Font size
WorksheetsCumulative Test Filipino 8
Total questions: 100
Worksheet time: 1hrs 15mins
Masasabing mga salitang eupemistiko, patayutay o idyomatiko na ginagamit upang maging maganda ang paraan ng pagpapahayag.
SAWIKAIN
BUGTONG
SALAWIKAIN
PALAISIPAN
Ang kilos , ugali, at gawi ng isang tao ay masasalamin sa karunungang-bayan na ito.
SALAWIKAIN
SAWIKAIN
PALAISIPAN
KASABIHAN
Isa sa kauna-unahang panitikan ng mga Pilipino bago pa dumating ang mga Español.
ALAMAT
SALAYSAY
BUGTONG
BALITA
Pinakamadulang bahagi kung saan maaaring makamtan ng pangunahing tauhan ang katuparan o kasawian ng kaniyang ipinaglalaban
WAKAS
KASUKDULAN
GITNA
WAKAS
Ang bahaging nagpapakita ng unti-unting pagbaba ng takbo ng kuwento mula sa maigting na pangyayari sa kasukdulan.
SIMULA
GITNA
KAKALASAN
KASUKDULAN
Panitikang nagpasalin-salin sa mga Pilipino na nagsisilbing gabay o panuntunan sa buhay ng mga tao.
kwentong bayan
epiko
karunungang bayan
alamat
Kuwento na ang mga tauhan ay mga nagsasalitang hayop.
alamat
parabula
pabula
epiko
Isang uri ng tulang pandamdamin na may lalabindalawahing pantig sa bawat taludtod. Isang halimbawa nito ay Florante at Laura.
korido
awit
soneto
elehiya
Isang uri ng tuluyang panitikan na mababasa sa isang upuan lamang
maikling kuwento
nobela
tula
sanaysay
Isang uri ng akdang tuluyan na nahahati ang mga pangyayari sa bawat kabanata.
maikling kuwento
nobela
talumpati
debate
Sang-ayon kay Alejandro G. Abadilla, ito ay nasusulat na talang naisulat na tungkol sa pinakamabuting karanasan ng tao.
panitikan
wika
kultura
kasaysayan
Programa sa telebisyong tumatalakay sa mga isyung panlipunan at may layuning magpabatid at magpamulat sa mga manonood.
variety show
dokumentaryong pantelebisyon
teleserye
pelikula
Isang uri ng babasahin na may layuning maglahad ng mga napapanahong balita at isyung panlipunan sa loob at labas ng bansa.
pahayagan
magasin
komiks
wattpad
Isag makulay na babasahin na may layuning manlibang na ang kadalasang paksa ay tungkol sa interes ng mga tao. Halimbawa nito ay Liwayway, Vogue, Chalk at iba pa.
komiks
pahayagan
magasin
wattpad
Ang mga sumusunod ay katangian ng maikling kwento maliban sa isa.
may isang kakintalan
may mahalagang tagpo
tumatalakay sa madulang pangyayari
maraming tauhan ang may mahalagang sulirain na kailangang lutasin
Akdang pampanitikan na ang pinakadiwa ay mga bagay na makasaysayan at sa pinagmulan ng mga bagay-bagay.
Alamat
Kwentong-Bayan
Awiting Bayan
Epiko
Ito ay nabubuo sa malayang pagsasama-sama ng mga salita sa pangungusap.
Sukat
Prosa
Patula
Talata
Uri ng akdang patula na naglalahad ng mahahalagang tagpo sa buhay tulad ng pag - ibig at pagkabigo.
nobela
dula
tulang pasalaysay
tulang pandamdamin
Ito ay masining na pagsasama-sama ng mga salita upang makabuo ng mga taludtod na karaniwang may sukat at tugma
patula
Korido
Awit
Awiting bayan
Ano ang ikinaiba ng dula sa ibang genre ng Panitikan?
Ito ay itinatanghal
Ito ay binibigkas ng maindayog
Ito ay masining na isinasalaysay
Ito ay mayaman sa supernatural na pangyayari
Huwag kang maging dayuhan sa sarili mong bayan. Ang salitang may salungguhit sa pangungusap ay may pagpapakahulugang ______________
denotatibo
lapad
konatatibo
tayutay
Ang simbahan ay naaawa at nahahabag kay Adong. Anong uri ng tayutay ang pangungusap?
pagmamalabis
pagtutulad
pagwawangis
personipikasyon
Bibisitahin natin si Lola sa Sabado dahil ipagdiriwang natin ang kanyang kaarawan. Anong uri ng pangatnig ang may salungguhit?
panapos
pananhi
panlinaw
pantuwang
Tumutukoy sa kalipunan ng mga mito mula sa isang pangkat ng tao sa isang lugar na naglalahad ng kasaysayan ng mga diyos-diyosan noong unang panahon
Kuwentong Bayan
Mitolohiya
Epiko
Alamat
Ang salitang mito/myth ay galing sa salitang Latin na mythos at mula sa Greek na muthos, na ang kahulugan ay ________.
kuwento
paniniwala
diyos-diyosan
pamahiin
Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa gamit ng mitolohiya?
Ipaliwanag ang pagkakalikha ng daigdig
Ipaliwanag ang puwersa ng kalikasan
Maipaliwanag ang kasaysayan
Maipakita ang gawaing panrelihiyon na Kristiyanismo
Ito'y mahabang salaysay na sumasaklaw sa sumusunod na mga sangkap: tauhan, lugar, balangkas at mga pangyayari. Alin sa mga sumusunod ang tinutukoy dito.
Talumpati
Pabula
Nobela
Balita
Isang akdang pampanitikan na ang layunin ay itanghal sa pamamagitan ng pananalita, kilos at galaw ang kaisipan ng may akda na kinapapalooban ng usapan ng mga tauhan.
Dula
Talumpati
Tula
Sanaysay
Ito ang pumalit sa karagatan. Labanan ito ng pagalingan sa pagbigkas at pagbibigay katwiran nang patula.
Balagtasan
Duplo
Karagatan
Talumpati
Ito ang panahon ng pag-aabentura sa mga bagong anyo at diwa ng panitikan at sa kaisipan demokratiko.
Panahon ng Katutubo
Panahon ng Hapon
Panahon ng Kastila
Panahon ng Amerikano
Alin sa mga bahagi ng mga Akdang Patula ang hindi wasto?
Karagatan, Duplo at Balagtasan
Komedya, Melodrama, Trahedya Parsa at Saynete
Awiting Bayan, Epiko, Soneto, Elehiya, Dalit at Pastoral
Tulang Patnigan- Karagatan, Duplo at Balagtasan
Taong aktibong gumagamit ng Internet at eksperto sa paggamit ng social network.
Blogger
Netizens
Jejemon
Netiquette
Ang mass media ay may malaking papel na ginagampanan sa pagpapalaganap ng mga impormasyon na kinakailangang maipaalam sa mga mamamayan.
(Piliin ang dalawang uri ng mass media).
Komiks
Radyo
Pelikula
Telebisyon
Musika’t balita ay napapakinggan na. Sa isang galaw lamang ng pihitan, may FM at AM pa!
Telebisyon
Radyo
Internet
Pelikula
Alin sa mga ito ang dalawang uri ng pahayagan?
Liwayway
Tabloid
Broadsheet
Pugad Baboy
Nais ng ina ni Julia na ipakasal siya kay Miguel na ipinanganak na may gintong kutsara.
denotasyon
konotasyon
Ang tinaguriang Ama ng Sarsuwelang Tagalog.
Severino Reyes
Juan Crisostomo Soto
Valente Cristobal
Ito ay isang dula mula sa Espanya na may kalakip na sayaw at tugtugin.
saynete
parsa
sarsuwela
komedya
Ito ang tawag sa pagtatanghal ng pangkat ni Darlo Cespedes sa Maynila.
Jugar con Swelo
Jugar con Feyo
Jugar con Delo
Jugar con Fuego
Siya ang nagbibigay ng interpretasyon sa iskrip, sa kasuotan ng mga artista, itsura ng tanghalan, at iba pa?
Artista
Eksena
Manonood
Direktor
Nakasulat sa Iskrip kung aawitin ang isang bahagi o bibigkasin ang isang diyalogo?
Iskrip
Tanghalan
Artista
Manonood
Nagpapakita ito ng isang pangyayari o tagpo sa isang lugar sa isang partikular na panahon?
Manonood
Iskrip
Eksena
Tanghalan
Sa dulang Walang Sugat ay nabanggit ni Julia ang dayalogong ito,
“Huwag ng silaban ang tunay mong pangalan. Hindi maghahandog sa lahi ni Satan. Ang panyong iyan ay para talaga sa iyo, sampu ng nagburdang si Juliang iniirog mo” sino ang pinatutungkulan niya sa salitang “iniirog mo”?
Teñong
Lucas
Tadeo
Miguel
Ito ang pormal na lugar na pagdarausan ng sarwela. Mahalaga ito sapagkat kinakailangan ng isang lugar na pagtitipunan ng mga manonood.
kamalig
parke
sakahan
tanghalan
7. Ang mga pamagat sa ibaba ay mga halimbawa ng Sarsuwela na itinanghal sa Pilipinas noong panahon ng mga amerikano, ano ang HINDI kabilang sa pangkat?
Dalagang Bukid
Tanikalang Ginto
Anak ng Katipunan
Le Miserable
Dulang puro katatawanan o slapstick.
komedya
parsa
melodrama
parodya
Bakit pinamagatang WALANG SUGAT ang akda ni SEVERINO REYES?
sapagkat sa kwento ay wala naman talagang sugat si Tenyong, isa sa pangunahing tauhan. Sinabi niya na wala siyang sugat at mamamatay na dahil sa kagustuhan niyang makasal kay Julia.
sapagkat ito ay kabaligtaran sa kanyang pangangatawan dahil siya ay makinis.
sapagkat hindi nasugat ang lahat ng tauhan sa sarsuwela.
sapagkat nais ipakita ni Severino Reyes na ang mga Pilipino noon ay hindi nasasaktan sa panahon ng mga dayuhan.
Ito ang pandiwa na naganap na, natapos na o nakalipas na. Ginagamitan ito ng mga panlaping na, nag, um, at in.
PERPEKTIBONG KATATAPOS
KONTEMPLATIBO
IMPERPEKTIBO
PERPEKTIBO
Ang pandiwa ay hindi pa nagaganap. Ito ay mangyayari pa lamang. Inuulit din ang ilang pantig at karaniwang ginagamitan ito ng mga panlaping ma at mag.
PERPEKTIBONG KATATAPOS
KONTEMPLATIBO
IMPERPEKTIBO
PERPEKTIBO
Ito ang pandiwa na kasalukuyang ginagawa, ginaganap o nangyayari. Dito ay inuulit ang ilang pantig ng salita at ginagamitan ng mga panlaping na, nag, um, at in.
PERPEKTIBONG KATATAPOS
KONTEMPLATIBO
IMPERPEKTIBO
PERPEKTIBO
Ang pandiwa naman na ito ay nagsasaad ng kilos na sandali lamang pagkatapos ito ginawa. Ito ay ginagamitan ng unlaping ka- at pag-uulit ng unang pantig ng salita.
PERPEKTIBONG KATATAPOS
KONTEMPLATIBO
IMPERPEKTIBO
PERPEKTIBO
1.Unang sarswela na itinanghal sa Maynila noong 1879 o1880 ng grupo ni Dario de Cespede.
Anak ng Dagat
Con Del Fuego Amore
Jugar con Fuego
Walang Sugat
2.Sarsuwelang pagtuligsa sa mga baluktot na gawain, tulad ng mataas na interes sa pautang.
Anak ng Dagat
Bunganga ng Pating
Paglipas ng Dilim
Walang Sugat
3. Ito ay sarswelang naglalahad ng isang kawili-wiling kwento ng pag-ibig.
Anak ng Dagat
Bunganga ng Pating
Paglipas ng Dilim
Walang Sugat
Sila ang nagdidikta mula sa mula sa concha (shell sa harap ng entablado.
apuntador
direktor
maestro del coro
tramoista
Siya may iskip at musika ng unang sarsuwela sa Waray na An Pagtabang ni San Miguel .
Mariano Byron
Dario De Cespedes
Norberto Romualdez
Severino Reyes
23.Siya ang nagpapakahulugan sa isang iskrip, nagpapasya sa itsura ng tagpuan, ng damit ng tauhan at maging ang pagbigkas ng tauhan ay nakadepende sa interpretasyon nit.
iskrip
aktor
direktor
manonood
Ang salitang pinakamasipag ay antas ng pang-uri na ______________.
Pasukdol
Lantay
Pahambing
Moderasyon
Ang salitang medyo masaya ay antas ng pang-uri na ______________.
Pasukdol
Lantay
Pahambing
Moderasyon
dulang may masayang sitwasyon na may masayang wakas sapagkat nagtagumpay sa kanyang layunin at mithiin ang pangunahing tauhan.
komedya
trahedya
sarswela
parsa
dulang may malungkot na wakas akung saan ay nagapi ng kalaban ang pangunahing tauhan. hindi nagtagumpay ang pangunahing tauhan na lutasin ang kanyang suliranin.
komedya
trahedya
parsa
saynete
ang dula ay manipestasyon ng isang artipisyal n representasyon ng buhay ng tao. Hinihingi ng dula sa manonood ang pagtanggap at pagsunod sa mga tuntunin ng palabas.
dramatikong kumbensyon
mensahe o kaisipan
kwento sa dula
Ang mass media ay may malaking papel na ginagampanan sa pagpapalaganap ng mga impormasyon na kinakailangang maipaalam sa mga mamamayan. alin ang halimbawa ng mass media?
Komiks
pahayagan
Pelikula
Telebisyon
Alin sa mga ito ang magasin na pangkababaihan (tungkol sa mga pinakamainit na isyu sa kalusugan at kagandahan) at pangkalalakihan (tungkol sa mga isyu ng kalusugan, pisikal, at mental)?
Men's Health at Cosmopolitan
Liwayway at FHM
Cosmopolitan at Vogue
Entrepreneur at Yes
Namayagpag ang komiks sa panahong ito kaya kinilala bilang Pambansang Babasahin ng mga Pilipino.
Dekada 70
Dekada 50
Dekada 60
Dekada 40
Basahing mabuti ang bawat pahayag. Pillin ang wastong sagot sa bawat bilang.
Isang sistemang magkakakabit na mga dokumento na makukuha sa internet.
e-learning
world wide web
multimedia
internet
Nais ni Andrew na malaman ang nangyari sa pagsabog sa Davao kahapon. Anong babasahin ang dapat niyang bilhin?
komiks
pahayagan
magasin
load
Siya ang lumikha ng karakter ni Kenkoy sa Tagalog Komiks.”Ama ng Industriya ng Komiks sa bansa.
Francisco Conching
Mars Ravelo
Alejandro Roces
Tony Velasquez
Ito ay layunin ng pag-iimprenta ng pahayagan
Ito ay upang magamit ng mga tao sa hinaharap
Ito ay upang ipagbili sa industriya
Ito ay upang itago sa mga tahanan
Ito ay upang basahin at ipagsawalang bahala
Tumutukoy sa mga impormasyong nakukuha sa internet sa pamamagitan ng iba-ibang kagamitang panteknolohiya. Ang mga halimbawa nito ay blog, wiki, online balita at iba pa.
new media
internet
social networking site
Ang Florante at Laura ay isang uri ng akdang pampanitikan na nasa genre ng awit. Sino ang may-akda nito?
Francisco Baltazar
Francisco Balderas
Francisco Balderama
Francisco Balteras
Ang babaeng nagbigay ng matinding kabiguan ni Francisco Baltazar?
Maria Asuncion Rivero
Maria Asuncion Rivara
Maria Asuncion Rivera
Maria Asuncion Riovera
Ang ama ay haligi ng tahanan, modelo sa pagiging isang matapang at matatag. Subalit ang ama ni Aladin ay hindi makikitaan ng ganoong katangian. Sino ang ama ni Aladin?
Sultan Ali-Abad
Sultan Ali-Badbad
Sultan Ali-Adab
Sultan Ali-Adub
Ang awit na isnulat ni Francisco Baltazar ay naisulat niya ito sa loob ng bilangguan, kanino niya ito iniaalay?
Juana Tiambeng
Maria Asuncion Rivera
Maria Clara Rivera
Maria Consolacion Rivera
Ano ang hiling ni Francisco sa babasa ng Florante at Laura
Huwag intindihin
Huwag baguhin
Huwag dustain
Huwag isalin
Bakit tinulungan ni Aladin si Florante kahit ito ay kaniyang kalaban?
Nasa utos ng kaniyang paniniwala
Nasa utos ng Sultan
Naawa ito sa kaniya
Natulungan siya dati ni Florante
Sino ang tunay na nagpabalik kay Florante mula sa kaniyang ikatlong digmaan?
Haring Linceo
Duke Briseo
Prinsesa Laura
Konde Adolfo
Ano ang naging dahilan para palayasin si Aladin sa Persya?
Pagpapabaya sa pagsakop sa Albanya
Pag-ibig kay Flerida
Pagtulong kay Florante
Pagtulong kay Laura
Ano ang nangyari kina Flerida at Aladin sa pagtatapos ng kuwento?
Naging Kristiyano at bumalik sa Persya
Naging Kristiyano at nanatili sa Albanya
Nagbalik sa Persya bilang Moro
Nagpunta sa ibang bayan para magsimula
"Tapat ang puso mo`y `di nagunam-gunam, na ang paglililo`y nasa kagandahan."
Alin ang pinakamalapit na kahulugan ng taludtod na ito?
Tapat si Laura kay Florante kaya hindi ito magtataksil.
Hindi akalain ni Florante na dahil maganda si Laura ay hindi ito magtataksil
Sinong tauhan ang ginampanan ni Florante sa trahedya na kanilang itinanghal?
Polinice
Yocasta
Euridice
Eteocles
Siya ang naghahanda at nag-aayos ng mga kagamitang pandigma ni Florante.
Flerida
Laura
Duke Briseo
Antenor
Sinakop niya ang kaharian ng Beranya at ipinakain niya si Florante sa mga mababangis na hayop sa kagubatan.
Menandro
Menalipo
Osman
Adolfo
Anong mensahe ang nais iparating ng ginawang kataksilan ng ama ni Aladin sa kanya at ang pagrespeto parin ni Aladin sa kanyang ama sa kabila ng lahat?Piliin ang pinakawastong sagot.
Ang mga magulang natin ay dapat na pamarisan.
Ang magulang natin ay dapat irespeto dahil sila ay nakatatanda.
Ang magulang natin ay dapat irespeto may nagawa man silang mali.
Ang magulang natin ay hindi perpekto, may mga pagkakamali sila gayunpaman kailangang hindi mawala ang pagrespeto sa kanila.
Bakit galit si Konde Adolfo sa ama ng nakagapos?
dahil siya ay hari
dahil siya ay ama ng kalabang mortal niya
dahil sa magaling itong mamuno
dahil sa pera
Ano ang ginawa ng ama ng gererong moro sa kanya ?
Tinanggal sa posisyon
Pinatay ang kanyang minamahal
Inagaw ang kapangyarihan sa kanya
Inagaw sa kanya ang babaeng mahal niya.
Ano ang pagkakaiba ng ama ng binatang nakagapos at ang ama ng gererong moro.
Parehong sila ang dahilan ng pagluha ng kanilang mga anak.
Pareho silang mapagmahal na ama
Pareho silang hari
Pareho silang ulirang ama.
"Saan kalangitan napaakyat kaya
ang aking Florante sa tinamong tuwa;
ngayong tumititig sa ligayang mukha
ng kaniyang Laurang ninanasa-nasa?"
Alin sa mga sumusunod ang nagpapaliwanag sa saknong?
Kabiguan ang naramdaman ni Florante nang makita niya si Laura.
Inaalala ni Florante ang kagandahang anyo ni Laura.
Lampas langit ang kasiyahan ni Florante nang makita si Laura.
Nang makita ni Florante si Laura ay labis siyang nabighani sa kagandahan nito.
Aniya'y "Sa madlang gyerang dinaanan,
di ako naghirap ng pakikilaban
para nang bakahin ang pusong matibay
ni Fleridang irog na tinatangisan.
Alin sa mga sumusunod ang nagpapaliwanag sa saknong?
Ang pag-ibig ay komplikado kaya't magmahal ng matinong tao.
Nakaranas ng maraming gyera subalit pagdating sa pag-ibig ay lubos na nahirapan.
Pag-ibig ang kasagutan sa anumang gulo na kinahaharap.
Ang pag-ibig sa bayan ay pagtangkilik sa sarili nating produkto.
gobyernador ng mga Moro na nagtangka kay Laura subalit tinanggihan at sinampal sa muka ang dalaga
Emir
Sultan Ali-Adab
Heneral Misamoln
Henral Osmalik
Ang ama ay haligi ng tahanan, modelo sa pagiging isang matapang at matatag. Subalit ang ama ni Aladin ay hindi makikitaan ng ganoong katangian. Sino ang ama ni Aladin?
Sultan Ali-Abad
Sultan Ali-Badbad
Sultan Ali-Adab
Sultan Ali-Adub
Tukuyin kung sinong tauhan ang tinutukoy ng pahayag.
Naging dahilan kung bakit hindi natuloy ang pagpatay sa Gererong Moro sa halip ay ipatapon na lamang sa gubat.
Flerida
Laura
Menandro
Antenor
Tukuyin kung sinong tauhan ang tinutukoy ng pahayag.
Nagturo ng maraming karunungan at nagsilbing ama rin ni Florante ng siya ay mag-aral sa Atenas.
Antenor
Osmalik
Meramolin
Menandro
Tukuyin kung sinong tauhan ang tinutukoy ng pahayag.
Isa sa mga matalik na kaibigan ni Florante ng siya ay mag-aral sa Atenas at nagligtas din sa kanya sa bingit ng kamatayan.
(a)
Tukuyin kung sinong tauhan ang tinutukoy ng pahayag.
Bugtong na anak ng isang Duke at walang ibang nais kundi ang mapabuti lamang ang kanyang bansa at mapasakanya ang taong kanyang pinupuso.
Florante
Adolfo
Menandro
Linceo
MULA SA PAG-IBIG KAY FLERIDA;
Suriin kung ang mga mahahalagang pangyayari o pangunahing kaisipang nakalahad sa ibaba ay taglay ng mga saknong ng FAL na ating tinalakay. Lagyan lamang ng TSEK ang mga pahayag na tunay na naging bahagi ng tinalakay. Iwanang blangko kung hindi ito bahagi.
Umalis si Aladin sa kanilang kaharian dahil nagkaroon ng hidwaan doon ng Relihiyon.
Ang pagluha ni Aladin dahil sa pagkabigo sa pag-ibig ka Flerida.
Inagaw ng ama ni Aladin ang kanyang minamahal na si Flerida.
Nais gumanti ni Aladin sa kanyang ama na si Sultan Aliadab.
MULA SA ALAALA NI LAURA;
Suriin kung ang mga mahahalagang pangyayari o pangunahing kaisipang nakalahad sa ibaba ay taglay ng mga saknong ng FAL na ating tinalakay. Lagyan lamang ng TSEK ang mga pahayag na tunay na naging bahagi ng tinalakay. Iwanang blangko kung hindi ito bahagi.
Ang nararamdamang pagseselos ni Florante kay Konde Adolfo.
Tinulungan si Florante ng isang estranghero.
Kakainin ng malaking hayop si Florante.
Ang pagbalik-tanaw sa matamis na alaala nila ni Laura.
MULA SA HINAGPIS NI FLORANTE;
Suriin kung ang mga mahahalagang pangyayari o pangunahing kaisipang nakalahad sa ibaba ay taglay ng mga saknong ng FAL na ating tinalakay. Lagyan lamang ng TSEK ang mga pahayag na tunay na naging bahagi ng tinalakay. Iwanang blangko kung hindi ito bahagi.
Nakausap ni Florante ang pinakamamahal na si Laura.
Inalala niya ang masasayang sandali kasama si Lura.
Ang maalala ni Laura ay sapat na para sa kay Florante.
Nais nang mawala ni Florante sa mundo.
MULA SA BABASA NITO;
Suriin kung ang mga mahahalagang pangyayari o pangunahing kaisipang nakalahad sa ibaba ay taglay ng mga saknong ng FAL na ating tinalakay. Lagyan lamang ng TSEK ang mga pahayag na tunay na naging bahagi ng tinalakay. Iwanang blangko kung hindi ito bahagi.
Ang paghahabilin ni Balagtas na huwag babaguhin anumang nilalaman ng kanyang isinulat na Awit.
Ang pagsasabi na kung may malabong bahagi at suriin munang mabuti.
Ang hiling na gumawa ng pelikula ukol sa mensahe ng kanyang isinulat na awit.
Ang pagnanais na maging kilala ang kanyang isinulat sa ibang bansa.
Ang babaeng tumakas sa gabi ng nakatakdang kasal sa sultan upang hanapin ang kasintahan.
Floresca
Flerida
Laura
Juana
