wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

CEDAW

Total questions: 10

Worksheet time: 5mins

Name
Class
Date
1.

Ito ay batas na nagsasaad ng mga karahasan laban sa kababaihan at kanilang mga anak, nagbibigay lunas at proteksiyon sa mga biktima nito at nagtatalaga ng kaukulang parusa sa lumalabag nito.

a)

A. Women and Children Act

b)

B. Anti-Children and Women Act Bill

c)

C. Act for Women and Children in Discrimination

d)

D. Anti-Violence Against Women and Their Children Act

2.

Sila ang mga babaeng mahirap o nasa di-panatag na kalagayan ayon sa Magna Carta for Women.

a)

A. Samahang Gabriela

b)

B. Marginalized Women

c)

C. Powerful Women of the Society

d)

D. Women in Especially Difficult Circumstances

3.

Ito ang itinalaga ng Magna Carta for Women bilang pangunahing tagapagpatupad o primary duty bearer ng komprehensibong batas na ito.

a)

A. paaralan

b)

B. pamahalaan

c)

C. senado

d)

D. simbahan

4.

Sila ang mga babaeng nasa mapanganib na kalagayan o masikip na katayuan tulad ng biktima ng pang-aabuso, karahasan at armadong sigalot, biktima ng prostitusyon at mga babaeng nakakulong.

a)

A. Women of the Society

b)

B. Able Women of the Society

c)

C. Especial Women in Difficult Circumstances

d)

D. Women in Especially Difficult Circumstances

5.

Layunin ng batas na ito na itaguyod ang husay at galing ng bawat babae at ang potensiyal nila bilang alagad ng pagbabago at pag-unlad at makilala na ang karapatan ng kababaihan ay karapatang pantao.

a)

A. Magna Carta for Women

b)

B. Women Discrimination Bill

c)

C. Women for Magna Carta Act

d)

D. Act Against Women Discrimination

6.

Tumaas ang bilang ng mga babaeng biktima ng prostitusyon ngayong ipinatutupad ang community quarantine. Ayon sa Magna Carta for Women, saan nabibilang ang mga biktima ng prostitusyon?

a)

A. Marginalized Women

b)

B. Women in Marginal Society

c)

C. Focused Women of the Society

d)

D. Women in Especially Difficult Circumstances

7.

Kinikilala ng Pilipinas na laganap pa rin ang diskriminasyon at di-pagkakapantay-pantay sa karapatan ng mga babae. Ang sumusunod ay tungkulin ng Estado bilang state party sa Convention on the Elimination of All Forms of Discrimination Against Women (CEDAW) maliban sa:

a)

A. paggalang sa karapatan ng kababaihan

b)

B. kondenahin ang pamahalaan dahil mahina ito

c)

C. masolusyunan ang laganap na diskriminasyon.

d)

D. ipagtanggol at itaguyod ang karapatan ng kababaihan

8.

Nilalayon ng CEDAW na wakasan ang diskriminasyon sa kababaihan sa pamamagitan ng:

a)

A. pagbabalewala sa tunay na pagkakapantay-pantay sa kababaihan

b)

B. pagbabawal sa aksyon o patakarang umaabuso sa kababaihan anuman ang layunin nito

c)

C. hindi pagbibigay ng pansin sa mga ulat na nagpapakita ng mga kababaihang biktima ng karahasan

d)

D. pagpapahayag ng mga hinaing at suliraning kinakaharap ng mga kababaihang biktima ng pang-aabuso at diskriminasyon

9.

Isang empleyado ng AMG Network si Calib. Ang kanyang asawa ay nagdadalang- tao. Bilang isang empleyado, anong benepisyo ang makukuha niya sa kompanya kapag nanganak na ang kanyang asawa?

a)

A. Maternity Leave

b)

B. Paternity Leave

c)

C. Leave for Fathers

d)

D. Paternity Leave of Absence

10.

Ito ang kauna-unahan at tanging internasyunal na kasunduan na komprehinsibong tumatalakay sa karapatan ng kababaihan hindi lamang sa sibil at pulitikal na larangan kundi pati na rin sa aspetong kultural, pang-ekonomiya, panlipunan at pampamilya.

a)

A. Conference Elimination of All Forms of Discrimination Against War

b)

B. Convention on the Elimination of All Forms of Discrimination Against War

c)

C. Convention on the Elimination of All Forms of Discrimination Against Women

d)

D. Convention on the Eradication of All Forms of Discrimination Against Women