Worksheets4th summative Exam 7
Total questions: 30
Worksheet time: 3hrs 30mins
Ayon kay Kohlberg, ang moral dilemma ay isang sitwasyong nagpapahayag ng dalawang magkasalungat na posisyon na kinapapalooban ng dalawang magkaiba o nagtutunggaling pagpapahalaga. Ibig sabihin nito na:
Mahirap ang magpasya dahil ito ay nagiging sanhi ng pagtatalo ng isip tungkol sa mga iba’t ibang mga posisyon.
Ang pagpapasiya ay nababatay sa ating mga kagustohan.
Ang pagpapasya ay pagpili sa maraming pamimilian.
Madali lang magpasya kung alam natin ang sarili nating mga pagpapahalaga.
Ang lahat ng kilos ng tao ay bunga ng proseso ng pagpapasiya. Ibig sabihin nito na:
Ang lahat ng kilos natin ay dumadaan sa isang mahabang proseso.
Ang lahat ng kilos natin ay ginagamitan ng proseso ng mabuting pagpapasiya.
Ang lahat ng ating kilos ay nababatay sa ating isip at kilos-loob.
Kailangang pinag-iisipang mabuti ang lahat ng ating kilos o ginagawa.
Paano maikukumpara sa chess ang proseso ng pagpapasya?
Mahirap laruin ang chess dahil ginagamitan din ito ng pag-iisip.
Kinakailangan ito ng panahon upang laruin.
Pinag-aaralan munang mabuti ang bawat galaw upang maging batayan ng gagawing tira.
Lahat ng nabanggit.
Karaniwan na ang mga linyang “Bigyan mo pa ako ng panahong makapag- isip, “sa mga mahalagang pagpapasiyang ginagawa. Ibig sabihin nito;
Mahalagang bahagi ng proseso ng pagpapasiya ang panahon
Kinakailangan ng mahabang panahon ang pagpapasiya.
Mahirap talaga ang gumawa ng pasya.
Ang balangkas ng proseso ng pagpapasiya ay nakabatay sa panahon
Kahit na binigyan ng magandang pwesto sa kumpanya si Chit ng kanyang ama sa kanilang kumpanya, pinili pa rin nito ang magtayo ng sariling negosyo. Ito ang tunay na nagpapasaya sa kanya.
Nakakahiya namang mabansagang COO o Child of Owner sa isang kumpanya bagama’t ikaw ay mahusay na CEO.
Kinakailangan ding isaalang-alang ang damdamin sa paggawa ng pasya.
Mas mahalaga na masaya ang tao sapagkat maikli lamang ang buhay.
Mahalaga kay Chit ang kanyang pansariling kaligayahan.
Bakit kailangang pag-isipang mabuti ang epekto ng mga pagpapasyang gagawin?
Upang magkroon siya ng kasanayan sa pagbibigay ng desisyon.
Upang matanggap ng mga tao sa paligid ang anumang pagpapasya.
Upang masukat ang kawastuhan ng mga pasyang ibibigay.
Upang makaisip ng magandang solusyon sa kinakaharap na suliranin.
Ang higher good ay tumutukoy sa:
Kagandahang loob sa bawa’t isa
Ikabubuti ng mga mahal sa buhay
Ikabubuti ng mas nakararami
Lahat ng nabanggit
Ano ang pinakapundasyon ng mabuting pagpapasya?
Pamilya
Pagpapahalaga
Pananampalataya
Kasiyahan
Nararapat na matuto ang isang kabataan na magpasya nang wasto, ang pahayag na ito ay…
Tama sapagkat hindi na siya bata.
Tama sapagkat kasama ito sa mga dapat may kasanayan siya.
Mali sapagkat maari naman siyang magpatulong sa mga magulang.
Mali sapagkat bata pa para sa maga kanitong mga bagay.
Bakit kailangang mayroong alternatibo o pagpipilian ang isang tao bago magpasya?
Upang makatulong sa pasyang igagawad.
Upang makapagsya nang wasto ang isang tao.
Upang maging mas madali ang pagdedesisyon.
Upang makahanap ng mga paraan ang isang tao.
Binigyan ka ng iyong ina ng dalawang libong piso bilang regalo sa iyong kaarawan. Saan pinakamagandang ilaan ang nasabing halaga?
Panglakwatsa
Aklat
Pampanood ng sine
Magandang damit
Kung nananatili sa iyo ang agam-agam dahil mayroon ka ring pakiramdam na maaari kang magsisi sa iyong pasiya, kailangan mong…
Pag-aralan muli ang iyong pasiya na may kalakip na panalangin at mas ibayong pagsusuri.
Huwag mag-agam-agam dahil hindi ka makakikilos hanggang hindi ka nakapipili.
Gawin na lamang kung ano ang magpapasiya sa iyo.
Gawin na lamang ang magpapasiya sa mas nakararami.
Bakit kailangang matukoy ng isang tao ang kanyang layunin sa buhay?
Upang matukoy niya ang tungkulin na kanyang gagampanan.
Upang maging masaya siya sa buhay.
Upang may mapananagutan siya bilang tao.
Upang magpasya siya na tutugon sa kagustohan ng mas nakakarami.
Bakit may mga pagkakatao na kailangang sanayin ang isang mag-aaral sa ikapitong baiting na magpasya para sa sarili?
Kailangan ito sa bawat yugto ng buhay.
Kasanayan ito na mahalaga siya sa buhay.
Hindi siya masanay umasa sa nakatatanda habambuhay.
Paraan ito ng pagpapakita ng karanungan.
Ang isang kabataang katulad mo ay nangaingailangan pa rin ng gabay ng mga magulang, guro, at iba pang mapagkakatiwalaang nakakatanda. Ang pinakapangunahing dahilan nito ay:
Maiwasan ang pagkalito.
Maging maayos ang pananaw ng isang tinedyer.
Maapektuhan din sila ng pagpapasyang isasagawa ng kabataan.
Masiguro ang kawastuhan ng pasiya ng isang kabataan.
Sa pagbabalak ng karerang pipiliin at pag-aralan, bakit nararapat na matukoy ng isang kabataan ng kanyang taglay na mga kakayahan?
Bahagi ito ng pagkilala sa sarili.
Upang masuri ang kahandaan sa pipiling kurso.
Upang makakuha ng mataas na marka sa kolehiyo.
Lahat ng nabanggit.
Bakit kailangang kahit na nasa ikapitong baiting ka pa lamang ay naghahanda na sa pipiliin mong karera?
Upang maipakita ko ang aking maturity.
Upang maisiguro ang magandang kinabukasan.
Upang maihanda ang sarili para sa kinabukasan.
Upang hindi ito makasagabal sa pag-unlad ko bilang tao.
May mga nagtapos ng kolehiyo na hindi nagagamit ang tinapos na kurso sa hanapbuhay na pinasukan. Ano ang tawag sa ganitong kalagayan?
unemployement
underemployment
job mismatch
employement
Paano maiiwasan ang underemployment?
Kumuha na lamang ng mga kursong teknikal-bokasyonal.
Tiyaking tamang kurso ang pipiliin.
Magkaroon ng tiwala sa sarili.
Makinig sa payo ng mga magulang.
Kanino nararapat sumangguni ang isang katulad mong nasa ikapitong baitang pa lamang patungkol sa paghahanda sa pipiling kurso sa hinaharap?
mga kabarkada
mga kaibigan
nakatatanda
idolong artista
Bakit kailangang malaman ng isang kabataang katulad mo ang mga hanapbuhay sa bansa na nangangailangan ng maraming manggagawa?
Upang magaya ang pipiliing kurso ng mga kaibigan.
Upang maiwasan ang underemployement at unemployement.
Upang madagdagan ang kaalaman sa paksang ito.
Upang masuri ang interes o hilig sa mga tinutukoy na hanapbuhay.
Sinu-sino ang mga tao na maaring tumulong sa iyo na maghanda sa pipiliing kurso sa hinaharap?
mga magulang
mga guro
mga kaibigan
lahat ng nabanggit
Isang halimbawa ng highly skilled worker ang inihinyero sapagkat…
siya ang nagbubuo ng mga bahagi ng produkto sa isang industriya
siya ang gumagawa ng balangkas at nag-iisip ng mga kailangang sangkap at disenyo ng produkto
malaki ang pasahod sa kanya ng kumpanya
lahat ng nabanggit
Bakit isa sa mahahalagang indikasyon ng pagkakaroon ng sapat na edukasyon ang tamang pag-awit ng Lupang Hinirang?
Isang palatandaan ng sapat na edukasyon ang pag
galang sa mga simbolo ng Pilipinas.
Bahagi ng pormal na edukasyon ang pagtuturo ng tamang pag-awit ng Lupang Hinirang
Araw-araw inaawit sa paaralan ang pambansang awit
Lahat ng nabanggit
Isa sa mahahalagang ugali sa pag-aaral o study habit ang pakikipag-usap sa guro sapagkat…
Kailangan mo ring magpalapad ng papel sa guro paminsan-minsan
Madalas mahirap kausapin ang guro
Mahalagang paraan ang pakikipag-usap sa guro upang makatiyak na tama ang pagkaunawa sa mga takdang-aralin at sa paghahanda sa mga pagsusulit
Lahat ng nabanggit
Ang edukasyon tulad ng kalusugan ay kayamang hindi mapapantayan ang halaga. Sa paanong paraan ito papahalagahan ng isang kabataan?
Pagtuunan ito ng pansin at gawing puso ang mga tungkulin dito.
Laging pumasok sa araw-araw at gumawa palagi ng mga takda.
Huwag magbubulakbol sa pag-aaral.
Sundin sa tuwina ang utos ng guro.
Marami sa mga kabataan ang tumigil sa kanilang pag-aaral. Paano mo maiiwasan ang matulad sa kanila?
Palagiang humingi ng baon sa mga magulang.
Lagpasan lahat ng balakid sa pag-aaral at mag-aral nang mabuti.
Sikaping mataas ang mga marka sa bawat asignatura.
Maging bukas sa mga mungkahi ng iba kung paano pagbubutihin ang pag-aaral.
Mahalaga ang bawat asignatura sa paaralan. Ang pahayag na ito ay...
Tama sapagkat lahat nito ay kasama sa curriculum.
Tama sapagkat ang mga kasanayan na itinuturo ay hangad na mapaunlad ang buong pagkatao ng isang indibidwal.
Mali sapagkat Ingles, Sipnayan, at Agham lamang ang mga mahahalaga.
Mali sapagkat hindi lahat ay kailangan.
Bakit kailangang matuto ang isang mag-aaral na sumusunod sa pangaral ng mga guro?
Upang kagiliwan sila ng guro.
Upang magkaroon siya ng paggalang sa mga guro.
Upang malaman niya ang kabutihan ng pagiging masunurin.
Upang malaman niya ang halaga ng pagsunod sa mga patakaran at batas.
Sabi nila na nagiging pantay ang mga mayayaman at mahirap dahil sa edukasyon. Ang pahayag na ito ay...
Tama sapagkat pareho ang mga kasanayan na itinuturo sa mga mag-aaral.
Tama sapagkat pare-parehong nag-aaral ang mga mamayan at mahihirap.
Mai sapagkat mas nakapag-aaral ang anak-mayaman kaysa anak-mahirap.
Mali sapagkat mas maganda ang hanapbuhay ng mga nakatapos sa pribadong paaralan.
