wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Filipino 7

Total questions: 15

Worksheet time: 5mins

Name
Class
Date
1.

Isa itong mabisang pamamaraan upang matukoy ang mahahalagang pangyayari sa isang akdang pampanitikan.

a)

Pagbubuod

b)

Pagsusuri

c)

Pagtalakay

d)

Pagbabahagi

2.

Karaniwang ipinapakilala rito ang mga tauhan at tagpuan.

a)

Gitna

b)

Simula

c)

Wakas

d)

Buod

3.

Sa bahaging ito itinatakda ang kinahihinatnan ng pangyayari sa akda.

a)

Wakas

b)

Gitna

c)

Buod

d)

Simula

4.

Isinasalaysay sa bahaging ito ang mahahalagang pangyayari sa akda.

a)

Wakas

b)

Simula

c)

Gitna

d)

Banghay

5.

Tukuyin kung saang bahagi ito makikita sa isang buod.


"Sa loob ng kagubatan, nakakubli ang maganda at kaaya-ayang lawa kung saan ang pitong kinnaree ay masayang dumadalaw lalo na sa araw ng Panarasi (kalakihan ng buwan). "

a)

Simula

b)

Gitna

c)

Wakas

6.

Nagbalik ang prinsipe sa kaniyang palasyo dala-dala si Prinsesa Manorah kung saan umusbong ang isang tunay na pag-ibig sa isa’t isa.

a)

Wakas

b)

Gitna

c)

Simula

7.

"Bumalik sila sa palasyo ng Udon Panjah kung saan isinagawa ang kasal at tuluyang namuhay nang masaya’t matiwasay habambuhay"

a)

Simula

b)

Gitna

c)

Wakas

8.

Isa itong pagsasanay kung papaanong bibigyang solusyon ang isang suliraning maaaring mailapat sa totoong buhay.

a)

Bugtong

b)

Mito

c)

Palaisipan

d)

Kuwentong Bayan

9.

Ang mga akdang ito ay mahiwaga at bunga ng mayamang imahinasyon.

a)

Mito

b)

Kuwentong Kababalaghan

c)

Kuwentong Katatawanan

d)

Pabula

10.

Ito ay mga kuwento sa mga umpukan ng mga tao; gawa-gawa lamang ito bilang pampalipas oras at pagtanggal ng pagod mula sa maghapong paghahanapbuhay.

a)

Kuwentong Katatawanan

b)

Kuwentong Kababalaghan

c)

Pabula

d)

Kuwentong bayan

11.

Ito ay mga kuwentong nagpapatibay ng moral at espirituwal na kaalaman na ang nilalaman ay hinango sa mga pangyayari sa banal na kasulatan na layuning makapagbigay aral.

a)

Pabula

b)

Parabula

c)

Mito

d)

Alamat

12.

Nakatuon ang mga kuwento sa mga bathala, pagkakalikha ng daigdig, puinagmulan ng mga unang tao, kabayanihan, at pagsamba sa mga anito.

a)

Alamat

b)

Parabula

c)

Pabula

d)

Mito

13.

Ito ay paglalarawan ng pag-uugali ng mga tao na ang gumaganap o kumikilos ay pawang mga hayop.

a)

Alamat

b)

Mito

c)

Parabula

d)

Pabula

14.

Ito ay pumapaksa sa pinagmulan ng pook, bagay, o pagkakabuo ng pangalan na ang mga pangyayari ay hindi kapanipaniwala.

a)

Alamat

b)

Mito

c)

Parabula

d)

Pabula

15.

Ang akdang panitikan tulad ng Alamat, Pabula, Mito, Parabula ay ilan lamang sa mga halimbawa ng _______.

a)

Kantahing-bayan

b)

Salaysaying-bayan

c)

Kuwentong Katatawanan

d)

Kuwentong Kababalaghan