Font size
WorksheetsPasasalamat sa ginawang kabutihan ng kapwa
Total questions: 30
Worksheet time: 30mins
Ang 1. _________________________ ay gawi ng isang taong mapagpasalamat;
Pagkagalit
Pagmamahal
Pagpapasalamat
Presensiya
Ang pagiging handa sa pagpapamalas ng pagpapahalaga sa taong gumawa sa kaniya ng 2.___________________.
Kasanayan
Maganda
Mabuti
Kabutihang-loob
Ito rin ay ang pagkakaroon ng masigla at magiliw na pakiramdam tungo sa taong gumawa ng 3. _______________.
Kabutihan
Kagandahang asal
Masama
Kaligayahan
Ang pasasalamat sa salitang Ingles ay 4._________________,
Welcome
Gratitude
Congratulations
Xie Xie
na nagmula sa salitang 5.____________
Ingles
Banyaga
Latin
Mandarin
na 6. ______________ (nakalulugod),
Gratus
Great
Gratis
Gratia
7.________________ (pagtatangi o kabutihan)
Mahusay
Gratus
Ni Hao
Gratia
Ang pasasalamat ay isang gawi o kilos na kailangan ng patuloy na pagsasagawa hanggang ito ay maging 9._______________.
Birtud
Makasanayan
Matandaan
Bida
Ayon nga kay 10.______________, “Gratitude is the sign of noble souls.”
St. John
Pope John Paul
Aesop
Martin Buber
Ang _________________________ ay gawi ng isang taong mapagpasalamat.
Maaalalahanin
Kabutihang puso
Mapagmahal
Pagpapasalamat
Ang ______________________________, isang paniniwala o pagiisip na anumang inaasam mo ay karapatan mo na dapat bigyan ng dagliang pansin.
Ingratitude
Entitlement mentality
Pagpapasalamat
Gratitude
Alin ang tanda ng isang taong may pasasalamat?
Si Maria ay kuntento sa kaniyang buhay kahit simple lamang dahil alam niyang pahalagahan ang mga mabubuting
natatanggap niya mula sa iba at sa Diyos.
Sa kabila ng mga pagpapalang natatanggap ni Rey, marunong pa rin siyang tumingin sa kaniyang pinanggalingan.
Nag-aaral nang mabuti si Jojo upang marating niya ang kaniyang mga pangarap.
Laging nagpapasalamat si Janet sa mga taong tumutulong sa kaniya kahit hindi bukal sa kaniyang kalooban.
Ano ang tamang pagpapakita ng pasasalamat?
Paggawa ng kabutihang-loob sa kapwa kahit naghihintay ng kapalit
Pagkilala sa kabutihang ginawa ng kapwa at pagsasabi ng pasasalamat
Pagpapahalaga sa kabutihan ng kapwa kahit alam mong ginagawa lang niya ang trabaho nito
Pagsasabi ng pasasalamat ngunit salat sa gawa
Ang mga sumusunod ay mga pinasasalamatan ng mga tao sa kanilang buhay, maliban sa:
Ang Diyos bilang may lalang ng sanlibutan
Ang pamilyang nag-aruga at nagmamahal sa kanila
Ang pansalibutang material na nagbibigay kaligayahan
Ang buhay bilang pinakadakilang kaloob ng Diyos sa tao.
Ang sumusunod ay pagpapakita ng kawalan ng pasasalamat, maliban sa:
Kawalan ng panahon o kakayahan upang matumbasan ang tulong na natanggap sa abot ng makakaya
Pagpapasalamat nang hindi bukal sa puso
Hindi pagkilala o pagbigay-halaga sa taong gumawa ng kabutihan
Paghingi ng suporta sa mga magulang sa mga pangunahing pangangailangan dahil menor de edad
Ang pagsasabuhay ng pasasalamat ay isa lamang sa mga paraan upang maiwasan ang ___________.
Mga sakit at mapanatiling maayos ang kalusugan
Mga Masasamang tao
Mga suliranin sa buhay
Paghingi ng tulong sa iba
Alin ang hindi kasama sa tatlong antas ng pasasalamat ayon kay Santo Tomas Aquinas?
Pagkilala sa kabutihang ginawa ng kapwa
Pagpapasalamat
Paggawa ng kabutihan sa ibang tao bilang pagbabalik ng kabutihang ginawa sa iyo
Pagpapakita ng pagpapahalaga sa kapwa sa abot ng makakaya
Ang sumusunod ay mga gawain ng pasasalamat sa loob ng tahanan, maliban sa:
pagsasabi ng salamat sa pagkaing inihanda ng magulang.
pagtulong sa mga simpleng gawain sa bahay.
paghinto sa pag-aaral upang magtrabaho at makatulong sa pamilya sa kabila nang may pantustos ang mga magulang.
pag-alala sa kaarawan ng taong tumulong sa iyo upang maipakita ang pagpapahalaga at pagmamahal sa kaniya.
Ang sumusunod ay mga pakinabang na dulot ng pasasalamat, maliban sa:
Pagkakaroon ng kagalakan dahil sa kinikilala mo ang mga kabutihang kaloob ng kapwa
Gumagaan ang pakiramdam sa kabila ng pagsubok dahil nagiging positibo ka sa pananaw sa buhay
Pagkakaroon ng maraming kaibigan dahil ipinapakita mo ang pasasalamat sa kanila
Pagiging maingat sa mga materyal na pagpapala buhat sa ibang tao
Ito ay tanda ng isang taong puno ng biyaya, isang pusong marunong magpahalaga sa mga magagandang biyayang natanggap mula sa kapwa.
Pagiging mapagpasalamat
Pagkakaroon ng pag-asa
Pagkimkim ng sama ng loob
pagtanaw ng utang na loob
Ito ay patunay ng hindi pagpapahalaga sa taong nagsakripisyo upang sa simpleng sa simpleng paraan na inialay niya ay maging maganda ang iyong buhay.
pagkainggit
pagkalimot
Pagmamataas
Panghuhusga
Napakahalaga na magamit ang pasasalamat o utang na loob nang may ____________ at tamang paraan.
Kaligayahan
Karangalan
Pagmamahal
Pananagutan
Naipakikita ang paggalang sa pamamagitan ng ___________.
pakikibahagi sa mga gawaing nakasanayan.
pakikipag-ugnayan sa mga taong nakakahalubilo.
pagbibigay ng halaga sa isang tao.
pagkilala sa mga taong naging bahagi ng buhay.
Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng kawalan ng pasasalamat.
Ang pagbalik tanaw sa kabutihang nagawa ng kapwa
Ang pagtatago sa nagawang kabutihang ginawa ng kapwa
Patanaw ng utang na loob
Paggawa ng mabuti sa kapwa
Ang pagpapakita ng pasasalamat ay hindi lamang sa taong pinagkakautang ng loob, maaring ituon din ang pasasalamat sa pamamagitan ng alin sa mga sumusunod?
Pagbibigay ng pabuya sa mga taong gumawa ng kabutihan sa kanila.
Pag-iwas sa mga taong mapanamantala at walang awa sa iba.
Pagkakaroon ng mabuting puso at paggawa ng mabuti sa kapwa
Pakikipagmabutihan at pakikipagkaibigan sa mga nakakasalamuhang tao
Alin sa mga sumusunod ang isang halimbawa ng entitlement mentality?
Ang hindi pagbabayad ng buwis ng mamayan kung hindi nakukuha ang sapat na serbsiyo.
Ang hindi pagbibigay ng pasasalamat ng mga anak sa kanilang mga magulang.
Ang kawalan ng utang na loob sa taong tumutulong
Ang pagiging abusado sa kapwa sa paghingi ng tulong.
Alin sa mga sumusunod ang HINDI magandang dulot ng pasasalamat sa kalusugan?
Nagiging mas pokus ang kaisipan at may mababang pagkakataon na magkaroon ng depresyon.
Naghihikayat upang maging maayos ang sistema ng katawan sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mas malusog na presyon ng dugo at pulse rate.
Nakapanghihina ng katawan dahil laging nag-iisip kung paano magpapasalamat.
Nakapagdagdag ng likas na antibodies na responsable sa pagsugpo sa mga bacteria sa katawan.
Ano ang ENTITLEMENT MENTALITY?
Ito ay paggawad ng titulo o parangal sa isang tao.
Ito ay isang paniniwala o pag-iisip na anumang inaasam mo ay karapatan mo na dapat bigyan ng dagliang pansin.
Ito ay pagbibigay serbisyo sa mga pangunahing pangangailangan ng mga tao.
Ito ay ang pag-aabuso ng mga mamamayan sa kakayahan ng pamahalaan na tustusan ang kanilang pangangailangan.
Alin sa mga paraan ng pagpapakita ng Pasasalamat ang ipinakita sa larawan?
Magkaroon ng ritwal na pasasalamat sa pamamagitan ng repleksyon.
Magbigay ng munting regalo o anumang token upang maipakita ang iyong pag-alala.
Magpasalamat sa bawat araw upang maiwaksi ang mga negatibong kaisipan.
Pangongolekta ng mga quotations na nagpapabuti sa iyong pakiramdam.
Alin sa mga pangungusap ang nagpapakita na ang utang-na-loob ay nagagamit sa maling paraan?
Sa panahon ng halalan, ibinoboto ng tao ang kandidato na kahit hindi kwalipikado dahil sa kaniyang tinatanaw na utang-na-loob.
Sa panahon ng mga pagdiriwang, madalas nagdadala ng regalo ang bisita dahil sa tuwing siya ay may okasyon, palagi din siyang nakakatanggap ng regalo.
Palaging inuuna sa tulong yong mga taong malapit sa puso at madalas na nakikita.
Pagtulong sa kapwa na sa tingin mo ay makakapagbigay balik sa iyo.
