wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

nasyonalismo

Total questions: 15

Worksheet time: 8mins

Name
Class
Date
1.

Anong bansa sa kanlurang Asya ang unang lumaya?

a)

Turkey

b)

Lebano

c)

Kuwait

d)

Israel

2.

Sino ang nangunang lider nasyonalista ng India na nagpakita ng mapayapang paraan sa paghingi ng kalayaan?

a)

Jawaharlal Nehru

b)

Mohandas Gandhi

c)

Mohamed Ali Jinnah

d)

Mustafa Kemal Ataturk

3.

Ang mga sumusunod ay manipestasyon ng damdaming nasyonalismo, MALIBAN SA?

a)

Pagtangkilik sa sariling produkto

b)

Kahandaang ibuwis ang buhay para sa bayan

c)

Pagtatrabaho sa ibang bansa

d)

Pagsunod sa batas

4.

Ano ang tawag sa tradisyong Hindu kung saan nagpapakamatay ang balong babae sa pamamagitan ng pagsama sa cremation o pagsunog sa labi ng asawang namatay?

a)

sati

b)

sanduguan

c)

tributo

d)

tarpan

5.

Ano ang pangunahing dahilan ng pagpapakita ng nasyonalismo ng mga bansa sa Timog at Kanlurang Asya?

a)

Upang yumaman

b)

Upang makamit ang kalayaan

c)

Upang makapaghiganti

d)

Upang sumikat

6.

Ang nasyonalismo ay tumutukoy sa pagsibol ng damdaming makabayan. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng bunga ng pagsibol ng nasyonalismo sa Asya?

a)

A. Maging magalang sa kapwa

b)

B. Maging matapang sa lahat ng oras

c)

C. Pigilin ang paglaganap ng imperyalismong Kanluranin

d)

D. Makipagkaibigan sa mga dayuhan

7.

Ang sumusunod ay pamamaraang isinagawa ni Mohandas Gandhi upang ipakita ang pagtutol sa patuloy na pananakop ng mga Ingles sa India maliban sa isa, ano ito?

a)

Pagboykot sa mga produkto at institusyong Ingles

b)

Marahas na pakikipaglaban

c)

Pagsiwalat ng katotohanan

d)

Pag-aayuno

8.

Alin sa sumusunod ang naging salik sa pag-usbong ng damdaming nasyonalismo sa Timog Asya?

a)

Pananakop ng mga Ottoman Muslim sa India

b)

Pagsang-ayon ng mga Hindu sa paglinang sa likas na yaman ng India

c)

Racial discrimination sa mga lahing Indian

d)

Hinayaan ng mga Ingles na ipagpatuloy ng mga Hindu ang kanilang tradisyon at paniniwala.

9.

Bakit hindi agad naipamalas ng mga taga Kanlurang Asya ang damdaming nasyonalismo?

a)

. Karamihan sa mga bansa ng Kanlurang Asya ay nasa ilalim ng pananakop ng Imperyong Ottoman

b)

Hindi naman nasakop ng mga Kanluranin ang Kanlurang Asya

c)

Walang pagkakaisa ang mga tao sa Kanlurang Asya

d)

Umiiral sa Kanlurang Asya ang sitemang mandato

10.

Kung si Muhammad Ali Jinnah ang kinilalang Ama ng Pakistan, sino naman ang kinilalang Ama ng Turko?

a)

Mohandas Gandhi

b)

Ibn Saud

c)

Jawaharlal Nehru

d)

Mustafa KemaL

11.

Anong pangyayari ang gumising sa damdaming nasyonalismo ng bansang India?

a)

Pagtatatag ng Republika ng Turkey

b)

Pagpapatupad ng Economic Embargo ng mga Ingles.

c)

Pagkakaroon ng diskriminasyon sa mga Indian.

d)

Pagkakapatay kay Mohandas Gandhi.

12.

Ano ang pinakamagandang ibinunga ng pagsusulong ng nasyonalismo sa Timog at Kanlurang Asya?

a)

Nagkaroon ng pagbabago sa mga bansa sa Timog at Kanlurang Asya

b)

Nakilala ang mga taong may pagmamahal sa bansa.

c)

Napalitan ang mga namumuno sa pamahalaan.

d)

Maraming bansa ang lumaya sa bahagi ng Timog at Kanlurang Asya.

13.

Si Mohandas Gandhi ay nagsulong ng mapayapang pamamaraan sa paghingi ng kalayaan sa pamahalaang Ingles. Ano ang mahihinuha mo sa ginawang ito ni Gandhi?

a)

Naniniwala si Gandhi na maaaring makamit ang kalayaan ng hindi gumagamit ng karahasan.

b)

Naniniwala si Gandhi na hindi kayang lumaban ng mga Indian sa mga Ingles.

c)

Mahina ang loob ni Gandhi sa pakikipaglaban

d)

Maraming mamatay na Indian kung makikipagdigmaan sila sa mga Ingles.

14.

Lagyan ng check ang DALAWANG anyo ng Nasyonalismo sa Asya

a)

Offensive Nationalism

b)

Defensive Nationalism

c)

Aggresive Nationalism

d)

Peaceful Nationalism

e)

Silent Nationalism

15.

Kinikilala siya ay nasyonalista na nais paghiwalayin ang Pakistan sa India

a)

Jawaharlal Nehru

b)

Mohandas Gandhi

c)

Mohammed Ali Jinnah

d)

Mustafa Kemal