wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

G2. Post Test in AP/Filipino 2

Total questions: 30

Worksheet time: 1hrs 27mins

Name
Class
Date
1.

Tukuyin ang pang-abay na pamanahon sa pangungusap.


Maliligo kami sa dagat mamaya.

a)

maliligo

b)

dagat

c)

mamaya

2.

Tukuyin ang pang-abay na pamanahon sa pangungusap.


Tuwing Linggo ay pumupunta kami sa simbahan.

a)

pumupunta

b)

tuwing Linggo

c)

simbahan

3.

Tukuyin ang pang-abay na pamaraan sa pangungusap.


Malakas sumigaw ang bata.

a)

malakas

b)

sumigaw

c)

bata

4.

Tukuyin ang pang-abay na pamaraan sa pangungusap.


Kinamayan niya ako nang mahigpit.

a)

kinamayan

b)

niya

c)

mahigpit

5.

Tukuyin ang pang-uring ginamit sa pangungusap.


Kami ay pare-parehong matatangkad.

a)

kami

b)

parehong

c)

matatangkad

6.

Tukuyin ang pang-uring ginamit sa pangungusap.


Siya ang pinakamaganda sa mga nakilahok.

a)

pinakamaganda

b)

siya

c)

nakilahok

7.

Tukuyin kung ang pangungusap ay karaniwan o di karaniwang ayos.


Si Ginoong Martinez ay nagtratrabaho sa Lungsod ng Makati.

a)

Karaniwang Ayos

b)

Di Karaniwang Ayos

8.

Tukuyin kung ang pangungusap ay karaniwan o di karaniwang ayos.


Ang mga bata ay naglalaro sa dalampasigan.

a)

Karaniwang Ayos

b)

Di Karaniwang Ayos

9.

Tukuyin ang uri ng pangungusap kung patanong o padamdam.


Anong prutas ang paborito mo?

a)

Patanong

b)

Padamdam

10.

Tukuyin ang uri ng pangungusap kung patanong o padamdam.


Yehey! Nanalo kami sa larong sipa.

a)

Patanong

b)

Padamdam

11.

Tukuyin ang pang-uring pamilang sa pangungusap.


Ang mga taong namalengke ay kakaunti lamang.

a)

kakaunti

b)

namalengke

c)

taong

12.

Tukuyin ang salitang may salungguhit sa pangungusap kung Lantay, Pahambing o Pasukdol.


Si Ken ay mas guwapo kaysa kay Bamba.

a)

Lantay

b)

Pahambing

c)

Pasukdol

13.

Tukuyin ang salitang may salungguhit sa pangungusap kung Lantay, Pahambing o Pasukdol.


Ubod ng linis ang bahay ni Tita Lena.

a)

Lantay

b)

Pahambing

c)

Pasukdol

14.

Tukuyin ang pang-abay na pamaraan sa pangungusap.


Kinamayan niya ako nang mahigpit.

a)

kinamayan

b)

niya

c)

mahigpit

15.

Tukuyin ang pang-abay na pamaraan sa pangungusap.


Mahusay ang pagkakagawa ng iyong proyekto.

a)

mahusay

b)

pagkakagawa

c)

proyekto

16.

Piliin ang tamang pang-ukol na angkop sa pangungusap.


Mag-aral tayo ng mabuti _________ ating kinabukasan.

a)

para kay

b)

ayon kay

c)

para sa

17.

Piliin ang wastong pang-angkop na bubuo sa pangungusap.


Mataas ____ tao ang aking katabi.

a)

na

b)

ng

c)

g

18.

Piliin ang wastong pang-angkop na bubuo sa pangungusap.


Sa pamayanan______ nagkakaisa, lahat ay masaya.

a)

na

b)

ng

c)

g

19.

Piliin ang angkop na panghalip sa panaklong na bubuo sa diwa ng pangungusap.


Ang sakit ng aking mga paa. (Ikaw, Mo), masakit din ba ang iyong mga paa?

a)

a. ikaw

b)

b. Mo

20.

Tukuyin ang uri ng panghalip na may salungguhit.


Bakit kaya nagkaroon ng Covid-19?

a)

a. Panghalip Pamatlig

b)

b. Panghalip Pananong

21.

Piliin ang wastong sagot sa pamimilian.

Ano ang komunidad?

a)

Ito ay binubuo ng pangkat ng mga tao na namumuhay at

naninirahan sa iisang pook.

b)

Ito ay binubuo ng tao at kabahayan.

c)

Ito ay binubuo ng maraming tao sa isang lugar.

d)

Ito ay binubuo ng mga tao na may iba’t ibang hanapbuhay.

22.

Piliin ang wastong sagot sa pamimilian.


Ano ang mahalagang bahagi na bumubuo ng komunidad?

a)

pulisya

b)

tindera

c)

doktor

d)

Pamilya

23.

Piliin ang wastong sagot sa pamimilian.


Alin sa sumusunod ang hindi bumubuo sa isang komunidad?

a)

paaralan

b)

damit

c)

simbahan o sambahan

d)

pamilihan

24.

Piliin ang wastong sagot sa pamimilian.


Dito nanimimili ng pangunahing pangangailangan.

a)

ospital

b)

simbahan o sambahan

c)

paaralan

d)

pamilihan

25.

Piliin ang wastong sagot sa pamimilian.

Ano ang tawag sa isang anyong lupa na napapaligiran ng tubig?

a)

Pulo

b)

Lambak

c)

Bundok

26.

Piliin ang wastong sagot sa pamimilian.

Ano ang tawag sa isang anyong lupa na maaaring sumabog at magdulot ng pagkamatay at pagkasira ng ari-arian?

a)

Lambak

b)

Bulkan

c)

Bundok

27.

Piliin ang wastong sagot sa pamimilian.


Ito ang pinakamalaking anyo ng tubig at dinadaanan ng mga barko o bapor patungon sa mga karatig bansa.

a)

Dagat

b)

Talon

c)

Karagatan

28.

Piliin ang wastong sagot sa pamimilian.

Ito ay isang anyong tubig na mas maliit sa karagatan at maalat ang tubig dito. Nakakakuha dito ng maraming uri ng isda.

a)

Karagatan

b)

Dagat

c)

Ilog

29.

Piliin ang wastong sagot sa pamimilian.


Ito ay isang anyong tubig na bumabagsak mula sa itaas ng bundok. Bukod sa pasyalan at libangan, nakapagbibigay din ito ng enerhiya dulot ng malakas na pagbagsak ng tubig.

a)

lawa

b)

talon

c)

look

30.

Piliin ang wastong sagot sa pamimilian.


Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng pangunahing direksiyon?

a)

Timog-Kanluran

b)

Hilagang-Silangan

c)

Timog