wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Cumulative Test Filipino 9

Total questions: 100

Worksheet time: 1hrs 15mins

Name
Class
Date
1.

pinakamalawak at pinakamalaking bansa sa Silangang Asya at karamihan sa mga pagkaing Pilipino ay namula sa kanila.

a)

Japan

b)

Taiwan

c)

China

d)

Korea

2.

Katulad din ng mga Pilipino, ang mga ___ ay pinahahalagahan din ang kanilang pamilya at sama-sama pa rin sila sa iisang bubong kahit may sariling pamilya na ang mga anak.

a)

hapon

b)

tsino

c)

thai

d)

islam

3.

Ito ay isa sa paraan upang upang mahikayat ang mga nagbabasa ng akda ay maayos na mailahad ang mga ideya nito mula simula hanggang wakas.

a)

Paglalahad

b)

pagsasalaysay

c)

pagpapadaloy

d)

Pahayag sa pagsisimula, pagpapadaloy at pagtatapos ng kwento

4.

Sa bahaging ito, nag-aanyaya na mag-isip sa kung anong ipinahihiwatig at may tanong o napapanatili ang paninindigan ng pinaniniwalaang ideya mula sa simula hanggang wakas.

a)

simula

b)

gitna

c)

katawan

d)

wakas

5.

Noong taong 1930 na ito ang nagsulong na kaisipang socialist realm sa panitikan ng bansa.

a)

The League of Right-Wing Writers

b)

The League of Left-Wing Writers

c)

The League of Modern Writers

d)

The League of Socialist Writers

6.

Tukuyin kung saan matatagpuan ang mga sumusunod na pangungusap.


Sa pagtatapos ng kwento, naubos ang paninda ni Lu Shen dahil sa mga trabahador na dumaan.

a)

simula

b)

Gitna

c)

Wakas

7.

ito ay maaring gamitin ang pahayag o kaya ay direktang sinasabi ang isang gawain na angkop para sa isang suliranin na nais bigyang tugon o solusyon.

a)

Pagpapahayag ng saloobin

b)

pagbibigay ng matibay na paninindigan

c)

pagbibigay ng mungkahi

d)

pgpapahayag ng opinyon

8.

Ito ay damdamin na nakatuon sa paghubog ng pagpapahalaga sa kabanalan tulad ng pag- asa at pananampalataya

a)

pandama

b)

kalagayan ng damdamin

c)

sikolohikong damdamin

d)

Ispiritwal na damdamin

9.

1.Ito ay ginagamit ng mga aristocrat sa paglalaro kung saan lilikha ng tatlong taludtod at dudugtungan naman ng iba upang mabuo ang tula

a)

haiku

b)

tanka

c)

pahulaan

d)

hokku

10.

3.Ano ang tawag sa kana na ginagamit sa pagsulat ng haiku at tanaga.

a)

Ponemikong Cues

b)

Ponemikong karakter

c)

Ponemikong simbolo

d)

Ponemikong titik

11.

5.Panahon sa Japan kung saan kinilala ang dalawang uri ng drama;ang noh( Klasikal) at Kabuki( Popular) na drama.

a)

Dinastiyang Tang

b)

Panahon ng Heian

c)

Panahong World War II

d)

Panahon ng Renku

12.

9.Si Basho ang makatang ikinintal ang katangian ng tula na magkaroon ng damdamin at binago rin niya ang kayarian ng tula. Ito ay naging Malaya at ng lumaon ay tinawag na haiku.

a)

Haikai

b)

Hokku

c)

Renku

d)

Tanka

13.

10.Upang lubos na maunawaan ang mensaheng nakapaloob sa haiku at tanka mahalagang malaman natin ang kultura ng Hapon. ito ay nangangahulugang unang ulan sa pagsisimula ng taglamig.

a)

kawazu

b)

shigure

c)

Shizu

d)

Hoshige

14.

15.IAng Kultura ng Tsina ay nakaimpluwensiya sa karamihan sa mga bansa sa Silangang Asya. Sa anong Dinastiya naging sikat ang panitikang Tsina na tinawag na Golden Age of Chinise Poetry?

a)

Dinastiyang Chang

b)

Dinastiyang Heian

c)

Dinastiyang Meng

d)

Dinastiyang Tang

15.

14.Saan nakasalalay ang mga ipinahihiwatig na kagandahan ng tulang haiku sa malalim na kahulugang taglay ng talinhaga.

a)

bigkas

b)

imahe

c)

antala at hinto

d)

simbolo

16.

22.. Ang ponema ay mahalagang tunog na sumisimbolo sa titik ng alpabeto. Ito ay tumutukoy sa makabuluhang yunit ng tunog na karaniwang hindi tinutumbasan ng mga titik sa pagsulat. Upang matukoy ang paraan ng pagbigkas tinutumbasan ito ng notasyong phonemic.

a)

Glottal

b)

Morpema

c)

ponemang segmental

d)

ponemang suprasegmental

17.

21.Ito ay isang uri ng pangangaso na gumamit ng bato at buto para maka-gawa ng mga kakaibang dekorasyon ng paso ang unang sibilisasyon.

a)

Jomon

b)

Shinto

c)

Nihon

d)

Yayoi

18.

26.Ito ay nangangahulugang sa pagbigkas ay malayang lalabas ang hangin mula sa bunganga. sinisimbolo nito ay h.

a)

glottal fricative

b)

glottal stop

c)

hinto

d)

walang sagot

19.

36.Ito ay ginagamit sa pagbigkas ng mga salita upang higit na maging mabisa ang pakikipagtalastasan, HINDI ito kinakatawan ng titik o letra.

a)

ponema

b)

glottal

c)

ponemang segmental

d)

ponemang suprasegmental

20.

Ang parabula ay isang maikling salaysay na nagtuturo ng kinikilalang _____ na pamantayan na ang mga kuwentong nakapaloob ay matatagpuan sa Bibliya. Ano ang salitang dapat ipuno sa patlang?

a)

Makasanlibutan

b)

Pakikipagkapwa

c)

Moral

d)

Natural

21.

Sa parabulang "Ang Tusong Katiwala," natuklasan ng amo na niloloko siya kanyang katiwala dahil _____.

a)

ipinaalam ng kanyang asawa

b)

isinumbong sa amo ang katiwala

c)

isinuplong sa pulis ang katiwala

d)

pinaimbestigahan sa utusan

22.

Sang-ayon sa parabula, bakit ipinahahanda ng amo sa kanyang katiwala ang ulat ng pangangasiwa nito?

a)

dahil sa aalisin nang amo sa kanyang tungkulin ang katiwala

b)

dahil sa nais niyang suriin ang ulat bago gumawa ng pasya

c)

dahil sa palalayasin nang amo sa kanyang lupa ang katiwala

d)

dahil sa nais niyang bigyan pa ito ng isa pang pagkakataon

23.

Ano ang kakayanan ng isang parabula?

a)

Magbigay ng masayang buhay

b)

Magbigay ng pagkakataon

c)

Magbigay-turo ng mga kaalamang pangkabuhayan

d)

Magbigay-gabay tungo sa tuwid na landas

24.

Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa nilalamang karaniwang matatagpuan sa isang parabula?

a)

Nakikipag-usap si Hesus sa kanyang mga alagad at sa mga tao.

b)

Hinuhusgahan ni Hesus ang mga tao batay sa kanilang mga pagkakasala't kakulangan.

c)

Nakikipagkwentuhan ang Panginoon sa mga taong mabuti ang puso.

d)

Nangangatwiran ang Panginoon sa mga tao at inuutusan ang mga itong baguhin ang sarili.

25.

Maikling salaysay na nagtuturo ng kinikilalang pamantayang moral na karaniwang batayan ng mga kuwento ay nasa Banal na Kasulatan

a)

Mitolohiya

b)

Parabula

c)

Epiko

d)

Sanaysay

26.

Alin sa mga sumusunod na pahayag na may idyoma ang tumutukoy sa mabuti o malinis ang kalooban?

a)

Dahil busilak ang puso ng batang si Arnel, siya ay pinarangalan at binigyan ng medalya ng pamunuan ng Davao.

b)

Bukal sa loob ang anumang tulong na inihahandog ko sa mga nangangailangan.

c)

Sa tingin palang, tila di makabasag-pinggan ang kapatid ni Nestor na si Nena.

d)

Ang masasamang bagay na ginawa mo sa itong kapwa,gaano man kaliit, ay muling babalik sa iyo sa ibang paraan, itaga mo sa bato.

27.

Huwag kayong magalala, hindi basta naniniwala ang Boss namin sa mga balitang-kutsero.


Ano ang kahulugan ng idyomang "balitang-kutsero"?

a)

Walang katotohanan

b)

May halong paglilinlang

c)

Paraan ng Pagbibigay ng Impormasyon

d)

Paraan ng pakikipag-usap

28.

Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng Double Indirect Narrative Parable?

a)

Parabula ng Alibughang Anak

b)

Parabula ng Dalawang Anak

c)

Ang Mabuting Samaritano

d)

Ang Dalawang Anak

29.

Ito ang tanging bansa sa Timog-Silangang Asya na hindi nasakop ng mga kanluraning bansa.

a)

Thailand

b)

Taiwan

c)

Pilipinas

d)

Vietnam

30.

Ang lugar na kilala na Muslim world at kilalang arid Asia ay ang _________________.

a)

Timog Asya

b)

Hilagang Asya

c)

Kanlurang Asya

d)

Silangang Asya

31.

Ang rehiyong pinagtagpuan ng hangganan ng tatlong mahalagang kontinente sa daigdig.

a)

Silangang Asya

b)

Timog Asya

c)

Gitnang Asya

d)

Kanlurang Asya

32.

Anong dalawang salita ang ginamit upang mabuo ang salitang talinghaga na nangangahulugang nakatago o di-lantad?

a)

Talino at Hiwaga

b)

Talinoat mahika

c)

Tali at paghanga

d)

Talino at paghanga

33.

1. Ito ay di-karaniwang salita o isang matalinhagang pahayag na ginagamit upang bigyang-diin ang isang kaisipan, damdamin at saloobin.

a)

Idyoma

b)

salawikain

c)

Matatalinhagang pahayag

d)

tayutay

34.

2.Ito ay nagbibigay ng makulay at mabisang pagpapakahulugan. Ito ay di-tuwirang pagpapahayag na ginagamitan ng masisining na mga salita.

a)

idyoma

b)

matatalinhagang pahayag

c)

salawikain

d)

tayutay

35.

3.Ito ay may malalim o hindi tiyak na kahulugan. Sinasalamin ng paggamit nito ang kagandahan at pagkamalikhain ng wikang Filipino.

a)

matatalinhagang pahayag

b)

idyoma

c)

salawikain

d)

tayutay

36.

4.Ito ay kadalasang nasa anyong patula sapagkat may sukat at tugma at karaniwang dalawang saknong laman.May malalim na kahulugan na nakatago sa payak nitong anyo.

a)

salawikain

b)

tayutay

c)

idyoma

d)

matatalinhagang pahayag

37.

9.Ito ay isang masining na paraan na pagpapahayag o paglalarawan na sadyang layo sa karaniwang paggamit ng mga salita upang lalong madaling maunawaan, maging mabisa at kaakit-akit ang pagpapahayag.

a)

epipora

b)

katapora

c)

empanados

d)

anadiplosis

38.

14.Ito ay isang paghahambing sa dalawang magkaibang tao, bagay, pangyayari atbp. na ginagamitan ng mga tulay o pangatnig.

a)

pagtutulad

b)

metapora

c)

pagsasatao

d)

pagtawag

39.

17.Ito ay paggamit ng pang-uri upang ipaglalarawan ang mga bagay.

a)

pagtawag

b)

pagsasatao

c)

paglilipat-wika

d)

pagpapalit saklaw

40.

16.Ito ay mag himig na pagkukunwari dahil madalas itong magpahayag ng dalawang magkasalungat na kahulugan.

a)

pagtanggi

b)

pasukdol

c)

retorikal

d)

paglilipat-wika

41.

19.Ito ay pagbibigay-buhay o paglalapat ng mga katangiang pantao-talino,gawi-kilos sa mga bagay na walang buhay sa pamamagitan ng mga salitang nagsasad ng kilos tulad ng pandiwa, pandiwari, at pangalang-diwa.

a)

pagsasatao

b)

retorikal

c)

paglilipat-wika

d)

pagtawag

42.

24.Ito ay pagtatanong na hindi nangangailangan o naghihintay o inaasahang tugon.

a)

balintuna

b)

retorikal

c)

pasukdol

d)

pag-uulit

43.

Naiiba ang tula sa iba pang uri ng panitikan maliban sa...

a)

Ito ay may sukat at tugma.

b)

Gumagamit ito ng matatalinhagang pahayag.

c)

Ito ay naglalaman ng masidhing damdamin at emosyon ng manunulat

d)

Binubuo ito ng tauhan at tagpuan.

44.

Ano ang sinisimbolo ng salitang "gansa" sa tulang Tinig ng Ligaw na Gansa?

a)

Ibong may puting pakpak

b)

Mailap na hayop

c)

Lalaking mangingisda

d)

Dalagang kaibig-ibig

45.

Elemento ng sanaysay na nagpapahiwatig ng kulay o kalikasan ng damdamin. Maaaring malungkot ,masaya at iba pa.

a)

HIMIG

b)

KAISIPAN

c)

WIKA AT ESTILO

46.

Ito ay isang uri ng panitikang prosa o tuluyan na naglalahad ng opinyon, pananaw, kuro-kuro, palagay, sapantaha at personal na paninindigan ng isang awtor o may-akda na may layuning magpahayag at manghikayat ng mga mambabasa.

a)

Sanaysay

b)

Salaysay

c)

Anekdota

d)

Balita

e)

Kuwentong Bayan

47.

ang pinakamahalagang bahagi ng isang sanaysay sapagkat ito ang unang tinitingnan ng mga mababasa, dapat nakapupukaw ng atensyon ang panimula upang ipagpatuloy ng mambabasa ang pagbasa sa akda.

a)

Panimula

b)

Katawan

c)

Wakas

d)

Kasukdulan

e)

Kakalasan

48.

Ito ay sangkap ng isang sanaysay na ang anyo at istruktura ng sanaysay ay isang mahalagang sangkap sapagkat nakaapekto ito sa pagkaunawa ng mga mambabasa; ang maayos at lohikal na pagkasunud-sunod ng ideya o pangyayari ay makatutulong sa mambabasa sa pagkaunawa sa sanaysay.

a)

Tema at Nilalaman

b)

Anyo at Istruktura

c)

Wika at Istilo

d)

Tunggalian at Banghay

e)

Talinhaga at Kaisipan

49.

Ito ay sangkap ng isang sanaysay na ang anyo at istruktura ng sanaysay ay isang mahalagang sangkap sapagkat nakaapekto ito sa pagkaunawa ng mga mambabasa; ang maayos at lohikal na pagkasunud-sunod ng ideya o pangyayari ay makatutulong sa mambabasa sa pagkaunawa sa sanaysay.

a)

Tema at Nilalaman

b)

Anyo at Istruktura

c)

Wika at Istilo

d)

Tunggalian at Banghay

e)

Talinhaga at Kaisipan

50.

Alin sa mga sumusunod ang mga katangiang dapat taglayin ng isang mabuting mananaysay

a)

May malawak nakaalaman o karanasan sa paksa.

b)

Nagagamit ang wika nang wasto at mabisa.

c)

Nakapipili ng mabuti at mabisang istilo ng paglalahad ng ideya.

d)

Malinaw at hindi madamot o matipid sa pagpapaliwanag ng kaisipan at kaalaman ukol sa paksa.

e)

May kakayahang pumukaw o manghikayat ng mambabasa.

51.

Ama ni Crisostomo Ibarra na pinaratangan, kinulong, namaltrato at inilibing at ipinalipat ang bangkay sa Libingan ng mga Intsik ngunit hinulog na lamang sa lawa dahil sa malakas na pag-ulan.

a)

Don Rafael

b)

Don Saturnino

c)

Elias

d)

Taong Madilaw

52.

Siya ang namamahala ng mga gawain sa pagpapatayo ng paaralan.

a)

Don Rafael

b)

Lucas

c)

Señor Nol Juan

d)

Taong madilaw

53.

Kapatid ng taong madilaw na gumawa ng paghugos na ginamit sa 'di-natuloy na pagpatay kay Crisostomo.

a)

Tarsilo

b)

Lucas

c)

Elias

d)

Crispin

54.

Ninuno ni Crisostomo na naging dahilan ng kasawian ng nuno ni Elias.

a)

Kapitan Tiyago

b)

Don Saturnino

c)

Don Rafael

d)

Don Tiburcio

55.

Taglay ng kaniyang katauhan ang pagiging maaalahanin sa kadugo. Ginampanan niya ang pagiging ina sa naulilang pamangkin.

a)

Tiya Isabel

b)

Tiya Victorina

c)

Tiya Consolacion

d)

Tiya Sisa

56.

Taglay ng karakter na ito ang magaspang na pag-uugali ng isang lingkod ng simbahan. May lihim siyang pagtingin kay Maria Clara.

a)

Kapitan Tiyago

b)

Padre Damaso

c)

Padre Irene

d)

Padre Salvi

57.

Kakikitaan ang karakter na ito ng magandang bisyon para sa bansa. Tumuklas ng ginto sa Europa nang mabawi ang gintong sinamsam sa kaniyang lupain.

a)

Elias

b)

Crisostomo

c)

Lucas

d)

Don Rafael

58.

Sumisimbolo ang karakter na ito sa pagiging mapagsamantala ng mga Español. Pinagkakakitaan niya ang kaniyang pagiging huwad na manggagamot.

a)

Ten. Guevarra

b)

Basilio

c)

Kapitan Tiyago

d)

Don Tiburcio

59.

Pinalutang ni Rizal sa kaniyang karakter ang pagiging huwad sa pananampalataya ng mga Pilipino dahil sa paggamit ng kaniyang kayamanan sa pagbili ng kabanalan.

a)

Kapitan Tiyago

b)

Tiya Isabel

c)

Pia Alba

d)

Padre Damaso

60.

Ang sawimpalad na ito ay biyograpikal na representasyon sa aktibong si Rizal. Namundok at naging tulisan para ipaglaban sa karapatan ng mga naaapi.

a)

Crisostomo

b)

Bruno

c)

Elias

d)

Tarsilo

61.

Kumakatawan sa Pilipinong utak-kolonyal. Naglalagay ng makapal na kolorete para magmukhang Español at kinaiinisan ang kapuwa Indio.

a)

Doña Victorina

b)

Doña Consolacion

c)

Kapitan Tiyago

d)

Sisa

62.

Paring mapagmataas at tinitingnan ang sarili bilang superyor sa lahat. Dating kura-paroko ng San Diego at nakaaway ni Crisostomo sa isang hapunan.

a)

Padre Salvi

b)

Pilosopo Tasyo

c)

Padre Damaso

d)

Ten. Guevarra

63.

Siya ang sumisimbolo sa ideal na babae ni Rizal. Kinikilalang anak ni Kapitan Tiyago kay Pia Alba na nagpakasakit dahil sa karahasang naranasan ng kasintahan.

a)

Doña Concolacion

b)

Sisa

c)

Doña Victorina

d)

Maria Clara

64.

Larawan ng mapagmahal na ina na gagawin ang lahat sa anak kahit magdulot ito ng kasawian sa kaniya.

a)

Sisa

b)

Tiya Isabel

c)

Pia Alba

d)

Maria Clara

65.

Pinatunayan sa kaniyang karakter na hindi lahat ng Guwardiya Sibil ay masamâ. Siya ang nagpabatid ng kasawian ni Don Rafael kay Crisostomo.

a)

Ten. Guevarra

b)

Kapitan Heneral

c)

Elias

d)

Don Tiburcio

66.

Sino ang nagsabi na hindi dapat nakikialam ang sinumang Hari at kapitan Heneral sa pagpaparusa ng Simbahan sa mga erehe.

a)

Padre Sibyla

b)

Padre Damaso

c)

Padre Salvi

d)

Kapitan Tiago

67.

Ano ang ibig sabihin ng Noli Me Tangere?

a)

HUWAG MO AKONG BIGUIN

b)

HUWAG MO AKONG TAPAKAN

c)

HUWAG MO AKONG KALIMUTAN

d)

HUWAG MO AKONG SALINGIN

68.

Ano ang sinisimbolo ni Padre Damaso sa Unang kabanata?

a)

Pamahalaan

b)

Digmaan

c)

Diplomasya

d)

Simbahan

69.

Ang akdang naisulat ni Dr. Jose Rizal ay isang bunga ng kaniyang pagbabasa ng isang ingles na aklat ni Harriet Beacher Stowe. Alin sa sumusunod ang aklat na ito?

a)

Uncle Tom's Cabin

b)

The Wandering Jew

c)

Look to the East

d)

The Mind of Colonialism

70.

Alin sa mga sumusunod ang hindi totoo tungkol kay Pilosopo Tasyo?

a)

Ang tawag sa kanya ng ibang tao ay baliw dahil sa napakalalim ng kanyang mga kaisipan.

b)

Sobrang hilig magbasa ni Tasyo simula noong mamatay ang kanyang asawa kaya siya ay isang paham sa ibang tao.

c)

Nais ni Pilosopo Tasyo na maging isang pari at maging alagad ng simbahan.

71.

Bakit nagtungo si Ibarra sa sementeryo noong araw ng undas?

a)

Nagtungo siya para hanapin ang puntod ng kanyang amang si Don Rafael.

b)

Nagpunta siya para masiguro kung sino ang gumawa ng paglapastangan sa bangkay ng kanyang ama

c)

Nagpunta si Crisostomo para alamin ang katotohanan na wala na ang kanyang ama.

72.

Sino ang nagsabi ng pahayag na ito? "Kapag ang kura'y nagpahukay ng isang bangkay ng isang erehe, kahit na ang hari'y walang karapatang makialam ni magparusa."

a)

Padre Damaso

b)

Padre Sibyla

c)

Padre Salvi

d)

Pilosopo Tasyo

73.

Sino ang nasabi ng pahayag na ito? "Ikaw ay lalaki kaya't katungkulan mong matutuhan kung ano ang buhay at nang mapaglingkuran mo ang iyong bayang pinagkakautangan ng lahat."

a)

Don Rafael Ibarra

b)

Don Santiago

c)

Don Tiburcio

d)

Don Saturnino Ibarra

74.

Totoo ang mga sumusunod tungkol kay Elias maliban sa:

a)

Itinago ni niya ang kayamanan ni Simoun upang tulungan ang mga mahihirap.

b)

Ibinigti niya si Lucas sa isang puno at isinumbong niyang bilang siya sa mga guwardiya sibil.

c)

Ginagamit niya ang salakot upang itago ang kaniyang mukha kapag siya ay naglalakbay sa loob ng San Diego.

d)

Siya ang naging piloto ng bangka nila Maria Clara nang magsama-sama ang mga magkababata.

75.

Ipaliwanag ang simbolismo ng malaking buwaya na biglang lumitaw ang kinain ang mga isdang huli para sa piyesta ng San Diego.

a)

Sumisimbolo siya sa mga Kastila na kumakamkam sa mga yaman na dapat ay para sa mga Pilipino.

b)

Sumisimbolo siya sa mga kurakot na nakaupo sa gobiyerno na walang ginawa kundi pagnakawan ang mga Pilipino.

c)

Sumisimbolo siya sa mga Briton na walang ginawa kundi alipustahin at maliitin ang kapasidad ng mga Pilipino.

d)

Sumisimbolo siya sa mga guro noong unang panahon na walang ginawa kundi alipustahin at maliitin ang mga estudyanteng Pilipino.

76.

Totoo ang mga sumusunod tungkol kay Kapitan Tiago maliban sa:

a)

Siya ang tunay na ama ni Maria Clara.

b)

Isa siyang kuripot na negosyanteng may dugong Chinese.

c)

Nagbibigay siya ng pera sa Simbahan upang ipagdasal ang kaniyang kaluluwa.

d)

Mahilig siya sa laban ng manok o sabong.

77.

Piliin ang totoo tungkol sa pagkatao ni Donya Victorina:

a)

Mahilig siya sa quevedos (monacles).

b)

Takot siya sa kabayo.

c)

Pinakasalan niya si Don Tiburcio sapagkat mahal na mahal niya ito.

d)

Ginamit niya ang kaniyang pera at impluwensiya upang magkaroon ng pekeng lisensya sa pagiging doktor ang asawa.

78.

Totoo ang mga sumusunod tungkol kay Alferez maliban sa:

a)

Hindi ibinigay ang tunay niyang pangalan sa nobela.

b)

Ginugulpi niya ang asawa kapag siya ay nalalasing.

c)

Umiiwas siya ng tingin sa mga tao sapagkat itinatago niya ang mga kalmot sa mukha mula sa kaniyang asawa.

d)

Tumatanggap si Alferez ng mga suhol mula sa mga tao tulad ng parte niya sa mga pusta sa sabong.

79.

Piliin ang pinakatamang paliwanag sa paglundag ni Elias sa ilog upang labanan ang malaking buwaya.

a)

Sumisimbolo ito na kapag may nagtangkang lumapastangan sa karapatan ng mga Pilipino, mayroong isang taong dapat magsimula ng laban.

b)

Sumisimbolo ito na kapag may malaking kalaban eh hindi dapat matakot dahil alam natin na mayroon naman tutulong kapag humingi ka ng saklolo.

c)

Sumisimbolo ito na dapat maging mabilis ang mga Pilipino sa pagkilos upang hindi makaganti ang kalaban.

d)

Sumisimbolo ito na mayroon palaging isa na kumikilos nang hindi nag-iisip kahit noong panahon ng Kastila.

80.

Ano ang nangyari sa agnos ni Maria Clara na regalo sa kaniya ng kaniya ni Don Santiago Delos Santos?

a)

Ibinigay niya ito bilang abuloy sa isang ketongin.

b)

Ibinigay niya ito sa isang kaibigan sapagkat nais niya itong magkaroon ng magandang alahas.

c)

Ibinigay niya ito kay Crisostomo Ibarra bago sila maghiwalay sa may asotea (balcony).

d)

Ibinigay niya ito kay Sisa upang ipambili ng makakain.

81.

Bakit naging malapit si Elias kay Crisostomo Ibarra?

a)

Naniniwala si Elias na may tamang impluwensiya si Crisostomo Ibarra upang simulan ang pagbabago sa kaniyang bayan.

b)

Naniniwala si Elias na may sapat na yaman si Crisostomo Ibarra na maaari niyang nakawin bilang tulong sa plano niyang rebolusyon.

c)

Naniniwala si Elias na may tamang talino si Crisostomo Ibarra upang maging abugado niya sakaling mahuli siya dahil sa kaniyang mga plano.

d)

Naniniwala si Elias na madali niyang mapapasunod si Crisostomo Ibarra sapagkat madali itong magtiwala sa tao.

82.

Bakit biglang nanlisik ang mga mata ni Elias sa galit matapos mabasa ang liham na sulat ng ninuno ni Crisostomo Ibarra?

a)

Nakapirma dito si Don Pedro Eibarramendia na lumapastangan sa pangalan ng kaniyang angkan.

b)

Nakapirma dito si Don Juan Eibarramendia na lumapastangan sa pangalan ng kaniyang angkan.

c)

Nakapirma dito si Don Salazar Eibarramendia na lumapastangan sa pangalan ng kaniyang angkan.

d)

Nakapirma dito si Don Romero Eibarramendia na lumapastangan sa pangalan ng kaniyang angkan.

83.

Ano ang tunay na pakay ni Crisostomo Ibarra upang puntahan si Maria Clara matapos siyang iligtas ni Elias mula sa pagkakakulong?

a)

Nais niyang sumbatan si Maria Clara sa kaniyang mga kasalanan at para sabihing hindi na niya ito mahal.

b)

Nais niyang ipaalam kay Maria Clara na alam niya ang nangyari sa nanay nito at kung sino ang tunay na ama ng dalaga.

c)

Nais niyang kagalitan si Maria Clara sapagkat nakalimutan niyang bisitahin ang kasintahan sa kulungan.

d)

Nais niyang ipaliwanag kay Maria Clara kung saan niya inilibing ang kaniyang kayamanan sakaling kailanganin ito ng dalaga.

84.

"Ako ay hinog na sa karanasan para paniwalaan. Magdadalawampu't tatlong taon na akong kumakain ng kanin at saging. Huwag ninyo akong gamitan ng kung ano-ano at mabulaklak na salita." Si Padre Damaso ay _____________.

a)

mapagpakumbaba

b)

mapagmataas

c)

maalalahanin

d)

mahusay na lider

85.

"Ipagpaumanhin ninyong makasagot ako. Totoo kayang mapagwalang-bahala ang tagarito o baka naman sinasangkalan lamang natin ang kapintasang iyan ng mga Pilipino para matakpan ang ganyan din nating ugali." Ang binatang mapula ang buhok ay ____________.

a)

mapag-alinlangan

b)

maunawain sa kalagayan ng kapwa

c)

maalalahanin

d)

matapang

86.

"Tama! Wala kayong makikitang sinuman sa daigdig na hihigit pa sa ugaling iyan ng mga Indio." Ang pandak na Espanyol ay nagpapakita ng ugaling ___________________.

a)

mapang-alipusta

b)

mapagmatyag

c)

maunawain

d)

mapagbalatkayo

87.

"Hindi ko mapapayagan ito. Ang kanyang kamahalan ay kinatawan ng Kataas-taasang Hari! Bawiin ninyo ang lahat ng iyan at kung hindi'y makararating ito sa Kanyang Kamahalan bukas na bukas din." Ang tenyente ay __________________.

a)

mapagmahal at matapat sa kanyang pinuno

b)

maaasahan sa oras ng kagipitan

c)

matulungin sa nangangailangan

d)

mapagmataas at makasarili

88.

"Mga ginoo! Iwasan nating makabigkas ng isasama ng loob ng isa't isa nang wala namang dahilan. Iba ang sinasabi ni Padre Damaso bilang pari kaysa sa kanyang personal na ibig sabihin." Si Padre Sibyla ay __________________.

a)

mapagmahal sa kapayapaan

b)

duwag at takot sa gulo

c)

mabait ngunit may kinakampihan

d)

magalang ngunit matatakutin

89.

"Pitong taon ako sa ibang bansa at sa pagbabalik ko ay hindi ko matiis na hindi batiin ang pinakamahahalagang hiyas ng aking bayan, ang mga babae." Si Crisostomo ay ___________.

a)

maistema sa mga bisita

b)

mahilig bumati sa mga babae

c)

magalang sa kababaihan

d)

babaero

90.

"May kaugalian sa Alemanya na kung walang magpakilala sa isang panauhin ay siya na mismo ang nagpapakilala sa kanyang sarili. Itulot ninyong gayahin ko ang kaugaliang iyon, hindi dahil sa kagustuhan ko lamang magpasok ng ugaling dayuhan. kundi dahil lamang sa hinihingi ng pagkakataon." Si Crisostomo ay _________________.

a)

mabuting ugali sapagkat ipinakilala ang sarili

b)

mapagpakumbaba sa pinanggalingan niyang lugar

c)

magalang at pinahahalagahan ang kultura at tradisyon ng mga Pilipino

d)

mayabang sapagkat ipanagmamalaki niya ang bansang dayuhan

91.

"Hindi ako nakapaglakbay na tulad mo. Wala akong narating kundi Maynila at Antipolo at ang bayan mo. Ngunit mula nang magpaalam ako sa iyo bago pumasok sa kumbento ay lagi kitang naaalala at hindi kita nilimot kahit iniutos ng aking kompesor na limutin kita." Si Maria Clara ay ______________.

a)

mapagpakumbaba at mabait

b)

matatakutin na baka may babae si Crisostomo

c)

mapagmahal at maalalahanin

d)

mabilis makalimot

92.

Ano ang pangunahing paksa ng Kabanata 50?

a)

Tungkol sa mukha ni Elias

b)

Tungkol sa buhay ni Elias

c)

Tungkol sa bangka ni Elias

d)

Tungkol sa pag-uugali ni Elias

93.

Bakit nagpakamatay ang kapatid ni Elias?

a)

Dahil sa mga nararanasan na kasawian palad

b)

Dahil namatay kanilang ama

c)

Dahil sa kanilang nakaraan

d)

Dahil ipinakasal na iba ang kasintahan niya

e)

Lahat na nabanggit

94.

Ano ang 2 krus na pinagpilian nina Kapitan Tiago at Tiya Isabel na abuluyan?

a)

Krus sa San Diego at San Mateo

b)

Krus sa Liwasan at San Taclaus

c)

Krus sa Tunasan at Matahong

d)

Krus sa Binundok at San Carlos

95.

Noong nagbalak maglakbay sa Espanya sina Donya Victorina at Dr. Tiburcio, bakit Espanyol ang nais ni Donya Victorina na mangasiwa sa kanyang mga ari-arian?

a)

Dahil mas mababa ang bayad sa mga Espanyol

b)

Dahil mas malapit ang loob niya sa mga Espanyol

c)

Dahil wala siyang tiwala sa mga Pilipino

96.

Bakit pinahihirapan ng husto si Tarsilio ng alperes?

a)

Sapagkat siya ay nagnakaw ng ginto mula sa kwartel

b)

Sapagkat binuhatan niya ng kamay ang pari

c)

Sapagkat siya ay gustong paaminin

d)

Sapagkat sinubukan niyang tumakas mula sa guwardia sibil

97.

Bakit biglang umalis si Padre Salvi habang pinapahirapan ng husto si Tarsilio?

a)

Sapagkat nakita niya si Maria Clara na napadaan

b)

Sapagkat pinaalis siya ng alperes

c)

Sapagkat mahina ang kanyang loob

d)

Sapagkat hindi niya kayang tiisin pa ang bibig at reklamo ni Donya Consolacion

98.

Bakit nag aaway ang dalawang donya?

a)

Dahil nag aagawan sila sa pera

b)

Dahil nag mamalakihan ang dalawa

c)

Dahil sinabihang pangit si Donya Victorina

d)

dahil nag-aagawan sila sa kapangyarihan

99.

Bakit nag pakamatay ang ninuno ni Elias?

a)

Dahil mahirap ang buhay

b)

Dahil mahirap lamang sila

c)

Dahil sa sapin-sapin na problema

d)

Dahil galit ang buong bayan sa kanya

100.

Sino ang masayang ibinalita ang tungkol sa sulat na padala ng Arsobispo mula Maynila tungkol sa pag-alis ng ekskomunyon kay Crisostomo Ibarra?

a)

Padre Damaso

b)

Maria Clara

c)

Ibarra

d)

Padre Salvi