NEW
Font size
WorksheetsUnang Lagumang Pagsusulit - Ikaapat na Markahan
Total questions: 50
Worksheet time: 25mins
Ang sagisag-panulat na Laong-laan ni Rizal ay nangangahulugang ______.
hindi masalang
matagal nang handa
laban sa Kastila
Ang pangalan niyang _____ ay mula sa isang santo na galing sa isang Kristiyanong kalendaryo.
Jose
Protacio
Mercado
Ang ating pambansang bayani ay may lahing Pilipino, Tsino, Kastila at ____.
Hapon
Indones
Europeo
Ang pater putativus na pinagmulan ng palayaw ni Rizal ay nangangahulugang ____ sa Latin.
ikinokonsiderang ama
nag-iisang ama
masamang ama
Ang unang pighati ni Rizal ay nang mamatay ang kaniyang kapatid na si ____ sa gulang lamang na tatlo.
Concepcion
Narcisa
Olimpia
Sa _______ unang nahilig sa panitikan si Rizal at dito nawiling magbasa at magsulat.
Unibersidad ng Sto. Tomas
San Juan De Letran
Ateneo De Manila
Ang huling pag-ibig ni Rizal ay nakilala niya habang siya ay nasa ____.
Dapitan
Laguna
Amerika
Binigyan ng tuon ni Rizal ang pagiging _____ para gamutin ang kaniyang ina.
optalmologo
antropolohika
etnolohika
Ang pamagat ng nobelang ito ay mula sa bibliya
Noli Me Tangere
El Filibusterismo
Ang nobelang ito ay malatalaarawang pagsasalaysay ng mga suliranin ng sistema ng pamahalaan at mga kaakibat na problema: sa lupa, pamamahala, pamamalakad ng relihiyon at edukasyon, katiwalian, atbp.
Noli Me Tangere
El Filibusterismo
Ayon kay Jose Rizal, ang nobelang ito ang nakahihigit sa isa.
Noli Me Tangere
El Filibusterismo
Ang nobelang ito ay nakatulong nang malaki kay Andres Bonifacio at sa Katipunan noong 1896
Noli Me Tangere
El Filibusterismo
Ipinadala ang nobelang ito sa Hong Kong at sinamsam; ipinuslit sa Pilipinas at ipinasira ang mga kinumpiska ng pamahalaan
Noli Me Tangere
El Filibusterismo
Sa nobelang ito ay hindi naisama ang kabanata tungkol kina Elias at Salome subalit buo at maaaring isalin at pag-aralan din
Noli Me Tangere
El Filibusterismo
Si Simoun, na pangunahing tauhan ng El Filibusterismo, ay hinango ni Rizal kay Simoun Bolivar na tagapagpalaya ng kabilugang _____ mula sa Espanya.
Amerika
Italya
Belhika
Nakilala ng batang si Rizal ang tatlong paring martir dahil sa mga kuwentong ibinabahagi sa kaniya ni ______.
Paciano
Blumentritt
Ponce
Nalaman ni Rizal na pinag-uusig at pinasasakitan ng mga Kastila ang kaniyang pamilya dahil sa ______.
nobela
lupa
krimen
Ipinakasal si Leonor Rivera kay ____ dahilan upang lalong mahirapan si Rizal sa pagsusulat ng nobela.
Charles Henry Kipping
George Taufer
Jose Taviel de Andrade
Namatay ang _____ na kaibigan ni Rizal sa Madrid habang isinusulat ang akda.
2
3
4
Bayaning nakaalitan dahilan sa isang babae
Antonio Luna
Marcelo H. del Pilar
Graciano Lopez-Jaena
Nagpadala si Rizal ng sulat dito, habang ito ay nasa Hongkong, upang makakuha ng kaunting pera mula sa Messagevies Maritimes
Jose Alejandro
Jose Maria Basa
Valentin Ventura
Tinutukoy na kanser ng lipunan ni Rizal noon hanggang sa ngayon
karalitaan
pananakop
pagpapaalipin
Ayon sa kaniya, walang nakahihigit sa dalawang nobela.
Mariano Ponce
Rafael Palma
Wenceslao Retana
Ang kaniyang apelyidong Rizal ay mula sa salitang _______ na ricial na nangangahulugang luntiang pastulan.
Latin
Tsino
Griyego
Unang paaralan sa ibang bansa na kaniyang pinasukan para pag-igtingin pa ang kaalaman sa medisina
Unibersidad Central de Madrid
Unibersidad de Paris
Unibersidad ng Heidelberg
Tinulungan siya ni Maximo Viola sa pagpapalimbag ng nobelang ito
Noli Me Tangere
El Filibusterismo
Akdang Pilipino na nabasa ni Rizal na nagpaalab lalo ng pagnanais na makasulat ng akdang gigising sa mga Pilipino
Florante at Laura
Ibong Adarna
Ang Huling Paalam
Si Maria Clara at Paulita Gomez ay mga tauhang hinango kay _____.
Consuelo Ortiga
Leonor Rivera
Suzzane Jacoby
Nag-iisang babaeng 'pinakasalan' ni Rizal
Nellie Bousted
Josephine Bracken
Leonor Valenzuela
Ang Bagumbayan, lugar kung saan binaril si Rizal, ay mas kilala na ngayon sa tawag na _____.
Luneta Park
Intramuros
Fort Santiago
Ang mga magulang ni Rizal ay nagkakilala sa _____.
probinsya
paaralan
negosyo
Apelyido ni Rizal na nangangahulugang pamilihan o palengke
Mercado
Alonzo
Protacio
Para kanino ang liham na isinulat ni Rizal na nagsasaad na: "Hindi na makatutulong sa akin ang panalangin sa simbahan."
kasintahan
ina
kapatid
Walang ibang madarama sa nobelang ito kundi ibayong poot at kapaitan
Noli Me Tangere
El Filibusterismo
Sinimulang ibalangkas ang El Filibusterismo sa taong ____.
1885
1890
1891
Nobelang inialay para sa bansang sinilangan
Noli Me Tangere
El Filibusterismo
Ito isang biswal na representasyon ng isang sunud-sunod na mga kaganapan
timeline
framework
graphic organizer
Isang sistematikong paraan ng pagsulat ng mahahalagang impormasyon o detalye
pagtatala
pagbubuod
paggawa ng burador
Gamit ang uri ng pagtatala na ito sa mga impormasyong
napakinggan o narinig sa isang lektyurer
pamaraang cornel
survey, question, read, recall, review (SQ3R)
Ito ay siksik at pinaikling bersiyon ng teksto na maaring nakasulat, pinanood o pinakinggan. Pinipili rito ang pinakamahalagang ideya at sumusuportang ideya o datos.
buod
tala
burador
Sa F. Meyer-Van Loo Press nagpalimbag ng El Filibusterismo si Rizal dahil _____.
pumayag na hulugan
kakilala ang may-ari
wala nang pagpipilian
Taong 1872 nagsimula ang timeline ng nobela nang ____.
bitayin ang GomBurZa
mamatay ang kapatid
ikasal sa iba si Leonor
Ano ang sandatang ginamit ni Rizal upang magising ang mga Pilipino sa pang-aalipin ng mga Kastila?
baril
pluma
espada
Bakit kaya nagpursige si Rizal na tapusin ang kanyang aklat kahit sa magulong sitwasyon sa panahon na kanyang isinulat ito?
dahil nais niyang ipaalam sa lahat ng mga Pilipino ang mga magagandang katangian ng mga Kastila
dahil nais niyang gisingin ang bayan upang makapagbangon laban sa maling pamahalaan
dahil nais niyang ipaalam sa bunong mundo ang katalinuhang taglay ng mga Pilipino
Bakit naiba ang tema ng El Filibusterismo sa naunang nobelang Noli Me Tangere?
dahil ito sa mga pangyayaring nararanasan ng kanyang pamilya, ng kanyang sarili at maging ang bansa
dahil nais niyang mamulat ang mga Pilipino sa pagiging mapagmahal ng mga dayuhan
dahil nais niyang baguhin ang layunin niya sa pagsusulat
Ano ang kahulugan ng “El Filibusterismo”?
Ang Katapangan
Huwag Mo Akong Salingin
Paghahari ng Kasakiman
Ilang kabanata mayroon ang orihinal na katha na El Filibusterismo?
44
45
43
Isinerye ng El Nuevo Regimen, isang ____ sa Madrid, ang El Filibusterismo sa mga isyu nito noong Oktubre 1891.
pahayagan
magasin
artikulo
Nobelang sinimulang isulat sa Calamba noong 1887
Noli Me Tangere
El Filibusterismo
Nagturo kay Rizal ng lahat ng uri ng dasal
Teodora Alonzo
Leon Monroy
Matandang Juancho
