Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

PAGSASANAY SA FILIPINO

Total questions: 20

Worksheet time: 10mins

Name
Class
Date
1.

Inutusan ni Indarapatra si Sulayman upang puksain ang mga ibon at hayop na namiminsala sa mga tao. Ano ang kasingkahulugan na salita ng salitang may salungguhit?

a)

patayin

b)

tawagin

c)

kausapin

d)

hanapin

2.

Nabalitaan niya ang malimit na pananalakay ng mga dambuhalang ibon at mababangis na hayop sa ibang panig ng Mindanao. Ano ang kasingkahulugan ng salitang may salungguhit?

a)

lalawigan

b)

bahagi

c)

kasama

d)

lugar

3.

Sa kasamaang palad nabagsakan ng pakapak ng ibon si Sulayman na siya niyang ikinamatay. Ano ang kahulugan ng salitang may salungguhit?

a)

Hindi Nakita

b)

Hindi handa

c)

Hindi inaasahan

d)

Hindi alam

4.

Anong akdang pampanitikan na nakatuon sa makapangyarihang bayani na nagsasagawa ng isang kagila-gilalas na paglalakbay?

a)

Kuwentong bayan

b)

Mito

c)

Epiko

d)

Pabula

5.

Anong akdang pampanitikan ang naglalarawan ng mga kaugalian, pananampalataya, kilos, tradisyon at suliraning panlipunan ng bawat panahon at ng isang partikular na lugar?

a)

Pabula

b)

Mito

c)

Alamat

d)

Kwentong-bayan

6.

Alin sa mga sumusunod ang HINDI katangian ng Epiko?

a)

Ito ay akdang nagtataglay ng mga makatotohanang pangyayari

b)

Ang akdang tumalatalakay sa mga kabayanihan at pakikipagtunggali ng isang tao na hindi makatotohanan.

c)

Ito ay isang tulang pasalaysay na nagpapakita ng hindi pangkaraniwang pangyayari.

d)

Sumasalamin ito sa kultura, tradisyon at paniniwala ng isang tao gayundin nagtataglay ng kabutihang asal.

7.

Ito ang lohikal na ayos ng mga pangyayari na nagsisilbing pundasyon sa maayos na akda.

a)

atmospera

b)

tagpuan

c)

banghay

d)

tauhan

8.

Sa Kuwentong Bayan masasalamin ang ____________ ng lugar kung saan nagmula ito.

a)

mahusay na may-akda

b)

magagandang tagpuan

c)

kaugalian at kultura

d)

mabubuti at masasamang tao

9.

Awiting karaniwangg tumutukoy sa kultura, tradisyon at kaugalian ng isang bayan.

a)

Kwentong-bayan

b)

awit ng pag-ibig

c)

Kundiman

d)

awiting-bayan

10.

Ang awit sa paghehele sa bata ay Oyayi. Alin naman sa pagpipilian ang awit sa pag-ibig?

a)

kundiman

b)

oyayi

c)

kumintang

d)

diona

11.

Ginawang instrumento ang ___________ bilang tauhan sa pabula.

a)

bagay

b)

halaman

c)

hayop

d)

lahat ng nabanggit

12.

Lahat ay katangian ng pabula, maliban sa isa, alin dito?

a)

kapupulutan ng aral

b)

mga pangyayaring di makatotohanan

c)

ang tauhan ay mga hayop

d)

tungkol sa pinagmulan ng isang bagay

13.

Mga salita na di-literal ang kahulugan na ginamit upang maging kaakit-akit at maging mabisa ang pagpapahayag sa pagbuo ng tula. Ito ay tumutukoy sa __________.

a)

tayutay

b)

bulong

c)

tula

d)

balagtasan

14.

Ito ay elemento ng tula na tumutukoy sa bilang ng pantig sa bawat taludtod.

a)

sukat

b)

tugma

c)

talinhaga

d)

taludtod

15.

Elemento ng tula na nagbibigay ng higit na rikit o ganda sa isang tula dahil ito ay pisikal na pagkakaroon ng magkakapareho o magkakasintunog na dulong pantig.

a)

sukat

b)

tugma

c)

taludtod

d)

saknong

16.

Ito ay isang maikling salaysay hinggil sa isang mahahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may iisang impresyon o kakintalan.

a)

kwentong bayan

b)

maikling kwento

c)

dula

d)

alamat

17.

Bahagi ito ng banghay na kung saan makikita ang kapana-panabik at pinakamaaksyong pangyayari. Alin sa mga bahagi ng banghay ang tinutukoy?

a)

kasukdulan

b)

pataas na aksyon

c)

pababang aksyon

d)

wakas

18.

Ito ay tumutukoy sa element ng maikling kwento kung saan dinadalang may-akda ang mambabasa sa ibat’t ibang lugar sa iba’t ibang panahon kung saan at kalian nagaganap ang mga pangyayari.

a)

tauhan

b)

tagpuan

c)

kakalasan

d)

wakas

19.

Ang ___________ ay tumutukoy sa pinagmulan o dahilan ng isang pangyayari. Ito ay nagsasabi ng mga kadahilanan ng mga pangyayari.

a)

bunga

b)

metaporikal

c)

talinhaga

d)

sanhi

20.

Ang mga pang-ugnay ay maaring makita sa _____________ ng isang pangungusap.

a)

unahan

b)

hulihan

c)

unahan at gitna

d)

gitna at hulihan