Font size
WorksheetsAP 7- ACHIVEMENT TEST
Total questions: 35
Worksheet time: 18mins
Ito ang rehiyon na kinabibilangan ng Pilipinas sa Asya.
Timog Asya
Timog Silangan Asya
Silangan Asya
Kanluraning Asya
Ang mga sumusunod ay mga kapuluang bansa o arkipelago. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang.
Indonesia
Japan
Philippines
Thailand
Ito ay tumutukoy sa pag-aaral ng mga katangiang pisikal ng daigdig, mga pinagkukunang yaman, klima, vegetation cover at aspektong pisikal ng populasyon nito.
Konsepto ng Asya
Heograpiya
Eurocentric
Asiancentric
Ipinagpapalagay ng pananaw o konsepto na ito na ang Europa ang sentro ng daigdig.
Asiancentric
Eurocentric
Pananaw ng Europeo
Pananaw ng mga Asyano
Dahil sa lawak ng sakop ng Asya, iba't ibang uri ng klima ang nararanasan sa bawat rehiyon nito.
Tama
Mali
buong mundo
Karamihan sa mga bansa sa Hilagang Asya ay mga disyerto.
Tama
Mali
Tundra at Taiga
Naaapektuhan ang buhay ng taga Timog Silangan at Timog Asya ( Southeast and South Asia) sa sistema ng hanging ito.
cyclone
Four Seasons
monsoon
Ang Iran ang may pinakamalaking reserba ng ginto sa buong mundo.
TAMA
MALI
Sagana sa lamang dagat ang West Philipine Sea kaya ito ay
pinag-aagawan ng China, Pilipinas at Taiwan.
TAMA
MALI
Alin sa sumusunod ang kahulugan ng kabihasnan?
mataas na uri ng paninirahan sa malawak na lupain
paninirahan sa malalapit at mauunlad na pamayanan
pamumuhay na tumutugon sa pangangailangan ng mamamayan
pamumuhay na nakagawian at pinauunlad nang maraming pangkat ng tao
Alin sa sumusunod ang pinakamahalagang ambag sa panahon ng neolitiko?
apoy
gulong
pagsasaka
pag-alaga ng hayop
Alin sa sumusunod na panahon kung saan ang mga sinaunang tao ay nakadepende lamang sa kapaligiran?
metal
neolitiko
mesolitiko
paleolitiko
Ito ang nagsilbing tanggulan ng mga tsino laban sa pananalakay ng kanilang mga kaaway
A. Great Wall
B. Hanging Garden
C. Ziggurat
D. Pyramid
Ano ang tawag sa isang uri ng Politeismong relihiyon na umusbong sa sinaunang kabihasnan sa INDIA?
A. Confucianismo
B. Hinduismo
C. Kristyanismo
D. Zoroatrianismo
Ano ang kauna-unahang sistematikong paraan ng pagsulat sa buong Daigdig?
cuneiform
hieroglyphics
alligraphy
pictograph
Ano ang tawag ng mga Egyptian sa proseso ng preserbasyon ng isang yumao kung saan gumagamit ng kemikal upang patuyuin ang bangkay?
pag-embalsamo
paglilibing
mummification
pagpreserba
Sa hilagang Asya ito ay naglalarawan sa mga hayop at mga babaeng shaman na may sungay.
petroglyph
Confucianism
Sa Timog-Silangang Asya, ang mga __________ ay nagbabayad ng bride price para sa kanilang mapapangasawa.
lalaki
babae
Ano ang pinakamataas na bundok sa mundo?
Mt. Apo
Mt Fuji
k2 Mountain
Mt. Everest
Ano ang pinakamataas na talampas sa Mundo?
Tagaytay
Tibet
Iranian Plateau
Baguio
Isang kamalayan sa lahi na nag uugat sa pagkakaroon ng isang relihiyon,wika, kultura,kasaysayan at pagpapahalaga.
Imperyalismo
Kolonyalismo
Nasyonalismo
Ekspidisyon
Si ____________________, isang makabayang Indian Na taglay ang kakaibang perspektiba sa buhay at may layuning mapag-isa ang mga Hindu at Muslim
Mahatm Gandhi
Mustafa Kemel
Reza Khan
Sun Yat-Sen
Ayon sa tala, naganap ang paghihimagsik na ito dahil sa mariing pagtutol ng mga Tsinong kasapi ng The Fists of Righteous Harmony sa panghihimasok at pananamantala ng mga Kanluraning bansa sa kanilang bansa.
Rebelyong Turks
Rebelyong Boxer
Rebelyong Indian
REbelyong Hapon
Ang nagsisilbing sulatan ng mga Sumerian.
Parchment Scroll
Clay Tablet
Oracle Bone
Papyrus Reed
Alin sa sumusunod ang ambag ng mga Sumerian sa sibilisasyon ng mundo?
alpabeto
bakal
kalendaryo
armas
Sya ay kinikilala na "ama ng mga Hebreo."
Moises
Abraham
Isaac
Jacob
Ang Asya ay ang pinakamalaking kontinente sa daigdig. Napapalibutan ito ng iba’t- ibang anyong tubig. Anong malaking anyong tubig ang nasa gawing silangan ng kontinente?
Karagatang Pasipiko
Karagatang Antartiko
Karagatang Indian
Karagatang Arctic
Alin sa mga sumusunod na pahayag ang hindi nagsasabi ng katotohanan hinggil sa ugnayan ng mga anyong lupa, anyong tubig at klima ng isang bansa?
Nagsisilbing natural na pananggalang ng mga bansa sa bagyo at malalakas na hangin ang mga nagtatatasang mga kabundukan.
Mas madalas makaranas ng pag-ulan at bagyo ang mga lupain na mas malapit sa mga katubigan
Lahat ng malilit na bansa ay madalas nakararanas ng pag-ulan at bagyo
Hindi lahat ng disyerto ay nakararanas na mataas na temperatura.
Sa maraming bansa sa Timog-Silangang Asya, itinuturing na pangunahin at napakahalagang butil pananim ang palay. Bakit?
Maaaring ipalit ang palay sa mga butil ng trigo, mais at barley.
Palay ang pangunahing pagkain ng mga tao sa Timog-Silangang Asya
Sagana sa matatabang lupa at bukirin ang rehiyong ito na angkop sa pagtatanim
Galing sa palay ang karamihan sa mga panluwas na produkto ng rehiyong ito.
Ang mga Asyano ay nahahati sa iba’t ibang pangkat batay sa wika at etnisidad na kinabibilangan. Ano ang tawag sa pagpapangkat na ito?
Etniko
Katutubo
Nomad
Etnolingguwistiko
Tukuyin kung anong kabihasnan umiral ang mga nasa larawan
Sumer
Indus
Tsina
Metal
Ano ang pangunahing dahilan kung bakit nagkakaroon ng pagtaas ng temperatura ang ating daigdig o Global Warming?
Sulfuric acid
Greenhouse gases
Methane
Chloroflourocarbon
Mahalagang ambag ng Kabihasnang Mesopotamia na nagsisilbing tahanan ng kanilang diyos o patron?
Phyramid
Code of Hammurabi
Ziggurat
Epic of Gilgamesh
Ito ang pananaw na nagbibigay-halaga sa papel na ginagampanan ng mga asyano sa paghubog ng kanilang kasaysayan at kultura.
Asian-centric
Eurocentric
asiancentrism
Ano naman ang kabisara ng Taiwan?
Taipei
Ulaanbaatar
Seoul
Beijing
