wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Filipino 10 Achievement Test

Total questions: 40

Worksheet time: 40mins

Name
Class
Date
1.

Ito ang tawag sa paglilipat ng pinakamalapit na katumbas na diwa at estilong nasa wikang isasalin.

a)

Panlapi

b)

Gramatika

c)

Pagpapakahulugan

d)

Pagsasaling-wika

2.

Ito ay nagpapahayag ng mga pangyayari o kasanayang magkakaugnay.

a)

Pangangatuwiran

b)

Paglalarawan

c)

Paglalahad

d)

Pagsasalaysay

3.

Ito ay nagpapahayag ng sariling opinyon, kaisipan at ideyang binibigkas sa harap ng maraming tao.

a)

Tula

b)

Sanaysay

c)

Talumpati

d)

Balagtasan

4.

Panitikan na may suliraning kinakaharap ang pangunahing tauhan at nag-iiwan ng isang kakintalan sa isip ng mambabasa.

a)

Nobela

b)

Karilyo

c)

Dula

d)

Maikling kwento

5.

Sagisag ito na kumakatawan sa isang tagong kahulugan.

a)

Idyoma

b)

Matatalinhagang pananalita

c)

Simbolismo

d)

Tayutay

6.

Ang tulang ito ay walang sukat at tugma ngunit mayaman sa matatalinhagang pananalita.

a)

Padamdamin

b)

Malaya

c)

Blangko berso

d)

Tradisyonal

7.

Panitikang nasa anyong patula noong sinaunang panahon na kalaunan ay naging tuluyan.

a)

Epiko

b)

Anekdota

c)

Sanaysay

d)

Mitolohiya

8.

Ito ay paggamit ng isang salita na kadalasang panghalip na tumutukoy sa isang salita o parirala na binabanggit sa hulihan.

a)

Epipora

b)

Anapora

c)

Katapora

d)

Empanodos

9.

Ito ay patas na paghahanay ng mga salita o kaisipan ayon sa kahalagahan nito mula sa pinakamababa patungo sa pinakamataas na antas.

a)

Pasukdol

b)

Sinekdoke

c)

Paghimig

d)

Pagtanggi

10.

Ito ay ang tulang sagutan na itinatanghal ng magkakatunggaling makata ngunit hindi sa paraang padula.

a)

Tulang Pasalaysay

b)

Tulang Liriko

c)

Tulang Patnigan

d)

Tulang Pantanghalan

11.

Ito ay inaawit nang madamdaming pagsasalaysay.

a)

Balad

b)

Awit at Korido

c)

Soneto

d)

Oda

12.

Ito ay ginagamitan ng mga matatalinghagang salita. Naglalayon itong pukawin ang guniguni at damdamin ng mambabasa.

a)

Karaniwang Paglalarawan

b)

Masining na Paglalarawan

c)

Paglalarawan sa Damdamin

d)

Paglalarawan

13.

Ito ay tumutukoy sa pagbibigay ng magandang reaksiyon sa kapwa, bagay o pangyayari na umani ng papuri o paghanga mula sa atin.

a)

Pagkatuwa at pagkalungkot

b)

Paghanga o pagpuri

c)

Gusto o nais

d)

Maikling Sambitla

14.

Ito ay tumatalakay sa pakikipagtunggali at pagkasawi ng pangunahing tauhan laban sa mga higit na makapangyarihan.

a)

Tulang Dulang Madamdamin

b)

Tulang Dulang Katatawanan

c)

Tulang Dulang Kalunos-lunos

d)

Tulang Dulang Parsa

15.

Ito ay nagtatanghal ng mga pangyayaring lubhang kasiya-siya. Ito ay higit na nakatutuwa kaysa pagiging makatwiran.

a)

Tulang Dulang Madamdamin

b)

Tulang Dulang Katatawanan

c)

Tulang Dulang Kalunos-lunos

d)

Tulang Dulang Parsa

16.

Ito ay tumutukoy sa mga huling pantig sa bawat taludtod.

a)

Sukat

b)

Kariktan

c)

Tugma

d)

Talinghaga

17.

Naglalarawan ito ng tunay na buhay sa bukid.

a)

Dalit

b)

Soneto

c)

Elehiya

d)

Pastoral

18.

Ang komponent na nagbibigay kakayahan sa nagsasalita upang magamit ang salitang naaangkop sa sitwasyon at sa kontekstong sosyal ng lugar kung saan ginagamit ang wika.

a)

Kakayahang Sosyo-linggwistik

b)

Kakayahang Pandiskorsal

c)

Kakayahang Istratedyik

d)

Kakayahang Linggwistik

19.

Ito ay nasa pokus ng tagaganap ang pandiwa kapag ang paksa ng pangungusap ang gumagawa ng kilos na isinasaad sa pandiwa.

a)

Pandiwa

b)

Pandiwa bilang Pangyayari

c)

Pandiwa bilang Aksyon

d)

Pandiwa bilang Karanasan

20.

Ito ang tawag sa mga kataga o salitang nag-uugnay ng dalawang salita, parirala o sugnay na pinagsusunod-sunod na pangungusap.

a)

Pangatnig

b)

Pangatnig na Magkatimbang

c)

Pangatnig na Di-magkatimbang

d)

Pang-angkop

21.

Ito ay tumutukoy sa anyo at balangkas ng sanaysay.

a)

Tema at Nilalaman

b)

Anyo at Estruktura

c)

Kaisipan

d)

Wika at Estilo

22.

Ito ang teksto kung ito ay kinapapalooban ng serye ng mga pangyayaring magkakaugnay sa isa’t isa na humahantong sa isang pangyayari o kaisipan na siyang pinapaksa ng teksto.

a)

Analohikal

b)

Sekwensyal

c)

Kronolohikal

d)

Prosidyural

23.

Ang mga panghalip na inihahalili sa pangngalang itinuturo o inihihimaton.

a)

Panao

b)

Panaklaw

c)

Pananong

d)

Pamatlig

24.

Ito ay bahagi ng panaguri na nagsasaad ng mga bagay na tinutukoy ng pandiwa.

a)

Kaganapang Layon

b)

Kaganapang Sanhi

c)

Kaganapang Direksyonal

d)

Kaganapang Kagamitan sa Kilos ng Pandiwa

25.

Ito ay di-tiyak na paghahambing ng dalawang magkaibang bagay.

a)

Metapora

b)

Pagsasatao

c)

Simili

d)

Pagtawag

26.

Ang El Filibusterismo ay may higit na layuning_____.

a)

Panlipunan

b)

Pampamilya

c)

Panrelihiyon

d)

Pambansa

27.

“Mayayaman ang nasa ibabaw ng kubyerta at nasa ilalim naman ang mahihirap”. Anong kaisipan ang mabubuo kaugnay ng pahayag.

a)

Hindi pagkakapantay ng tao sa lipunan

b)

Pinangingilagan ng mayayaman ang mahihirap

c)

Inihihiwalay ang mayaman sa mahirap

d)

Ito ang hati ng tao sa lipunan

28.

“Binubungkal ko’t titamnan ang lupang ito, namatay at inilibing ang aking asawa’t anak na dalaga sa pagtulong sa akin kaya’t di ko maibibigay ang lupang ito kundi sa sinumang didilig muna rito ng kaniyang dugo at maglibing muna ng kanyang asawa’t mga anak”. Ang posibleng nagsasalita sa bahaging ito ng teksto ay________.

a)

Tandang Selo

b)

Kabesang Tales

c)

Isagani

d)

Basilio

29.

“Ibig ko siyang iligtas. Pagliligtas sa kanya ang dahilan ng aking pagnanasa pang makabalik upang maghimagsik ang magbukas ng pinto ng kumbento,” ni Simoun.

“Ay huli na kayo! Patay na siya!”. Sino ang tauhan na tinutukoy sa usapan?

a)

Huli

b)

Paulita Gomez

c)

Donya Consolacion

d)

Maria Clara

30.

Alin ang sumusunod ang pag-uugali ng karaniwang Pilipino ang inilalarawan ni Placido?

a)

Padalos-dalos sa pagdedesisyon

b)

Pangingibabaw ng siklo ng damdamin

c)

Handang lumaban para sa karangalan

d)

Mapagtimpi subalit marunong ding sumabog na parang bulkan

31.

"Ipinapayo ko sa iyo na tumiwalag ka agad. Punitin at itapon mo ang lahat ng papeles na magpapahamak sa iyo"

a)

pagkatakot

b)

pagpapayo

c)

pagkapoot

d)

pagpapaliwanag

32.

"Kung ang nagsasaad sa paskin ay sang-ayon sa ating damdamin at mithiin ay mabuti ang kanilang ginawa at dapat pasalamatan."

a)

pagsuporta

b)

pagpapasalamat

c)

pagkatakot

d)

pagdaramdam

33.

Ang nobelang Macbeth ay pumapatungkol sa ________

a)

pag-ibig at pagtataksil

b)

pamamahala at kapangyarihan

c)

kagutuman

d)

inggit at kasakiman

34.

Ang bulkang Kiliuea ay nangangahulugang _________

a)

sumusuka

b)

aktibo

c)

banal

d)

natatangi

35.

Ang Rustam at Sohrab ay isang tanyag na epiko ng _________

a)

Pransya

b)

Persiya

c)

Iraq

d)

Ehipto

36.

Si Nelson Mandela ay nakikibaka laban sa __________.

a)

Pamumuhay ng kaniyang mamamayan sa Timog Aprika

b)

Sistema ng pagbubukod sa mga itim sa mga puti

c)

Pang-aapi ng mga pinuno sa mamamayan

d)

Paggamit ng wikang pambansa

37.

Si Chinua Achebe ay nabibilang sa tribo ng __________.

a)

Undin

b)

Gar

c)

Malay

d)

Igbo

38.

Ito ang anyo ng akdang pampanitikan na "Ang Banaue (Stairway to the Sky)"

a)

Alamat

b)

Mitolohiya

c)

Anekdota

d)

Epiko

39.

Ang pagiging marangal ay nangangahulugan ng _______.

a)

Dignidad

b)

Kayamanan

c)

Pag-ibig

d)

Kabayanihan

40.

Ang epiko ng mga taga -Persiya ay kilalas sa tawag na ___________.

a)

Shahnamah

b)

Shenmeya

c)

Sindaya

d)

Sikhayaha