NEW
Font size
WorksheetsACHIEVEMENT TEST - ARALING PANLIPUNAN 9
Total questions: 50
Worksheet time: 2hrs 40mins
Ito ay ang dami ng produkto na kayang bilhin ng konsyumer sa isang tiyak na panahon at tiyak na presyo nito.
Suplay
Presyo
Demand
Kita
Anong batas ang nagsasaad na kapag ang presyo ng produkto at serbisyo ay bumababa, tumataas naman ang quantity demanded. Samantala, kapag tumataas naman ang presyo ng produkto at serbisyo, ang quantity demanded ay bumababa?
Batas ng Demand
Batas ng Suplay
Batas ng Presyo
Batas ng Kita
Tuwing sasapit ang Araw ng mga Puso, inaasahan na ang presyong mga bulaklak ay tumataas. Aling salik ang inilalarawan dito?
Populasyon
Inaasahang pangyayari
Teknolihiya
Kita
ito ay ginagamit sa larangan ng matematika upang maipakita ang relasyon ng dalawang variables - ang presyo at ang dami ng produkto at serbisyo.
Bahay-kalakal
Demand Function
Kapital
Buwis
May mga sitwasyon na ang kagustuhan ng tao sa isang produkto o serbisyo ay hindi na niya kayang mabili dahil sa pagtaas ng presyo. Aling salik ang inilalarawan dito?
Panlasa at Kagustuhan
Inaasahang pangyayari
Presyo
Teknolohiya
Ito ay ang kakayahan at kahandaan ng prodyuser na gumawa ng produkto at serbisyo ayon sa dami ng kaya niyang gawin sa tiyak na panahon at presyo nito.
Presyo
Kapital
Demand
Suplay
Ito ay isang modelo na nagpapakita ng kilos ng prodyuser o bahay-kalakal sa pamilihan.
Supply Function
Demand Function
Price Function
Tax Function
Sa panahon ngayon, may mga makinang gagawa na ng tinapay ang ginagamit.
Anong salik ang inilalarawan?
Teknolohiya
Buwis
Presyo ng produksyo
Panlasa ng mamimili
Nakasalalay ang dami ng produksyon ng produkto at serbisyo sa dami ng bahay-kalakal o prodyuser.
Anong salik ang inilalarawan?
Dami ng bahay-kalakal
Dami ng kasangkapan
Dami ng utang
Dami ng gastusin
Ito ay porsyento na ibinibigay ng pamahalaan para matulungan ang industriya o bahay-kalakal upang mapakinabangan ang produkto o serbisyo ng nakakarami.
Presyo
Kagamitan
Buwis
Sugal
Ito ang kabuuang halaga na kinita ng tao mula sa kaniyang iginawad na serbisyo o sa paglikha ng produkto.
Kita
Impok
Konsumo
Kapital
Ito ang paggasta ng sambahayan o konsyumer sa bawat produkto o serbisyo para sa pangangailangan at kagustuhan.
Kita
Impok
Konsumo
Kapital
Ito ay tumutukoy sa pera na kinita na hindi nagastos o ginamit mula sa pagkonsumo.
Kita
Impok
Konsumo
Kapital
Ito ang perang naimpok o naipon kung gagamitin para kumita.
Kapital
Buwis
Kita
Konsumo
Ito ay tumutukoy sa kaugnayan ng pagkonsumo at kita sa isa't-isa.
Marginal Propensity
Consumption Function
Disposable Income
Underground Economy
Ito ang porsyento sa pagkonsumo at porsyento sa pag-iimpok.
Marginal Propensity
Interest rate
Investment
Savings
Ito ang bahagi ng karagdagang kita ng manggagawa para sa pagkonsumo.
APS
APC
MPS
MPC
Ito ay tumutukoy sa relasyon o proporsyon ng impok sa antas ng kita.
MPC
MPS
APC
APS
Ito ay tumutukoy sa relasyon o proporsyon ng pagkonsumo at antas ng kita.
APC
APS
MPS
MPC
Ito ang tawag kapag ang resulta sa Average Propensity to Save ay zero.
Cool-off
Stand-out
Break-even
Log-in
Alin sa mga sumusunod ang binuo upang masukat ang pag-unlad ng mga estruktura ng bansa.
GNP
GDP
BMI
HDI
Ang pagdami ng trabaho ay nangangahulugan na ang bansa ay _____.
Nalulugi
Humihina
Umuunlad
Hindi nakikilala
Kapag ang _______ ay mababa, ito ay tanda na maaaring papaunlad pa lang ang ekonomiya ng isang bansa.
GDP
GNP
TAX
BMI
Ang Human Development Index (HDI) ay binuo ng _______.
United Nations
Sinovac
Aztrazenica
PCSO
Ang dami ng _______ ay sumisimbolo sa kakayahan ng mga manggagawa na makagawa ng produkto sa nakatakdang panahon.
Produksyon
Oras
Trabaho
Pera
Nagkaroon ng matinding oil spill galing sa isang pabrika sa Mandaluyong.
Anong uri ng suliranin ang nailalarawan?
Kakulangan sa teknolohiya
Polusyon
Pagbabago sa klima
Kawalan ng masasakyan
Ito ay isang agham na tumutulong sa pagpapalago at paglinang ng mga halaman, hayop, isda, pananim, at iba pa upang gawing pagkain.
Hudikatura
Imprastruktura
Agrikultura
Pagmaamnupaktura
Ang uri ng pangingisda na ito ay tumutukoy sa pangingisdang gumagamit ng mga malalaking bangka o fishing vessel.
Municipal fishing
Aquaculture
Commercial fishing
Online fishing
Nitong mga nagdaang taon, nagkaroon ng El Nino o matinding tagtuyot na nakapinsala sa mga taniman sa Pilipinas.
Anong suliranin ang inilalarawan?
Pagwawalang-bahala sa mga batas
Polusyon
Panahon
Kawalan ng Transportasyon
Ito ay ang sektor kung saan inaalagaan ang iba’t ibang klase ng hayop upang pakinabangan at ibenta sa merkado.
Paghahayupan
Paggugubat
Pagsasaka
Pagmamaneho
Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga sangay ng agrikultura?
Pangingisda
Paghahayupan
Paggamot
Pagsasaka
Alin sa mga sumusunod na paraan ang mainam upang mas lumaki ang kita sa pangingisda?
Magsagawa ng Muro Ami at Dynamite fishing
Bilihin lahat ng isda sa palengke at ibenta sa mas mataas na presyo
Palihim na magbenta ng mga ipinagbabawal na isda
Magsagawa ng aquaculture
Mula noon, ang tanging gamit ni Mang Benedicto sa pagsasaka ay ang kanyang alagang kalabaw na si Trixie.
Aling suliranin ang inilalarawan dito?
Pagwawalang-bahala sa mga batas
Polusyon
Kakulangan sa teknolohiya
Oras ng trabaho
Alin sa mga sumusunod ang nakapagdudulot ng suliranin sa mga kagubatan ng Pilipinas?
Dynamite fishing
Cyanide fishing
Tree planting
Illegal logging
Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng maling gawain sa pangingisda?
Pagkakaroon ng permiso sa panghuhuli
Aquaculture
Dynamite fishing
Hindi paghuli ng endagered na mga isda
Ito ay nagmula sa salitang Latin na industria na ang ibig sabihin ay pagiging “masikap sa pagtatrabaho.”
Pagmimina
Elektrisidad
Industriya
Transportasyon
Aling sektor ang lumilikha ng mga serbisyo upang mapakinabangan?
Paglilingkod
Pagmimina
Pangingisda
Industriya
Alin sa mga sumusunod ang paggawa o paglikha ng mga bagay o produkto sa pabrika at pagawaan?
Pangangalakal
Pagmamanupaktura
Pangingisda
Pagtutubig
Ito ay isang proseso ng pagkuha ng mga mineral mula sa yamang-lupa. Alin sa mga sumusunod ang tinutukoy?
Tubigan
Elektrisida
Pagmimina
Transportasyon
Alin sa mga sumusunod ang industriya ng pagtatayo ng mga estruktura katulad ng mga gusali at kalsada?
Pagmimina
Tubigan
Pagmamanupaktura
Konstrukyon
Alin sa mga sumusunod na sangay kung saan nangyayari ang pagpapalitan ng mga produkto at serbisyo?
Kalakal
Real state
Pananalapi
Transportasyon
Sila ay may mga ahente o broker na maaaring mamagitan sa pamamahala, pagbili, pagbenta, at pag-upa sa mga gusali at tahanan.
Tindero
Minero
Real estate
Drayber
Alin sa mga sumusunod ang nagpapagalaw o naghahatid sa mga kalakal upang makarating ang mga ito sa pamilihan at mamamayan?
Transportasyon
Komunikasyon
Implasyon
Konstruksyon
Si Mang Jose ay may-ari ng isang dyip. Ang dyip na ito ay nakapaloob sa anong uri ng transportasyon?
Panghimpapawid
Panlupa
Pantubig
Pangkalawakan
Kahit hindi nakapagkolehiyo, nais ni Juliene na magkaroon ng certificate sa Digital Animation. Anong ahensiya ang dapat niyang lapitan?
TESDA
DOT
DTI
NTC
Kailan itinatag ang Department of Labor and Employment o DOLE?
Disyembre 8, 1933
Oktubre 14, 2013
Abril 23, 1993
Hunyo 3, 2003
Makailang beses nakatanggap ng text messages si Teacher Ronally na naglalaman ng mga panlolokong mensahe. Alin sa mga sumusunod na ahensiya ang dapat niyang pagsumbungan?
DTI
CHED
DOLE
NTC
Alin sa mga sumusunod ang nangangasiwa sa paglawak ng kalakalan, pamumuhunan, at negosyo upang makalikha ng trabaho at negosyo sa bansa?
DTI
CHED
NTC
DOT
Ang mga skill courses gaya ng welding, bread and pastry, dressmaking, at bartending ay nakapaloob sa aling ahensiya?
DOLE
TESDA
NTC
DOT
Nais malaman ni Mrs. Charlotte Antero kung ang kompanya na kanyang pinagtatrabahuhan ay legal. Saan dapat magpunta si Charlotte?
DOLE
TESDA
DOT
NTC
