Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

MGA ISYU AT HAMON SA PAGKAMAMAMAYAN

Total questions: 7

Worksheet time: 2mins

Name
Class
Date
1.

Bakit kailangang masiguro ng isang tao ang ligalidad ng kanyang pagkamamamayan sa isang bansa?

a)

Upang magkaroon siya ng pagkakakilanlan

b)

Upang matiyak ang kaniyang mga tungkulin at pananagutan

c)

Upang mabatid niya ang kaniyang mga karapatan at tungkulin

d)

Upang maigawad sa kaniya ang mga pribilehiyo na dapat niyang matamasa

2.

Saang Artikulo ng 1987 Konstitusyon ng Pilipinas inilahad ang batayan ng ating Pagkamamamayan o Citizenship

a)

Article I

b)

Article II

c)

Article III

d)

Article IV

3.

Alin sa mga sumusunod ang HINDI KABILANG sa mamamayan ng Pilipinas batay sa Seksiyon I ng Artikulo IV ng 1987 Konstitusyon

a)

Yaong mamamayan ng Pilipinas sa panahon ng pagpapatibay ng Saligang- Batas na ito.

b)

Yaong ang mga ama o mga ina ay mamamayan ng Pilipinas

c)

Yaong ang kanilang ama at ina ay banyaga

d)

Yaong mga naging mamamayan ayon sa batas

4.

Tumutukoy ito sa prinsipyo ng pagkamamamayan kung saan ang pagkamamamayan ay nakabatay sa lugar kung saan siya ipinanganak. Tinatawag din itong “Right of Soil” na prinsipyong sinusunod sa Estados Unidos.

a)

Jus Soli o Jus Loci

b)

Jus Sanguinis

c)

Jus Matrimoni

d)

Refugees

5.

Ano ang binibigyang diin sa konsepto ng lumawak na pananaw ng pagkamamamayan?

a)

Ang pagkamamamayan sa isang estado ay inaasahang magiging tagasunod lamang sa lahat ng kagustuhan ng pamahalaan para sa ikabubuti ng estado.

b)

Ang mamamayan ay tagamasid lamang sa mga pagbabagong nagaganap sa lipunan na kanyang ginagalawan.

c)

Ang pagkamamamayan ng isang indibidwal ay nakabatay sa kanyang mga tungkulin sa lipunan at sa paggamit ng kaniyang mga karapatan para sa kabutihang panlahat.

d)

Ang pagkamamamayan ay nakabatay sa katayuan sa lipunan na isinasaad ng estado.

6.

Sa lumawak na pananaw ng pagkamamamayan, alin sa mga sumusunod ang maituturing na isang mabuti at responsableng mamamayan ayon kay Yeban (2004)

a)

Gumagawa ng mabuti para sa pansariling kapakanan.

b)

Naiinggit sa tagumpay ng ibang tao

c)

Masayahin sa kapwa

d)

May respeto sa karapatang pantao

7.

Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang HINDI nagpapakita ng lumawak na konsepto ng pagkamamamayan?

a)

Si Edna na sumasali sa mga kilos- protesta laban sa katiwalian sa pamahalaan.

b)

Si Rowel na nagtatrabaho para matugunan ang kaniyang mga pangangailangan.

c)

Si Angelo na kalahok sa proseso ng participatory budgeting ng kanilang lokal na pamahalaan.

d)

Si Michael na lumahok sa isang non- governmental organization na naglalayong bantayan ang kaban ng bayan.