wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Pagtataya sa Korido

Total questions: 10

Worksheet time: 5mins

Name
Class
Date
1.

Ang akdang Ibong Adarna ay isang uri ng...

a)

awit

b)

korido

c)

sarswela

d)

moro-moro

2.

Binibigkas ang Ibong Adarna sa himig na mabilis o tinatawag ding…

a)

andante

b)

adagio

c)

allegro

d)

allargando

3.

Ang korido ay binubuo ng 4 na taludturan sa isang saknong at may…

a)

walong pantig sa bawat taludtod

b)

sampung pantig sa bawat taludtod

c)

labindalawang pantig sa bawat taludtod

d)

labing-anim na pantig sa bawat taludtod

4.

Ang mga tauhan sa korido ay karaniwang….

a)

hango sa tunay na buhay

b)

walang kapangyarihang taglay

c)

may kapangyarihang supernatural

d)

higit na makatotohanan gaya ng mga ordinaryong tao

5.

Tinatalakay ng korido ang mga paksang tungkol sa…

a)

pag-uugali at mga uri ng mamamayan sa lipunan

b)

pananampalataya, alamat at mga kababalaghan

c)

kabayanihan ng pangunahing tauhan at mga mandirigma

d)

mga diyos o diyosa at nagbibigay paliwanag sa mga likas na kaganapan

6.

Ang mga sumusunod ay ang mga paraan kung paano inilahad sa madla sa kawili-wiling paraan ang mga tagpo sa Ibong Adarna maliban sa….

a)

hinalaw at isinapelikula ang ibong adarna

b)

ibinalita sa radyo ang mga tagpo ng Ibong Adarna

c)

itinanghal ang kuwento ng ibong adarna sa entablado

d)

inilimbag at ipinamahagi ang akda sa makukulay na babasahin

7.

Ang pangunahing layunin ng mga Espanyol sa pananakop sa Pilipinas ay upang mapalaganap ang...

a)

Katolisismo

b)

Protestantismo

c)

Buddhismo

d)

Ethnosentrismo

8.

Ang pagpapahalaga sa pamilya, lipunan, at pananampalataya ang binibigyang pokus ng akdang korido na…

a)

Noli Me Tangere

b)

El Filibusterismo

c)

Florante at Laura

d)

Ibong Adarna

9.

Piliin ang pinakaangkop na kaisipan ng kasunod na saknong.

“Katutubo sa magulang

na ang anak kapag mahal

ang ingat ay gayon lamang

ni sa hangi’y di pahipan.”

a)

Lahat ay gagawin ng magulang para sa anak.

b)

Takot ang magulang na mahanginan ang anak.

c)

Likas sa magulang ang pagiging "protective" sa anak.

d)

Itatago ng magulang sa hangin ang kanyang minamahal na anak.

10.

Ano ang nais iparating ni Don Juan kay Donya Maria sa pahayag na ito?

“Limutin ka’y kataksilan

magawa ko kaya iyan?

O, buhay ng aking buhay

Magsabi ang kamatayan.”

a)

Walang tiwala sa kanya si Donya Maria.

b)

Sinasabi lang niya na hindi siya makakalimutan.

c)

Ayaw niya na pinagdududahan ang kanyang katapatan.

d)

Pinatutunayan niya na hindi niya kayang kalimutan si Donya Maria.