wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Araling Panlipunan 4 (4th Quarter Summative Test)

Total questions: 20

Worksheet time: 12mins

Name
Class
Date
1.

Ano ang kinakatawan ng mga larawan?

(a)  

2.

Ano ang kinakatawan ng mga larawan?

(a)  

3.

Ano ang kinakatawan ng mga larawan?

(a)  

4.

Ano ang tawag sa paraan ng pamumuhay ng isang pangkat ng tao na kasapi ng lipunan o komunidad?

a)

a. Kasaysayan

b)

b. Kultura

c)

c. Paniniwala

d)

d. Tradisyon

5.

Ipinagmamalaki ng mga Pilipino ang mga pagdiriwang at kapistahan sa bansa sa buong taon. Alin sa mga sumusunod na pagdiriwang ang nagaganap sa Davao na mula sa salitang dayaw?

a)

a. Ati-Atihan Festival

b)

b. Kadayawan Festival

c)

c. Sinulog Festival

d)

d. Pista ng Pahiyas

6.

Sa kabila ng makabagong teknolohiya kinawiwilihan parin ng mga batang Pilipino ang ibat-ibang laro at libangan. Ano ang tawag sa larong ito?

a)

a. Agawan Base

b)

b. Luksong-Tinik

c)

c. Patintero

d)

d. Tumbang-Preso

7.

Tungkulin ito ng bawat Pilipino na awitin ng buong puso at may paggalang sa lahat ng pagkakataon. Ano ang awiting ito?

a)

a. Ako ay Pilipino

b)

b. Ako ay may Lobo

c)

c. Lupang Hinirang

d)

d. Panunumpa sa Watawat ng Pilipinas

8.

Maraming pamang pook ang matatagpuan sa Pilipinas. Alin sa mga sumusunod na larawan ang nagpapakita ng pamanang pook sa Ifugao?

a)
b)
c)
d)
9.

Alin sa sumusunod na pangungusap ang wastong impormasyon tungkol sa watawat ng Pilipinas?

a)

a. Binubuo ang watawat ng kulay pula, asul at berde.

b)

b. May apat na bituin sa bawat sulok ng triyanggulo.

c)

c. Ang kulay puting araw ay nasa gitna ng tatsulok.

d)

d. May mga sinag ang araw na may kabuoang walo.

10.

Alin sa sumusunod na pangungusap ang nagpapakita ng pagpapahalaga at pagmamalaki sa kulturang Pilipino?

a)

a. Pagbili ng mga imported na damit

b)

b. Pagtangkilik at pagmamalaki sa mga larong Pinoy

c)

c. Pagsasawalang-bahala sa kultura ng bansa

d)

d. Pagpapatuloy sa paglalakad habang tinutugtog ang pambansang awit ng Pilipinas.

11.

Bahagi ng yaman ng bansa ang mga taong nainirahan dito. Sila ang mga taong may sariling kultura at paniniwala. Ano ang tawag sa kanila?

a)

a. Tao

b)

b. Etniko

c)

c. Ninuno

d)

d. Waray

12.

1. Anong pangkat ng mga Pilipino ang kilala sa pagkaing may gata at sili, at naninirahan sa kapaligirang may matabang lupa, sagana sa likas na yaman, at may magandang tanawin na bulkan?

a)

a. Bikolano

b)

b. Bisaya

c)

c. Cebuano

d)

d. Ilokano

13.

Kabilang sa pangkat etniko na ito si Lapu-Lapu na magiting na nakipaglaban sa mga Espanyol

at si Sergio Osmeña Sr. na naging pangulo ng Pilipinas.

a)

a. Bikolano

b)

b. Bisaya

c)

c. Cebuano

d)

d. Ilokano

14.

Ang mga Ilokano ay isa sa pinakamalalaking pangkat-etniko sa Pilipinas. Bukod sa pagsasaka at

pagtatanim ng tabako, sila rin ay kilala sa mga magaling magluto. Alin sa sumusunod na pagkain ang tinatawag na pagkaing Ilokano?

a)

a. Bikol Express

b)

b. kare-kare

c)

c. Pritong Manok

d)

d. Pinakbet

15.

Ang mga etnikong ito ay kilala sa pagiging masinop, payak, at matiisin dahil ang lokasyon ng kanilang lugar ay madalas daanan ng bagyo mula sa karagatang Pasipiko. Ano ang pangkat na ito?

a)

a. Bisaya

b)

b. Cebuano

c)

c. Ilonggo

d)

d. Waray

16.

Mahalaga ang pambansang pamahalaan sa isang bansa. Anong pangungusap ang hindi nagpapakita ng katungkulan at katangian ng pamahalaan?

a)

a. Pinangangalagaan ang kalagayan ng mga mamamayan.

b)

b. Pinipili ng pamahalaan ang pagkakalooban ng serbisyo.

c)

c. Tinitiyak na ligtas ang mga tao sa iba’t ibang panganib.

d)

d. Nagtatalaga ng kapulisan upang sugpuin ang krimen.

17.

Kilala ang pamahalaan ng Pilipinas na nabibilang sa mga bansang demokratiko. Bakit tinatawag na “kinatawang demokrasya” ang uri ng pamahalaan ng Pilipinas?

a)

a. Ang mga mamamayan ang tuwirang nangangasiwa sa pamahalaan ng Pilipinas.

b)

b. Ang mga mamamayan ang gumagawa ng batas para sa kanilang bansa.

c)

c. Ang mga mamamayan ang pumipili ng kinatawan na mangangasiwa sa pamahalaan.

d)

d. Ang mga mamamayan ay walang kapangyarihang mamili ng pinuno ng bansa.

18.

Ang sumusunod ay mga tungkulin ng pangulo ng Pilipinas. Alin ang hindi angkop sa mga ito?

a)

a. Maaaring magnomina ng iba pang pinuno sa pamahalaan at militar.

b)

b. Makapagbigay ng talumpati na kilala bilang SONA.

c)

c. Maaari siyang magdeklara ng digmaan sa ibang bansa.

d)

d. Maaaring magpahayag ng batas militar na may kaukulang limitasyon.

19.

Ito sangay ng pambansang pamahalaan ang nagpapatupad ng batas at tumitiyak sa mabuting kapakanan ng mga mamamayan? Anong sangay ito?

a)

a. Sangay Ehekutibo

b)

b. Sangay Lehislatura

c)

c. Sangay Hudikatura

d)

d. Sangay Ehekutibo at Lehislatura

20.

Ang tatlong sangay ng pamahalaan ay may kani-kaniyang tungkulin at may ugnayan sa bawat isa. Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng separation of powers sa pamahalaan?

a)

a. Upang hindi magkaroon ng labis-labis na kapangyarihan ang isang pinuno o sangay.

b)

b. Upang mabalanse ang kapangyarihan ng tatlong sangay ng pamahalaan.

c)

c. Upang magtagal ang pagpapatupad ng kani-kanilang kapangyarihan.

d)

d. Upang mapawalang bahala ang ibang sangay ng pamahalaan.