NEW
Font size
WorksheetsMga Tauhan sa Ibong Adarna at Katangian ng bawat Isa
Total questions: 5
Worksheet time: 4mins
Habang binabagtas ang daan patungo sa nasabing bundok, panay ang sambit sa Birheng Inang Marilag na nawa ay matagalan ang paghihirap na dinaranas. Anong katangian ni Don Juan ang ipinapakita dito na hindi taglay ng dalawa niyang kapatid?
madasalin
matiyaga
mapagmahal
matalino
Si Don Juan ay walang kamalay-malay na nagbabalak na pala ang nasa likuran na si Don Pedro ng masama laban sa kanya at kinumbinsi nito si Don Diego na patayin si Don Juan. Noong una ay mariin itong tumanggi ngunit kalauna’y pumayag din. Anong katangian ni Don Diego ang pinapakita dito?
may paninindigan
sunud-sunuran sa kapatid
matapang
mabait
Tanyag, sagana at mayaman ang kaharian ng Berbanya. Tahimik at payapang namumuhay ang mga tao rito. Malimit na nagkakaroon ng pagdiriwang at mga piging sa nasabing kaharian. Ito ay patunay lamang sa mga katangian ni Haring Fernando maliban sa isa __________.
mahusay
matalino
maginoo
mapagmataas
Sa labis na paghihintay sa pagdating ng ibong adarna, siya ay nakaidlip at hindi napansin ang pagdating ng ibon at walang anu-ano’y natapat ito sa natutulog na prinsipe at sa isang iglap ay naging isang bato. Anong katangian ni Don Pedro ang pinapakita dito?
walang tiyaga
tamad
antukin
matapang
Hindi pa rin makapaniwala si Don Juan na nagtaksil sa kaniya ang dalawa niyang kapatid. Handa naman niyang ibigay ang ibon sa kanila kung iyon ang kanilang ibig. Anong magandang ugali ang ipinapakita ni Don Juan dito?
matalino
maka-Diyos
mapagbigay
matapat
