NEW
Font size
WorksheetsIkatlong Markahan Lagumang Pagsusulit sa A.P. 10
Total questions: 40
Worksheet time: 42mins
Tinukoy ng World Health Organization (WHO) bilang biyolohikal at pisyolohikal na katangian na nagtatakda ng pagkakaiba ng babae sa lalaki?
bi-sexual
transgender
gender
sex
Ito ay tumutukoy sa mga panlipunang gampanin, kilos, at gawain na itinatakda ng lipunan para sa mga babae at lalaki.
sex
gender
bi-sexual
transgender
Kakayahan ng isang tao na makaranas ng malalim na atraksiyong apeksyonal, emosyonal, sekswal; at ng malalim na pakikipagrelasyon sa taong ang kasarian ay maaaring katulad ng sa kanya, iba sa kanya, o kasariang higit sa isa.
homosexual
heterosexual
gender identity
sexual orientation
Ito ay kinikilala bilang malalim na damdamin at personal na karanasang pangkasarian ng isang tao, na maaaring nakatugma o hindi nakatugma sa sex niya nang siya’y ipanganak.
gender identity
sexual orientation
transgender
gender roles
Oryentasyong sekswal nagkakaroon ng seksuwal na pagnanasa sa mga taong nabibilang sa katulad na kasarian, mga lalaking mas gustong lalaki ang makakatalik at mga babaeng mas gusto ang babae bilang sekswal na kapareha
homosexual
heterosexual
gender identity
sexual orientation
Tumutukoy sa mga taong nagkakanasang sekswal sa miyembro ng kabilang kasarian, mga lalaki na ang gustong makatalik ay babae at mga babaeng gusto naman ay lalaki.
homosexual
heterosexual
gender identity
sexual orientation
Mga babae na ang kilos at damdamin ay panlalaki; mga babaeng may pusong lalaki at umiibig sa kapwa babae
gay
asexual
lesbian
transgender
Ito ay mga taong nakararamdam ng atraksyon sa dalawang kasarian
Lesbian
Gay
Bisexual
Asexual
Pangkulturang pangkat sa Papua New Guinea kung saan ang mga babae at mga lalaki ay kapwa matapang, agresibo, bayolente, at naghahangad ng kapangyarihan o posisyon sa kanilang pangkat.
Arapesh
Tchambuli
Chambri
Mundugumur
Ang mga bababe sa pangkat na ito ay dominante kaysa sa mga lalaki, sila rin ang naghahanap ng makakain ng kanilang pamilya, samantala ang mga lalaki naman ay inilarawan bilang abala sa pag-aayos sa kanilang sarili at mahilig sa mga kuwento.
Arapesh
Tchambuli
Biwat
Mundugumur
Ito ay ang anumang pag-uuri, eksklusiyon o restriksiyon batay sa kasarian na naglalayon o nagiging sanhi ng hindi pagkilala, paggalang, at pagtamasa ng mga babae ng kanilang mga karapatan o kalayaan.
pang-aabuso
diskriminasyon
pagsasamantala
pananakit
Tawag ni Hillary Clinton (2011) sa mga LGBT dahil ang kanilang kwento ng diskriminasyon at karahasan ay itinago na lamang dahil sa takot.
minorities
invisible minority
minority group
invincible minority
Mga gawaing nagdudulot ng pisikal, mental, o sekswal na sakit kasama ang pagbabanta, pamimilit at pagsikil ng kalayaan.
pananakit
karahasan
pang-aabuso
diskriminasyon
Ang mga sumusunod na pahayag mula sa pag-aaral na inilabas ng United Nations Development Programme (UNDP) at ng United States Agency for International Development (USAID) na may titulong “Being LGBT in Asia: The Philippines Country Report”, ang mga sumusunod ay nararanasan ng mga LGBT MALIBAN sa isa:
bias sa serbisyong medikal
napapangalagaan ng mga batas
kakaunting oportunidad sa trabaho
kakaunting oportunidad sa pabahay at maging sa edukasyon
Bansang nagpasa ng batas na “Anti-Homosexuality Act of 2014” na nagsasaad na ang same- sex relations at marriages ay maaaring parusahan ng panghabambuhay na pagkabilanggo.
Uganda
Pakistan
India
Kathmandu
Isinasagawa ng mga sinaunang babae sa China kung saan ang mga paa ng mga Babae ay pinapaliit hanggang sa tatlong pulgada gamit ang pagbalot ng isang pirasong bakal o bubog sa talampakan.
lily feet
foot ironing
lotus feet
foot binding
Isang kaugalian sa bansang Cameroon sa kontinente ng Africa kung saan ang dibdib ng batang nagdadalaga ay minamasahe sa pamamagitan ng bato, martilyo o spatula na pinainit sa apoy.
binukot
breast ironing
purdah
foot binding
Sa India, isinasagawa ng mga Muslim at ilang Hindu ang pagtatabing ng tela sa kababaihan upang maitago ang kanilang mukha at maging hubog ng kanilang katawan. Ano ang tawag dito?
Babaylan
Purdah
Lotus Feet
Dowry
Ano ang ipinahihiwatig ng larawan?
May pantay na karapatan na ang babae at lalaki
Ito ay isang uri ng diskriminasyon at karahasan sa kalalakihan
Ang mga lalaki ay maaring manatili sa bahay at gawin ang mga gawaing bahay
Mas maraming babae na ang naghahanap buhay at ang mga lalaki ang naiiwan sa bahay
Mga kababaihan ng Panay, Bukidnon na hindi pinapayagang makita ng tao bukod sa kanilang pamilya. Hindi rin sila pinapayagang umapak sa lupa, kaya naman sinasabing ang mga ito ay mahihina sa paglalakad. Sila ay tinatratong prinsesa sa kanilang komunidad.
binukot
babaylan
pundong
biningkit
Ang Anti-Violence Against Women and their Children Act ay isang batas na nagsasaad ng mga karahasan laban sa kababaihan kanilang mga anak at nagbibigay lunas at proteksiyon sa mga biktima nito. Sino ang kababaihang tinutukoy sa batas na ito?
Kababaihan na may edad pataas
Kababaihan na walang asawa at mga anak
Kababaihan na iniwan ng asawa at nakaranas ng pang-aaabuso
Kababaihan na nagkaroon ng anak sa isang karelasyon, babaeng may kasalukuyan o nakaraang relasyon sa isang lalaki at kasalukuyan o dating asawang babae
Saklaw ng Magna Carta for Women ang lahat ng babaeng Pilipino. Binibigyang pansin ng batas na ito ang kalagayan ng mga batang babae, matatanda, mga may kapansanan, mga babae sa iba’t-ibang larangan. Marginalized Women at Women in Especially Difficult Circumstances. Alin sa mga sumusunod ang kabilang sa women in especially difficult circumstances?
Mga biktima ng karahasan at armadong sigalot
Magsasaka at manggagawa sa bukid
Kababaihang Moro at katutubo
Maralitang tagalungsod
Kailan naisabatas ang Magna Carta for Women?
Hunyo 8, 2008
Hulyo 8, 2008
Mayo 18, 2008
Agosto 8, 2008
Ang mga ang posibleng magsagawa ng krimen ng pang-aabuso at pananakit at maaring kasuhan sa Anti-Violence Against Women ang their Children Act maliban sa
kasalukuyan at dating asawang lalaki
mga lalaking nagkaroon ng anak sa babae
mga kasalukuyan at dating kasintahan at live-in partners na lalaki
mga binata o walang asawa
Alin sa mga sumusunod ang tuwirang responsibilidad ng pamahalaan bilang pangunahing tagapagpatupad ng Magna Carta for Women?
Maglatag ang pamahalaan ng mga nararapat at mabisang paraan upang maisakatuparan ang batas na ito
Proteksiyunan ang kababaihan sa lahat ng uri ng diskriminasyon at ipagtanggol ang kanilang mga karapatan
Gumawa ng mga hakbang ang pamahalaan upang marepaso o maalis ang batas, patakaran, programa at polisiya na nagpapalala sa diskriminasyon laban sa kababaihan
Lahat ng nabanggit.
Tumutukoy ito sa mga babaeng mahirap at may limitadong kakayahan na matamo ang mga batayang pangangailangan at serbisyo.
Women in Especially Difficult Circumstances
Women with Especial Needs
Marginalized Women
Violence against Women
Si Liza ay limang taon na sa kanyang trabaho sa isang kumpanya at masasabing dito na nalinang ang kanyang kakayahan at angking galing ngunit sa kabila ng kanyang katangian mas pinili ng kanyang superyor na ibigay sa kaibigan katrabaho niyang lalaki ang mataas na posisyon dahil naniniwala ang kanyang superyor na mas kayang gampanan nito ang mga gawain. Sa sitwasyong ito, anong batas ang nakakasakop sa kalagayan ni Liza?
Republic Act 9262
Republic Act 8505
Republic Act 6725
Republic Act 9710
Ang mga sumusunod ay kabilang sa Women in Especially Difficult Circumstances maliban sa
Mga biktima ng prostitusyon
Babaeng nakakulong
Biktima ng pang-aabuso
Kababaihang manggagawa
Ang mga sumusunod na pahayag ay tumutukoy sa “mga anak” sa ilalim batas ng Anti-Violence against Women and their Children Act maliban sa
Mga babaeng inabuso
Hindi tunay na anak ng isang babae ngunit nasa ilalim ng kanyang pangangalaga
Labing-walong taon at pataas na wala pang kakayahang alagaan o ipagtanggol ang sarili
Anak na wala pang labing-walong taong gulang lehitimo man o hindi
Sa iyong palagay, ano ang pinakamahalagang nagagawa para kababaihan ng mga batas na nabanggit?
Naitataguyod ang pagkakapantay-pantay ng mga babae at lalaki sa lahat ng bagay
Naitataguyod ang husay at galing ng bawat babae at ang potensiyal nila bilang alagad ng pagbabago at pag-unlad
Nagbibigay proteksiyon sa mga kababaihan at sa kanilang mga anak
Lahat ng nabanggit
Ano ang ibig sabihin ng pahayag na ito? “LGBT rights are human rights”
Ang mga LGBT ay dapat tratuhing tao.
Ang mga LGBT ay may karapatang-pantao.
May pantay na karapatan ang lahat ng tao.
Ang karapatan ng mga LGBT ay kabilang sa karapatang pantao.
Patuloy ang hayagang pakikilahok ng mga LGBT sa lipunan. Noong Nobyembre 6-9, 2006 nagtipon-tipon sa Yogyakarta Indonesia ang 27 eksperto sa oryentasyong seksuwal at pagkakakilanlang pangkasarian na nagmula sa iba’t ibang bahagi ng daigdig. Ano ang pangunahing layunin nito?
Ipaglaban ang karapatan ng mga LGBT
Makiisa sa mga gawain at adhikain ng LGBT sa daigdig
Pagtibayin ang mga prinsipyong makatutulong sa pagkakapantaypantay ng mga LGBT
Bumuo ng mga batas na magbibigay proteksiyon sa LGBT laban sa pang-aabuso at karahasan.
Bilang state party sa CEDAW ang Pilipinas ay inaasahang gawin ang sumusunod. Maliban sa isa
Ipawalang-bisa ang lahat ng batas at mga nakagawiang nagdidiskrimina
Ipatupad ang lahat ng patakaran para magpatuloy ang diskriminasyon sa mga kababaihan
Itaguyod ang pagkakapantay-pantay sa pamamagitan ng iba’t ibang hakbang kondisyon at karampatang aksiyon
Gumawa ng pambansang ulat kada apat (4) na taon tungkol sa mga isinagawang hakbang para matupad ang mga tungkulin sa kasunduan
Anong sitwasyon ang hindi nagpapakita ng pagtanggap at paggalang sa kasarian?
Pantay ng kabayaran sa magkakapantay na trabaho.
Pantay na oportunidad para sa mga lalaki at mga babae.
Pagpapahintulot sa mga kababaihan na maging sundalo, pulis o bumbero.
Pagbabawal sa kababaihan na maghanapbuhay matapos magpakasal.
Matapos ang pagpupulong 27 eksperto sa oryentasyong seksuwal at pagkakakilanlang pangkasarian (sexual orientation at gender identity o SOGI) mula sa iba’t -ibang bahagi ng daigdig noong ika-6 hanggang ika- 9 ng Nobyembre, 2006 sa Yogyakarta, Indonesia, pinagtibay ang 29 prinsipyong makatutulong sa pagkakapantay-pantay ng mga LGBT. Alin sa mga sumusunod ang hindi kasama sa mga prinsipyong nito?
Ang mga kalalakihan lamang ang may karapatang sumali sa mga usaping publiko, kabilang ang karapatang mahalal, lumahok sa pagbubuo ng mga patakarang may kinalaman sa kaniyang kapakanan
Bawat isa, anuman ang oryentasyong seksuwal at pagkakakilanlang pangkasarian ay nararapat na ganap na magtamasa ng lahat ng karapatang pantao.
Ang lahat ay may karapatan sa edukasyon nang walang diskriminasiyong nag-uugat at sanhi ng oryentasyong seksuwal at pagkakakilanlang pangkasarian
Ang lahat ay may karapatan sa disente at produktibong trabaho, sa makatarungan at paborableng mga kondisyon sa paggawa, at sa proteksyon laban sa disempleyo at diskriminasiyong nag- uugat sa oryentasyong seksuwal o pagkakakilanlang pangkasarian.
Dokumentong naglalaman mga prinsipyong makatutulong sa pagkakapantay-pantay ng mga LGBT na binubuo ng 29 na prinsipyong nakaayon sa Pandaigdigang Batas ng mga Karapatang Pantao (Universal Declaration of Human Rights o UDHR) at ilang mga rekomendasiyon.
CEDAW
Prinsipyong Yogyakarta
Universal Declaration of Human Rights
Bill of rights
Ito ay prinsipyong nagsasaad na ang bawat isa ay may karapatang magtamasa ng lahat ng karapatang pantao nang walang diskriminasiyong nag-uugat sa oryentasyong seksuwal o pagkakakilanlang pangkasarian.
Ang karapatan sa unibersal na pagtatamasa ng mga karapatang pantao.
Ang mga karapatan sa pagkakapantay-pantay at kalayaan sa diskriminasyon
Karapatan sa buhay
Ang karapatan sa trabaho.
Kailan pumirma ang Pilipinas sa CEDAW?
Disyembre 18, 1979
Setyembre 3, 1981
Hulyo 15, 1980
Agosto 5, 1981
Kilala ang CEDAW sa mga sumusunod na tawag maliban sa isa. Ano ito?
International Bill for Women
United Nations Treaty for the Rights of Women
United Nations General Assembly
United Nations, Treaty for the Rights of Women
May tungkulin ang State Parties na igalang, ipagtanggol at itaguyod ang Karapatan ng kababaihan. Ano ang inaasahan sa mga State Parties?
Ipatupad ang lahat ng batas at mga nakagawiang nagdidiskrimina;
Ipatupad ang lahat ng patakaran para ipagpatuloy ang diskriminasyon at maglagay ng mga epektibong mekanismo at sistema kung saan maaring humingi ng hustisya ang babae sa paglabag ng kanilang karapatan;
Itaguyod ang di pagkakapantay-pantay sa pamamagitan ng iba’t ibang hakbang kondisyon at karampatang aksiyon;
Gumawa ng pambansang ulat kada apat (4) na taon tungkol sa mga isinagawang hakbang para matupad ang mga tungkulin sa kasunduan.
