Font size
Worksheets3rdQ AGHAM 3
Total questions: 25
Worksheet time: 25mins
Alin sa mga sumusunod na salita ang nagpapahiwatig ng paggalaw ?
nakaupo
nakahiga
naglalakad
natutulog
Kinuha ni Nash ang sandok mula sa ibabaw ng mesa at inilagay niya ito sa loob ng kaldero. Nasaan na ngayon ang sandok?
sa ibabaw ng mesa
sa ilalim ng mesa
nasa loob ng kaldero
nasa labas ng kaldero
Hinila ni Bea ang tali mula sa itaas papunta sa ibaba. Nasaan ang tali matapos na mahila ito?
nasa ibaba
nasa gitna
nasa itaas
nasa gilid
Ang force ay kailangan upang mapagalaw ang isang bagay
TAMA
MALI
Ang umaagos na tubig ay may pwersa na nakapagpapagalaw ng mga bagay.
TAMA
MALI
Nahahatak ng magnet ang mga papel at dyaryo.
TAMA
MALI
Kapag malakas ang tulak sa laruang sasakyan, mabilis at malayo ang distansya na magagawa nito.
TAMA
MALI
Ang aklat ay nasa _______ng ___________.
A. ilalim ,upuan
B. itaas ,kabinet
C. ilalim , mesa
D. ibabaw, mesa
Ang bag at lapis ay nasa ________sa _______.
A. ilalim ,upuan
B. itaas ,kabinet
C. ilalim , mesa
D. ibabaw, mesa
9. Ang bag ay nasa _____________ng ______________.
A. nakapatong ,kabinet
B. ilalim , mesa
C. ilalim ,upuan
D. itaas ,kabinet
Ito ay ginagamit upang mailarawan ang eksaktong posisyon na kinalalagyan ng mga bagay.
posisyon
reference object
bagay
Nahahatak ng magnet/batobalani ang kahoy at mga plastic.
Tama
Mali
Ang pwersa na nagpapagalaw sa mga dahon ng puno.
alon
hangin
kuryente
Ang umaagos na tubig ay hindi nakapagpapagalaw ng mga bagay.
Tama
Mali
Ang Puwersa (Force) ay may kinalaman din sa pagbabago ng lokasyon ng mga bagay. Maaaring ito ay mahila, maitulak, umatras, sumulong, malipat paitaas o paibaba.
Tama
Mali
Ito ay isang uri ng enerhiya o lakas na tumutulong upang makita natin ang kagandahan ng ating paligid.
init
kuryente
liwanag
tunog
Ito ang pangunahing pinagmumulan ng init at liwanag sa mundo.
apoy
araw
bituin
buwan
Ano ang nagpapagana sa mga kagamitan tulad ng electric fan, refrigerator, TV at washing machine?
baterya
init
kuryente
magnet
Ito ay isang anyo ng enerhiya na nalilikha sa pamamagitan ng pag-vibrate na nalilikha sa pag-urong-sulong ng isang bagay.
init
kuryente
liwanag
tunog
Alin sa mga sumusunod ang gawaing bahay na ginagamitan ng init?
Paglalaba
Pagpaplantsa
Pagwawalis
Pagbubunot
Alin sa mga sumusunod na grupo ang nakakalikha ng tunog at nagsisilbing tulay ng komunikasyon?
cellphone, telepono, radyo
pahayagan, ilaw
aircon, refrigerator
stove, washing machine
Bakit mahalaga ang tunog?
Nagbibigay ng aliw sa pamamagitan ng pakikinig ng musika.
Nagbibigay ng warning, signal o hudyat.
Nakapagbibigay ng impormasyon.
Lahat ng nabanggit.
Ano ang pangunahing pinagmumulan ng kuryente?
araw
bituin
kidlat
powerplant
Alin sa mga bagay ang napapagana ng baterya?
kalan
laruang kotse
refrigerator
washing machine
Anong bagay ang nakakalikha ng tunog sa pamamagitan ng pagkalabit ng mga string o kwerdas nito?
gitara
marakas
tambol
trumpeta
