wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Q3 EPP-INDUSTRIYA SUMMATIVE TEST NO. 2

Total questions: 25

Worksheet time: 50mins

Name
Class
Date
1.

1. Si Mang Ernesto ay kilala sa pagiging magaling na karpintero sa Barangay Sta.Lucia. Sa anong gawaing pang-industriya nahahanay ang kaniyang propesyon?

a)

A. gawaing-metal

b)

B. gawaing-kahoy

c)

C. gawaing-elektrisidad

d)

D. lahat ng nabanggit

2.

2. Anong bahagi ng niyog ang kapakipakinabang sa mga mamamayan?

a)

A. bunga

b)

B. kahoy

c)

C. dahon

d)

D. lahat ng nabanggit

3.

3. Ang molave, narra, at kamagong ay nakapaloob sa anong materyal na industriyal?

a)

A. niyog

b)

B. kahoy

c)

C. katad

d)

D. himaymay

4.

4. Anong uri ng himaymay na materyal na karaniwan ay gumagapang at ginagamit sa paggawa ng upuan, higaan, at kabinet?

a)

A. abaka

b)

B. rattan

c)

C. niyog

d)

D. kawayan

5.

5. Paano napatibay ang mga balat ng mga hayop na tinatawag ding katad?

a)

A. sa pamamagitan ng paggagamot

b)

B. sa pamamagitan ng pag-aasin

c)

C. sa pamamagitan ng pananahi

d)

D. sa pamamagitan ng pagdidikit

6.

6. Ang mga sumusunod ay mga pamamaraan sa batayang kaalaman at kasanayan sa gawaing kahoy tulad ng paggawa ng picture frame. Alin dito ang hindi kasali?

a)

A. Ihanda ang mga materyales na gagamitin at kakailanganin.

b)

B. Sukatin ang kahoy ayon sa itinakdang sukat

c)

C. Putulin ang kahoy ayon sa itinakdang sukat.

d)

D. Hayaan ang mga materyales na ginamit pagkatapos ng proyekto

7.

7. Ang mga sumusunod ay iba’t-ibang uri ng mga kasangkapang ginagamit sa mga pamutol. Alin dito ang hindi kabilang?

a)

A. ripsaw

b)

B. cross-cut-saw

c)

C. seesaw

d)

D. coping saw

8.

8. Ito ay isa sa uri ng kasangkapan na ginagamit sa paggawa ng maliliit na butas na hindi hihigit sa kalahating sentimetro. Ang talim nito ay tinatawag na drill bit. Alin dito?

a)

A. katam

b)

B. malyete

c)

C. barena

d)

D .kikil

9.

9. Bakit mahalaga ang kaalaman at kasanayan sa gawaing kahoy at iba pang materyales na makikita sa komunidad?

a)

A. Upang magamit sa pang araw-araw na pangangailangan ng mag-anak

b)

B. Upang malaya kang makapili ng gagawin batay na rin sa iyong kaalaman at kasanayan.

c)

C. Upang malaman ang kaisipan at kasanayan sa gawaing kahoy at iba pang sining pang- industriya

d)

D. Lahat ng mga nabanggit

10.

10. Ito ay piraso ng metal, kahoy o plastik, may marka ng seminto at pulgada, ginagamit sa pagsusukat. Alin sa mga kasangkapang ito ang tinutukoy?

I. Martilyo ( pamukpok )

II. Katam ( pamputol )

III. Foot rule/ Zigzag rule ( panukat )

IV. Oil stone ( panghasa )

V. Iskwala ( panukat )

a)

A. I at II

b)

B. II at III

c)

C. III at V

d)

D. IV at V

11.

11. Isa ito sa mga uri ng kahoy na matatagpuan sa bansa na matibay at mahusay gamitin sa paggawa ng bahay, muwebles at iba pang kagamitang mapagkakakitaan.

a)

A. bakawan

b)

B. mahogany

c)

C. kawayan

d)

D. ratan

12.

12. Alin sa mga sumusunod ang produktong mula sa kawayan na ginagamitan ng elektrisidad?

a)

A. alkansya

b)

B. bakya

c)

C. lamesa

d)

D. lampshade

13.

13. Naisipian ni Mang Ronie na gumawa ng proyektong mula sa kawayan na ginagamitan ng elektrisidad. Ano ang kailangan niya upang magsisilbing alituntunin para matapos ang proyekto at makatipid ng oras, pagod pati na rin ng mga gastusin sa kanyang paggawa?

a)

A. disenyo

b)

B. kagamitan

c)

C. kasangkapan

d)

D. plano sa paggawa

14.

14. Si Jodie ay gagawa ng lampshade na ginagamitan ng elektrisidad para sa kanyang proyekto sa Industrial Arts. Ano ang dapat niyang isaalang-alang upang maging ligtas at maayos ang kanya gagawin?

a)

A. Ilagay ang kung saan saan ang gamit habang gumawa.

b)

B. Gamitin ang mga personal na kagamitang pangkaligtasan.

c)

C. Iwanang nakakalat ang mga kagamitan pagkatapos gamitin.

d)

D. Makipaglaro at makipagusap habang gumagamit ng maseselang kagamitan.

15.

15. Sa panahon ng pandemya katulad ng Covid 19, Alin sa mga sumusunod na produkto ang mabili?

a)

A. palayok

b)

B. alkansya

c)

C. punda

d)

D. face mask

16.

16. Alin sa mga sumusunod ang dahilan ng mga mamimili na humanap ng mga produktong pamalit na sasapat sa kanilang kanilang kakayahan na bumili?

a)

A. pagtaas ng presyo

b)

B. pagkahilig sa imported

c)

C. kagustuhan

d)

D. kita

17.

17. Ano ang magiging epekto ng pagnanais ng mga tao na susubok ng ibang produkto?

a)

A. pagtaas ng demand

b)

B. pagbaba ng demand

c)

C. pagtaas ng presyo

d)

D. dadami ang supply

18.

18. Ano ang dapat gawin kapag umuuga na ang mga sandalan o paa ng mesa o silya? Anong dapat ilagay dito?________.

a)

A. brace

b)

B. bisagra

c)

C. pako

d)

D. plais

19.

19. Ito ay kagamitan na pang-ikot o panghigpit ng mga turnilyo. Alin dito?

a)

A. plais

b)

B. disturnilyador

c)

C. martilyo

d)

D. barina

20.

20. Buksan ang balbula ng gripo at __________ ito kapag nagkaroon ng tagas.

a)

A. higpitan

b)

B. luwagan

c)

C. hayaan

d)

D. lakasan

21.

21. Ang ________________ ay ginagamit sa mga kagamitang de-kuryente na malayo sa saksakan.

a)

A. extension cord

b)

B. plais

c)

C. screw driver

d)

D. liyabe

22.

22. Ang karaniwang sanhi ng baradong lababo ay_______________.

a)

A. putol na gripo

b)

B. baradong gripo

c)

C. baradong tubo

d)

D. kinakalawang na tubo

23.

23. Upang madaling ayusin ang tumutulong gripo tanggalin ang _________.

a)

A. sapatilya

b)

B. katawan ng gripo

c)

C. cleanout pulley

d)

D. tubo

24.

24. Ang baradong lababo ay tinatanggal sa pamamagitan ng ________.

a)

A. disturnilyador

b)

B. gomang pambomba

c)

C. sapatilyo

d)

D. liyabe de tubo

25.

25. Suriin ang laki ng __________ bago kumpunihin ang sirang bagay.

a)

A. pinsala

b)

B. halaga

c)

C. tanggalin

d)

D. barado