katulad nina Aladin at Flerida.

d)

Malayang makakapili ang sinuman ng kanyang relihiyon at ng taong pakakasalan

7.

"Saan kalangitan napaakyat kaya

ang aking Florante sa tinamong tuwa;

ngayong tumititig sa ligayang mukha

ng kaniyang Laurang ninanasa-nasa?"


Alin sa mga sumusunod ang nagpapaliwanag sa saknong?

a)

Kabiguan ang naramdaman ni Florante nang makita niya si Laura.

b)

Inaalala ni Florante ang kagandahang anyo ni Laura.

c)

Lampas langit ang kasiyahan ni Florante nang makita si Laura.

d)

Nang makita ni Florante si Laura ay labis siyang nabighani sa kagandahan nito.

8.

"Nguni't sa puso ko'y matamis pang lubha

na tuloy nakitil ang hiningang aba,

huwag ang may buhay na nagugunita--

iba ang may kandong sa langit ko't tuwa.


Alin sa mga sumusunod ang nagpapaliwanag sa saknong?

a)

Ang mabuhay na kasama ang minamahal ay walang kapalit na kasiyahan.

b)

Mas mabuting mamatay na lamang kaysa mabuhay na alam mong ang minamahal ay kapiling na ng iba..

c)

Ang kabiguan ay hindi madaling ipaliwanag sa sobrang sakit.

d)

Ang pag-ibig ay masaya subalit ang kabiguan ay labis na kapighatian.

9.

Aniya'y "Sa madlang gyerang dinaanan,

di ako naghirap ng pakikilaban

para nang bakahin ang pusong matibay

ni Fleridang irog na tinatangisan.


Alin sa mga sumusunod ang nagpapaliwanag sa saknong?

a)

Ang pag-ibig ay komplikado kaya't magmahal ng matinong tao.

b)

Nakaranas ng maraming gyera subalit pagdating sa pag-ibig ay lubos na nahirapan.

c)

Pag-ibig ang kasagutan sa anumang gulo na kinahaharap.

d)

Ang pag-ibig sa bayan ay pagtangkilik sa sarili nating produkto.

10.

"Moro ako'y lubos na taong may dibdib

at nasasaklaw rin ng utos ng Langit

dini sa puso ko'y kusang natititik

natural na leing sa aba'y mahapis. "


Alin sa mga sumusunod ang nagpapaliwanag sa saknong?

a)

Ang pagtulong sa nangangailangan ay may kapalit na biyaya.

b)

Hindi hadlang sa pagbibigay ng tulong ang pagkakaiba ng relihiyon o paniniwala.

c)

Mamili ng taong tutulungan lalo na sa panlabas na kaanyuan.

d)

Magbigay ayon sa kakayahan at kumuha ayon sa pangangailangan.

11.

Bakit baga noong kami'y maghiwalay

Ay di pa nakitil yaring abang buhay?


Ano ang damdaming nangingibabaw sa taludtod?

a)

pagsisisi

b)

pagkasawi

c)

pagkalungkot

d)

pagkagalit

12.

Nasan si Selyang ligaya ng dibdib?

Ang suyuan nami'y bakit di lumawig?


Ano ang damdaming nangingibabaw sa taludtod?

a)

pagsisisi

b)

pagkasawi

c)

pagkagalit

d)

pagsusumigaw

13.

Ang kaluluwa ko'y kusang dumadalaw

Sa lansanga't nayong iyong niyapakan.


Ano ang damdaming nangibabaw sa taludtod?

a)

pag-alala

b)

pagkawalang-bahala

c)

pagkasuya

d)

pag-aalipusta

14.

Habang nakikipag-usap si Florante sa hari nagkakamali siya sa sinasabi kaya pakiramdam niya ay wala siyang kamadlikaan.


Ano ang kahulugan ng KAMADLIKAAN?

a)

katapatan

b)

kakampi

c)

pagkamaharlika

d)

halaga

15.

Hindi malaman ni Florante kung bakit nagkakalisya ang kanyang sinasabi nang nakisali si Laura sa kanilang usapan.


Ano ang kahulugan ng salitang NAGKAKALISYA?

a)

nawawala sa sarili

b)

nagkakamali

c)

tumatama

d)

natitigilan