wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

SUMMATIVE TEST

Total questions: 45

Worksheet time: 45mins

Name
Class
Date
1.

Ang pagtatapos ng Masidlawin class ang una sa loob ng halos 100 taong

kasaysayan ng PMA kung saan sarado ang pagtitipon sa publiko, kahit sa

kanilang mga magulang at mahal sa buhay dahil ipinagbabawal ang "mass

gatherings" ngayong may coronavirus disease (COVID-19).

(Relativo, James. et.al.(2020, May 23) Babaeng kadete mula Isabela 2020 PMA topnotcher. Nakuha noong Mayo


23, 2020. Mula sa https://www.philstar.com/pilipinostarngayon/bansa/2020/05/22/2015772/ babaeng-

kadete mulaisabela-2020-pma-topnotcher)

a)

Argumentatib

b)

Deskriptib

c)

Impormatib

d)

Persuweysib

2.

Imadyinin natin ang isang bata, tumatakbo sa kalsada, pipi siya, at tabingi ang

mukha, pinagtatawanan ng ibang bata, kaya lagi siyang umiiyak at tumatakbo.

(Lee, Ricky. (2018)Bahay ni Marta, Quezon City: Triprint Corporation)

a)

Argumentatib

b)

Deskriptib

c)

Impormatib

d)

Persuweysib

3.

Ngayon, tuluy-tuloy ang digital technology sa bansa. Lumalakas ang digital

economy kaya dapat umarangkada rin ang digital taxation. Maganda ang

hangarin ng panukala ni Salceda lalo ngayong nangangailangan ng pondo.

Panahon na rin para sumabay ang digital economy ng bansa. Kaya lang, babalik

ako sa punto ni Locsin. Bakit di unahin ang mga nasa Philippine Offshore

Gaming Operators (POGO) na kumakamal nang malaking pera sa pagsusugal?

(Tulfo, Ben. (2020, May 22) Digital taxation sa digital economy. Nakuha noong Mayo 22, 2020. Mula

sa:https://www.philstar.com/pilipino star ngayon/opinyon /2020/05/ 22/2015605/digital-taxation-sa-

digital-economy)

a)

Argumentatib

b)

Deskriptib

c)

Impormatib

d)

Persuweysib

4.

Mga hakbang sa pagtatanim:

Una, ihanda ng binhi o punlang gagamitin.

Pangalawa, ihanda ng lupang pagtataniman o plotting.

Ikatlo, itanim na ang binhi ng may 0.6 cm ang lalim.

Ikaapat, siguraduhing may sapat na tubig at katamtamang sikat ng araw.

a)

Argumentatib

b)

Deskriptib

c)

Impormatib

d)

Prosidyural

5.

Ayon pa sa SWS, 16.7% ang nakaranas ng moderate hunger na tinatayang nasa

3.5 milyong pamilya samantalang nasa 2.8% o 699,000 pamilya ang nakaranas

ng severe hunger

(Escudero, Malou. (2020, May 23) Bilang ng nagugutom na Pinoy Dumoble. Nakuha noong Mayo 23, 2020.

Mula sa https://www.philstar.com/ pilipino-star-ngayon/bansa/2020/05/23/2015947/bilang- ng

nagugutom-na-pinoy-dumoble0

a)

Deskriptib Impresyunistik

b)

Obhektibo

c)

Deskriptib Teknikal

d)

Subhektibo

6.

Ang mga sumusunod ay halimbawa ng tekstong impormatib maliban sa:

a)

Paglalahad ng totoong pangyayari o kasaysayan

b)

Pag-uulat ng impormasyon

c)

Pagpapaliwanag

d)

Pagbibigay ng hakbang na kronolohikal

7.

Naglalahad ng mga bagong kaalaman, bagong pangyayari, bagong paniniwala, at

mga bagong impormasyon. Ang mga kaalaman ay nakaayos ng sekwensiyal at

inilalahad nang buong linaw at kaisahan.

a)

Argumentatib

b)

Deskriptib

c)

Impormatib

d)

Persuweysib

8.

Nagtataglay ng impormasyong may kinalaman sa pisikal na katangian ng isang

tao, lugar, at bagay. Madali itong makilala sapagkat ito ay tumutugon sa tanong

na ano.

a)

Argumentatib

b)

Deskriptib

c)

Impormatib

d)

Persuweysib

9.

Alin sa mga sumusunod na pahayag ang hindi wasto hinggil sa tekstong

impormatib?

a)

Iisa lamang ang sinusunod na estruktura ng mga tekstong

impormatib.

b)

Mahalaga ang malawak na bokabularyo ng mambabasa sa

komprehensiyon ng mga tekstong impormatib.

c)

Hindi sinasagot ng tekstong impormatib ang tanong na bakit.

d)

Lahat ng nabanggit.

10.

Isang pamamaraan ang photo essay o paggamit ng larawan o litrato sa

pagsasalaysay o paglalahad ng anomang bagay at pangyayari. Anong uri ng

teksto ang photo essay?

a)

Deskriptib

b)

Impormatib

c)

Persuweysib

d)

Prosidyural

11.

Hinahangaan ko ang aking guro na si Gng. Laderas. Bukod sa dedikasyon niya

sa pagtuturo ay binibigyan din niya ako ng lakas ng loob at tiwala sa sarili upang

mapagtagumpayan ko ang hamon sa aking buhay. Anong uri ng paglalarawan

ang ginamit sa pahayag?

a)

Deskriptib Impresyunistik

b)

Deskriptib Teknikal

c)

Obhektibo

d)

Subhektibo

12.

Ito ay nagpapakita ng mga impormasyon tungkol sa mga tiyak na pangyayari,

kilos, at galaw sa mga tiyak na panahon. Nakapokus ito sa kronolohikal o

pagkakasunod-sunod.

a)

Argumentatib

b)

Deskriptib

c)

Naratib

d)

Persuweysib

13.

Isang uri ng paglalahad na kadalasang nagbibigay impormasyon at instruksiyon

kung paanong isinasagawa ang isang tiyak na bagay.

a)

Argumentatib

b)

Prosidyural

c)

Naratib

d)

Persuweysib

14.

Pangunahing layunin ng tekstong impormatib ang magpaliwanag sa mga

mambabasa tungkol sa anomang paksa na matatagpuan sa tunay na daigdig.

Alin sa mga sumusunod na salita ang hindi kabilang sa tekstong impormatib?

a)

Biyograpiya

b)

Encyclopedia

c)

Maikling Kuwento

d)

Papel Pananaliksik

15.

Ito ay matalinong paghula ng maaaring kahulugan ng isang bahagi na hindi

direkta o tahasang ipinaliwanag sa teksto.

a)

Pagpapagana ng imbak na kaalaman

b)

Pagbuo ng hinuha

c)

Pagkakaroon ng mayamang karanasan

d)

Wala sa nabanggit

16.

Ang mga panghalip ay inihahalili maliban sa

a)

pangngalan

b)

bagay

c)

hayop

d)

lugar

17.

Alin sa mga sumusunod ang nakatutulong upang maging malinaw at

maayos ang kaisipan ng isang teksto?

a)

cohesive devices

b)

talasalitaan

c)

istruktura

d)

talata

18.

Sa paggamit ng reperensiyang anapora, saan ito makikita sa pangungusap?

a)

gitna

b)

hulihan

c)

unahan

d)

kabilaan

19.

Ito ay isang uri ng kohesyong gramatikal na ang paggamit ng ibang salitang

ipapalit sa halip na muling ulitin ang salita.

a)

Leksikal

b)

Reperensiya

c)

Pang-ugnay

d)

Substitusyon

20.

Sa kohesyong gramatikal, may binabawas na bahagi ng pangungusap subalit

inaasahang magiging malinaw pa rin sa mambabasa ang nais ipahiwatig sa

nawawalang salita.

a)

Elipsis

b)

Reperensiya

c)

Pang-ugnay

d)

Substitusyon

21.

Ito ay inihahalili sa ngalan ng tao, pook, bagay o hayop. Anong bahagi ng

pananalita ang tinutukoy nito?

a)

Pandiwa

b)

Pangatnig

c)

Panghalip

d)

Pangngalan

22.

Alin sa mga pahayag ang gampanin ng cohesive devices sa pagsulat?

a)

Nagiging mas malinaw at maayos ang daloy ng kaisipan ng isinusulat.

b)

Nagiging maganda ang nilalaman gamit ang mga ito sa pagsulat.

c)

Nagiging malawak ang paglalahad sa paksa.

d)

Nakaaakit basahin ang isang teksto.

23.

Sa paggamit ng reperensiyang katapora, saan ito makikita sa pangungusap?

a)

gitna

b)

hulihan

c)

unahan

d)

kabilaan

24.

Ang paggamit ng cohesive devices ay upang maiwasan ang pag-uulit ng:

a)

pangungusap

b)

parirala

c)

mensahe

d)

salita

25.

Anong bahagi ng pananalita nabibilang ang anapora at katapora?

a)

Pangngalan

b)

Pang-abay

c)

Panghalip

d)

Pandiwa

26.

Si Teodoro ay isang binata na may edad labingwalo. Siya ay payat, mahilig

mag-basketball at nais niyang may aksiyon sa lahat ng kaniyang ginagawa.

a)

Katapora

b)

Leksikal

c)

Anapora

d)

Elipsis

27.

Ang “at” sa tambalang pangungusap ay nagsisilbing:

a)

Pang-ugnay

b)

Pangatnig

c)

Panghalip

d)

Pandiwa

28.

Sa panahon ng ECQ lahat ng mamayang Pilipino ay abala sa paghahanda

ng pagkain, gamot, alchohol, sanitizer, at mapanatili ang kalinisan ng loob at

labas ng bahay.

a)

Pag-uulit

b)

Kolokasyon

c)

Pag-iisa-isa

d)

Pagbibigay kahulugan

29.

Ipaglaban mo ang karapatan mo, sumulat ka ng kuwento, at yakapin mo

ang iyong mga magulang. Napagod silang lahat para makatapos kayo.

a)

Anapora

b)

Katapora

c)

Kahulugan

d)

Pag-iisa-isa

30.

Sa gitna ng pandemya, dapat lamang na pag-ingatan ang kalusugan sa lahat

ng oras dahil ito ay walang pinipili, mayaman man o mahirap, may pinag-aralan o

wala, at bata man o matanda.

a)

Elipsis

b)

Kolokasyon

c)

Pang-ugnay

d)

Substitusyon

31.

Ito ay nagtataglay ng mga mahahalagang impormasyon tulad ng pangalan,

lugar, paglalarawan, datos at iba pa upang pagtibayin ang pangunahing

kaisipan.

a)

paksang pangungusap

b)

pansuportang detalye

c)

pangunahing ideya

d)

pantulong na kaisipan

32.

Ito ay tumutukoy sa kung tungkol saan ang teksto.

a)

detalye

b)

ideya

c)

opinyon

d)

paksa

33.

Alin sa sumusunod na salita ang hindi ginagamit bilang pantukoy ng

pantulong na kaisipan?

a)

ano

b)

bakit

c)

ilan

d)

sino

34.

Ito ay karaniwang matatagpuan sa unahang bahagi o pamaksang

pangungusap ng teksto.

a)

paksang pangungusap

b)

pantulong na kaisipan

c)

pangunahing kaisipan

d)

sumusuportang detalye

35.

Alin sa mga pahayag ang pangunahing kaisipan?

a)

Napakabait na bata ni Julius.

b)

Madaling utusan ang batang iyan.

c)

Magalang siyang makipag-usap sa tao.

d)

Masunurin siya sa kaniyang magulang.

36.

Ito ay tumutukoy sa mensaheng nais ipahatid ng awtor.

a)

kaisipan

b)

pananaw

c)

saloobin

d)

tema

37.

Sino sa sumusunod na manunulat ang may-akda ng tekstong “Sa Kuko ng Liwanag”?

a)

Cirio H. Panganiban

b)

Lualhati Bautista

c)

Edgardo Reyes

d)

Liwayway Arceo

38.

Alin sa sumusunod na pahayag ang angkop na pantulong na kaisipan sa

pahayag na ito? “Ang mabait kong mga magulang ay kayamanang ibinigay sa

akin.”

a)

Ginagabayan nila ako sa lahat ng desisyon na aking ginagawa.

b)

Hindi matatawaran ang kanilang sakripisyo para sa kanilang anak.

c)

Lubos na pagmamahal ang ipinadarama sa atin ng ating mga

magulang.

d)

Ang magulang ay isa sa pinakamagandang regalo na ipinagkaloob sa

mga anak.

39.

Ang sumusunod na pahayag ay tumutukoy sa pantulong na kaisipan,

maliban sa

a)

Ito ay itinuturing na sentrong bahagi ng akda.

b)

Ito ay nakatutulong upang mapalitaw ang pangunahing kaisipan.

c)

Sa tulong nito ay mas nauunawaan ng mambabasa ang diwa ng

teksto.

d)

Maaaring bumuo ng mga tanong na may kaugnayan sa pangunahing

kaisipan upang matukoy ang mga ito.

40.

Ang sampaguita ay mabangong bulaklak. Gustong-gusto ko ang amoy nito.

Tuwing Linggo ay bumibili nito ang nanay ko sa labas ng simbahan. Ang

sampaguita ay paborito kong bulaklak. Ano ang pangunahing kaisipan ng

pahayag?

a)

Paborito ko ang amoy ng sampaguita.

b)

Mabangong bulaklak ang sampaguita.

c)

Laging bumibili ng sampaguita ang nanay ko.

d)

Natatangi ang sampaguita sa lahat ng uri ng bulaklak.

41.

Ang mga pahayag ay ukol sa pangunahing kaisipan, maliban sa

a)

May mga pagkakataong hindi ito lantad sa teksto.

b)

Ito ay nagtataglay ng mga mahahalagang impormasyon.

c)

Karaniwan itong matatagpuan sa unahang bahagi ng akda.

d)

Ito ay ang mensahe na nais ipahiwatig ng awtor sa mga

mambabasa.

42.

Ang mga taong mahilig magbasa ay nakakukuha ng iba’t ibang kaalaman.

Maaari nilang gamitin ang kaalaman na ito sa kanilang mga buhay.

Nalilinang din nito ang bokabularyo ng mambabasa. Ano ang pangunahing

kaisipan na maaaring mahinuha mula sa pahayag?

a)

Marami kang natututuhan na salita.

b)

Mahalaga sa kalusugan ang pagbabasa.

c)

Kawili-wiling gawain ang pagbabasa araw-araw.

d)

Mayaman sa kaalaman ang taong mahilig magbasa.

43.

Maraming kapangyarihan ng musika ang natuklasan ng mga siyentipiko. Alin

sa sumusunod na pansuportang kaisipan ang hindi angkop sa pahayag?

a)

Kayang magpaalis ng stress sa isang tao ang pakikinig nito.

b)

Nakapagpapagaan rin ito ng utak tulad ng memorya, emosyon at iba

pa.

c)

Nakatutulong ito upang mapalawak ang kaalaman sa iba’t ibang

larangan.

d)

Nakagagamot ito ng problema sa puso, depresyon at insomnia o di

pagkatulog.

44.

Ang kamatis na napagkakamalang gulay ay isa palang masustansiyang

prutas na nagtataglay ng Bitamina A at C. Ayon sa mga dalubhasa, ang

madalas na pagkain ng kamatis ay nakatutulong upang makaiwas sa kanser

sa bituka (colon cancer). Ano ang pangunahing kaisipan ng pahayag?

a)

Ang kamatis ay isang uri ng prutas.

b)

Ang kamatis ay nagtataglay ng mga bitamina.

c)

Mahalaga sa kalusugan ng tao ang pagkain ng kamatis.

d)

Makatutulong ito upang maiwasan ang kanser sa bituka (colon

cancer).

45.

Bakit mahalaga ang pagtukoy sa mga kaisipang nakapaloob sa isang teksto?

a)

upang lumawak ang ating kaalaman

b)

upang makapulot ng magagandang aral

c)

upang mabatid ang kahalagahan ng akdang binasa

d)

upang malaman ang nais iparating na mensahe ng teksto