wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

PANIMULANG PAGTATAYA- ISYU AT HAMON SA PAGKAMAMAMAYAN

Total questions: 10

Worksheet time: 5mins

Name
Class
Date
1.

Ang sumusunod ay ang mga paraan para mawala ang

pagkamamamayan ng isang indibiduwal maliban sa isa.

a)

Nawala na ang bisa ngnaturalisasyon.

b)

Nagtrabaho sa ibang bansa sa loob ng isang taon.

c)

Nanumpa ng katapatan sa saligang batas ng ibang bansa.

d)

Hindi naglingkod sa hukbong sandatahan ng ating bansakapag

mayroong digmaan.

2.

Alin sa sumusunod ang itinuturing na isang mamamayang Pilipino ayon sa Saligang Batas ng 1987 ng Pilipinas?

a)

Yaong mga naging mamamayan ayon sa batas.

b)

Yaong ang mga ama o ang mga ina ay mga mamamayan ng

Pilipinas.

c)

Yaong mga mamamayan ng Pilipinas sa panahon na isinusulat

ang Saligang-Batas na ito.

d)

Yaong mga mamamayan ng Pilipinas sa panahon na isinusulat

ang Saligang-Batas na ito.

3.

Ang sumusunod ay mga kuwalipikadong botante ayon sa Saligang Batas ng 1987 ng Pilipinas maliban sa isa.

a)

mamamayan ng Pilipinas

b)

nakatapos ng hayskul/sekondarya

c)

labing-walong taong gulang pataas

d)

nanirahan sa Pilipinas ng kahit isang taon at sa lugar kung saan niya gustong bumoto nang hindi bababa sa 6 buwan bago

maghalalan.

4.

Alin sa sumusunod na situwasiyon ang hindi nagpapakita ng lumawak na konsepto ng pagkamamamayan?

a)

Si Edna na sumasali sa mga kilos-protesta laban sa katiwalian sa pamahalaan.

b)

Si Rowel na nagtatrabaho para matugunan ang kaniyang mga pangangailangan

c)

Si Angelo na kalahok sa proseso ng participatory budgeting ng kanilang lokal na pamahalaan

d)

Si Michael na lumahok sa isang non-governmental organization na naglalayong bantayan ang kaban ng bayan.

5.

Alin sa mga pahayag ang nagpapakita ng isang Pilipinong iginigiit ang kaniyang karapatan bilang mamamayan?

a)

Ipinauubaya niya sa mga opisyal ng barangay ang pagpapasya

sa mga proyektong dapat isagawa sa kanilang komunidad.

b)

Aktibo siya sa isang peace and order committeeng kanilang

barangay.

c)

Nakikinig siya sa mga hinaing ng mga taong naaapi.

d)

Nanonood siya ng mga serye ng kuwento tungkol sa karapatang pantao.

6.

Alin sa sumusunod ang hindi akma sa nilalaman ng Bill of Rights na nakapaloob sa Saligang Batas ng 1987 ng Pilipinas?

a)

Karapatan ng taumbayan ang kalayaan sa pananampalataya.

b)

Karapatan ng taumbayan ang magtatag ng unyon o mga

kapisanan.

c)

Karapatan ng taumbayan ang mabilanggo sa pagkakautang o hindi pagbabayad ng sedula.

d)

Karapatan ng taumbayan ang hindi gamitan ng dahas at pwersa sa kaniyang malayang pagpapasya.

7.

Basahin ang sumusunod na mensahe:

“Ask not what your country can do for you, ask what you can do for your country.”

Ano ang nais ipaabot ng pahayag niPangulong John F.Kennedy?

a)

Ang pamahalaan at ang mga mamamayan ay may kani-kaniyang karapatan at tungkulin.

b)

Ang mga mamamayan ay dapat na palaging mulat sa mga

polisiya at proyekto ng pamahalaan.

c)

Ang pagiging isang mapanagutang mamamayan ay

makatutulong sa pag-unlad ng isang bansa.

d)

Ang isang bansang malaya ay may sariling pamahalaan at

pamantayan sa pagkamamamayan.

8.

Bakit kailangang masiguro ng isang tao ang ligalidad ng kanyang pagkamamamayan sa isang bansa?

a)

Upang magkaroon siya ng pagkakakilanlan

b)

Upang matiyak ang kaniyang mga tungkulin at pananagutan

c)

Upang mabatid niya ang kaniyang mga karapatan at tungkulin

d)

Upang maigawad sa kaniya ang mga pribilehiyo na dapat niyang matamasa

9.

Bakit mahalagang gamitin natin ang ating karapatang bumoto?

a)

Upang hindi mawala ang ating pagkamamamayan kung hindi

tayo boboto.

b)

Upang maiwasan nating masangkot sa gulo o karahasan tuwing eleksyon

c)

Upang mailuklok natin ang mga opisyal na magbibigay sa atin ng iba’t ibang kagamitan.

d)

Upang ating mailuluklok ang mga opisyal na sa tingin natin ay

ipaglalaban angkarapatang pantao at kabutihang panlahat.

10.

Bakit mahalaga sa isang bansa ang aktibong pakikilahok ng mga mamamayan sa mga nangyayari sa kanilang paligid?

a)

sapagkat mapaaktibo man o hindi, makalalahok pa rin ang mga

mamamayan sa mga nangyayari sa bansa

b)

sapagkat kakikitaan ng mga karapatang pantao ang mga

mamamayan batay sa itinakda ng saligang-batas

c)

sapagkat malaki ang bahaging ginagampanan ng mga

mamamayan na makatugon sa mga isyu at hamong panlipunan

d)

sapagkat mas magiging makapangyarihan ang mga opisyal ng

pamahalaan kung magiging aktibo ang mga mamamayan sa

bansa