wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Ikatlong Markahan - Ikalawang Lagumang Pagsusulit

Total questions: 50

Worksheet time: 25mins

Name
Class
Date
1.

Bansang pinagmulan ng nobelang 'Purple Hibiscus'

a)

Kenya

b)

Nigeria

c)

Uganda

2.

Si Kibuka, ang alagang baboy at ang drayber ng isang motorsiklo ay tumilapon sa iba’t ibang direksiyon. Ano ang kahulugan ng salitang may salungguhit?

a)

tumalsik

b)

tumumba

c)

tumirik

3.

Sa tingin ko, kamangha-mangha at tila kabalintunaan pa ang kabaitang ipinakita ni Jasmine sa lahat ng uri ng tao at maging sa hayop kaya’t masasabing tunay nga siyang iba. Anong pahayag na naglalahad ng opinyon ang ginamit sa pangungusap?

a)

sa tingin ko

b)

tila

c)

tunay

4.

Ngayon, gugugulin niya ang kaniyang buhay sa maliit niyang dampa sa tabi ng ilog sa Kalansanda. Ano ang kahulugan ng salitang may salungguhit?

a)

aayusin

b)

paglalaanan ng oras

c)

papansinin

5.

Alin sa mga sumusunod na salita ang hindi kabilang sa ginagamit na salita sa paglalahad ng opinyon?

a)

at saka...

b)

maaaring...

c)

siguro...

6.

Sa nararanasang pandemya, marami ang nagkakasakit at namamatay na halos wala nang magawa kundi tanggapin na lamang ang pangyayari. Anong sitwasyon sa akda ang may kaugnayan sa pahayag?

a)

Habang nakaupo siya sa tabi ng namatay na alagang hayop, iniisip niya ang kasunod na mga pangyayari.

b)

Sa bawat hakbang niya upang masiyahan ang alagang baboy ay katumbas naman ng labis na sakit ang dulot sa kaniya na halos ikaiyak niya.

c)

Sa pagkakaretiro niya, nag-aalala pa rin siya kung paano ginagawa sa kasalukuyan ang dati niyang trabaho.

7.

Ano ang sinisimbolo ng pito sa buhay ni Benjamin Franklin ayon sa kaniyang maikling kuwento?

a)

matinding kaligayahan

b)

maling paghahangad

c)

mataas na pangarap

8.

Sa nobelang purple hibiscus, ipinakita ang kapangyarihan ng mga kababaihang sina Kambili, Mama Bea at Tiya Ifeoma.


Anong teoryang pampanitikan ang inilapat sa pagsusuring ito?

a)

feminismo

b)

romantisismo

c)

eksistensiyalismo

9.

Si Barbara Kimenye ay tanyag na manunulat ng ______ sa Silangang Aprika.

a)

kuwentong pambata

b)

nobela

c)

tula

10.

Alin sa sumusunod ang hindi tumutukoy sa isang maikling patikim sa manonood sa kabuuang pelikulang kanilang mapapanood?

a)

patalastas

b)

teaser

c)

trailer

11.

Anong uri ng maikling kuwento ang 'Ang Alaga'?

a)

kuwento ng tauhan

b)

kuwentong pangkalikasan

c)

kuwento ng katutubong-kulay

12.

Ayon sa maikling kuwento, ang pera ay sumisimbolo sa _____.

a)

halaga ng tao

b)

kayamanan

c)

pag-asa

13.

Naging ____ kay Kibuka ang kaniyang pagreretiro.

a)

malungkot

b)

masaya

14.

Alin sa mga sumusunod ang katangian ng sanaysay bilang akdang pampanitikan?

a)

Ito ay walang istruktura at paraan ng paglalahad.

b)

Ito ay hindi nakabatay sa reyalidad ng buhay.

c)

Ito ay may sariling opinyon ng manunulat tungkol sa isang paksa at binubuo ng mga personal na kurokuro.

15.

Ano ang pagkakatulad ng sanaysay sa iba pang akdang pampanitikan?

a)

Naglalahad ito ng mga karanasang magbibigay-aral sa mambabasa.

b)

Naglalahad ito ng mga saloobin at pananaw ng may-akda.

c)

Ito ay likha lamang ng ating guniguni.

16.

Naiiba ang sanaysay sa iba pang akdang pampanitikan dahil _____________.

a)

karaniwang nakabatay ito sa pagbibigay ng opinyon tungkol sa napapanahong isyu

b)

binubuo ito ng kaba-kabanata at may maayos na banghay

c)

nag-iiwan ito ng iisang kakintalan sa mambabasa

17.

Ito ay tumutukoy sa proseso ng pagsusuri o pagkukumpara ng dalawang bagay, lugar, ideya o katangiang magkaugnay o magkatumbas.

a)

bokabularyo

b)

analohiya

c)

morpolohiya

18.

malaya : _______

makatarungan : diskriminasyon

a)

nakalugmok

b)

nakakulong

c)

nakilala

19.

kalayaan : __________

kasarinlan : kapayapaan

a)

kabayanihan

b)

demokrasya

c)

pagbabago

20.

Alin sa sumusunod ang hindi itinuturong dahilan ng katamaran ng mga Pilipino ayon sa sanaysay ni Rizal?

a)

mga Kastila

b)

klima ng bansa

c)

nakasanayan na

21.

Sino raw dapat ang nagbibigay ng pampasigla upang humikayat na gumawa at kumilos ang mga Pilipino ayon sa sanaysay ni Rizal?

a)

pamilya

b)

pamahalaan

c)

sarili

22.

Ang pass law system ay batas na kumikilala sa itim na kapantay ng mga puti kung sila ay _______.

a)

mayaman

b)

may pinag-aralan

c)

may kaibigang puti

23.

Ang sumusunod ay mga itinalang layunin ni Archbishop Desmund Tutu sa kaniyang pagkakatalaga maliban sa _____.

a)

patungkol sa simbahang Anglican

b)

kalayaan ng lahat ng tao sa Africa

c)

batas sa pagbubuwis

24.

Siya ay kinikilala bilang isa sa mga freedom fighter nang nakiisa sa protesta laban sa sistemang apartheid

a)

Nelson Mandela

b)

Desmund Tutu

c)

F.W. De Klerk

25.

Si Nelson Mandela, kasama si F.W. De Klerk ay pinarangalan ng Nobel Piece Prize noong 1993 dahil sa _______.

a)

hakbang na isinagawa para sa pagbabago at kapayapaan

b)

pagiging unang pangulong itim

c)

pangunguna sa pagpapabagsak ng mananakop

26.

Paano ipinakita ni Mandela ang pagpapatawad matapos ang limang dekadang pagsasailalim sa baluktod sa sistema?

a)

pagyakap sa isang sundalong puti

b)

pag-iimbita sa kaniyang tagabantay sa kulungan na isang puti

c)

pag-aalay ng salo-salo sa mga puti

27.

Orihinal na bansang pinagmulan ng sanaysay

a)

Griyego

b)

Pransiya

c)

Inglatera

28.

Panitikang mula sa salitang Pranses na nangangahulugang 'isang pagtatangka, isang pagtuklas, isang pagsubok sa anyo ng pagsulat'

a)

maikling kuwento

b)

nobela

c)

sanaysay

29.

Uri ng sanaysay na ang himig ng pananalita ay parang nakikipag-usap lamang

a)

pormal

b)

di-pormal

30.

Uri ng sanaysay na obhektibo o hindi kumikiling sa damdamin ng may-akda

a)

pormal

b)

di-pormal

31.

Bantas na tanda ng pahayag na tuwiran

a)

kuwit

b)

panaklong

c)

panipi

32.

Pang-ugnay na ginagamit na pananda ng di-tuwirang pahayag

a)

pangatnig

b)

pang-ukol

c)

pang-angkop

33.

Tawag sa pang-ugnay na nag-uugnay sa salita at sa salitang tinuturingan (-g, -ng at na)

a)

pangatnig

b)

pang-ukol

c)

pang-angkop

34.

Ang panitikan ng Nigeria na nasusulat sa kanilang wika ay mas tumatalakay sa kung ano ang ______.

a)

nakalipas

b)

kasalukuyan

c)

hinaharap

35.

Ang ama ni Okonkwo ay isang mahina at talunang nilalang. Siya rin ang dahilan kaya ipinamalas ni Okonkwo ang kaniyang katapangan upang matakpan ang kahihiyang dulot niya sa kanilang pamilya. Ang teoryang pampanitikang masasalamin sa bahaging ito ng nobela ay _______.

a)

humanismo

b)

marksismo

c)

sikolohikal

36.

Malaki ang pagkakaiba ni Okonkwo sa kaniyang ama ______ siya ay isang matapang at respetadong mandirigma. Ang salitang bubuo sa pangungusap ay ______.

a)

kapag

b)

sapagkat

c)

upang

37.

“Ang taong iyan ay kilala at tanyag sa buong nayon, dahil sa kaniyang ginawang pagpapatiwakal, matutulad lamang siya sa isang inilibing na aso.” Anong teorya ng panitikan ang masasalamin sa bahaging ito ng nobela?

a)

humanismo

b)

dekonstruksiyon

c)

moralismo

38.

Alin sa sumusunod na pang-ugnay ang pupuno sa patlang upang mabuo ang pangungusap?

Ikinapanlumo ng komisyoner ng distrito ang naganap ____ panununog sa kanilang simbahan.

a)

-g

b)

-ng

c)

na

39.

Anong uri ng pananaw ang ginamit sa sanaysay na Arkitekto ng Kapayapaan?

a)

unang panauhan

b)

ikalawang panauhan

c)

ikatlong panauhan

40.

Ayon sa talakay, alin sa dalawa ang higit na makulay at masining at nagbibigay-buhay sa kuwento o salaysay maging sa mga tauhan nito?

a)

isinapelikulang nobela

b)

nakalimbag na nobela

41.

Anong kultura ng bansa ang ipinakita sa ekserp ng nobelang Pagguho o Things Fall Apart kung saan hindi mapakasalan ni Okwonko ang iniibig?

a)

pagpapakasal sa wastong edad

b)

pagbibigay ng dowry sa pamilya ng babae

42.

Anong tradisyon ng mga taga-Kalansada ang ipinakita sa kuwentong Ang Alaga?

a)

pagiging matulungin

b)

pagiging maawain

c)

pagiging masikap

43.

Manunulat ng sanaysay na La Indolencia De los Filipinos

a)

Jose Rizal

b)

Manuel Quezon

c)

Apolinario Mabini

44.

Sinabi ng pangulo sa kaniyang SONA na hanapin at hulihin ng mga pulis ang mga taong gumagawa ng masama sa mga frontliners. Anong uri ng pahayag ito?

a)

tuwiran

b)

di-tuwiran

45.

Punan ng angkop na pang-ukol ang patlang.

Ang paksa ng pag-aaral ay ______ sakit na COVID19.

a)

tungkol sa

b)

para kay

c)

tungo sa

46.

Ang edukasyon at ______ ang mga kinakailangan ng mga Pilipino para maipakita ang kanilang kasipagan na inagaw ng mga mananakop.

a)

kayamanan

b)

kalayaan

c)

karunungan

47.

Anong suliraning pandaigdig ang tinalakay sa sanaysay ni Archbishop Tutu?

a)

diskriminasyon ng lahi

b)

labis na kahirapan

c)

pananakop ng dayuhan

48.

Tauhang kumakatawan sa sinisimbolo ng purple hibiscus na may malayang paraan ng pananampalataya

a)

Papa Nnukwu

b)

Tiya Ifeoma

c)

Mama Bea

49.

Anong epekto ang naidulot kay Kambili ng mga paniniwala at pananaw sa buhay ng kaniyang ama?

a)

pagiging kimi at matatakutin

b)

pagiging mapangarapin

c)

pagiging matuwid sa lahat

50.

Islam : koran

Katoliko: ________

a)

diksyunaryo

b)

bibliya

c)

almanac